Nasa loob kami ngayon ng sasakyan. Tahimik lang ako habang ang aking asawa ay nagmamaneho. Pabalik kami ngayon sa bundok ng Rizal, sa kubo kung saan ako lumaki. “Malayo pa ba tayo, Jeraine?” tanong ng aking asawa na tinanguan ko. Hindi ko pa rin kasi ito kinakausap. Pangatlong araw na tango lang ang tanging sagot ko dito. Para kaming nasa laro na pinoy henyo. Tango, iling at taas lang ng balikat ang sagot ko. Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako na namumula ang mukha nito. Parang tinatambol ang dibdib ko at parang may mga paru-paro sa loob ng tiyan ko kapag ngumingiti ang aking asawa. Biglang bumabagal din ang galaw ng paligid at parang mas sumisigla at kumpleto ang araw ko. “You really don't have a plan in talking to me?” tanong nito sa akin na hindi ko sinagot. Lihim ako

