Alas nuwebe na ng umaga ng may ingay ako na naririnig mula sa silid ni Kuya Samuel. Kagigising lang namin ni Kuya Jacob at pareho kaming nagtataka. Dahil ayaw namin makialam, pinabayaan lang namin sila at dumiretso kami ng baba. Naghanda kami ng almusal dalawa at hindi ko maiwasan na mag-alala. Ang lakas kasi ng iyak ni Celine, habang si Kuya Samuel ay hindi ko marinig ang boses. Patuloy ako sa paghahalo ng sinangag ng mabitawan ko ang kahoy sa sandok. “K—Kuya Jacob,” kalabit ko sa aking katabi na nagpi-prito ng itlog at bacon. Akmang lalapit ako kay Kuya Engkanto ng hawakan ni Kuya Jacob ang braso ko at umiling ito. Kaya't wala akong nagawa kundi pagmasdan na kaladkarin ni Kuya Engkanto si Celine, palabas ng mansion. “Please, Samuel! For old time's sake. Wag mo naman gawin sa ak

