“Wait, may tawag lang ako.” Hindi ako umimik kay Samuel. Nandito kami ngayon sa school kung saan ako papasok. Napakalawak at napakalaki. Nakakalula pa ang taas. “Hi, transferee ka?” tanong ng lalaki na sa palagay ko ay ka-edad ko lang. “H–Hindi, bago lang.” Akala ko hindi na magsasalita pa ang lalaki, nagulat na lang ako ng tumabi ito sa akin ng upo. “Miko nga pala,” pakilala ng lalaki na nilahad pa ang kanyang kamay sa harapan ko. “Jeraine,” pakilala ko naman. “Anong course mo?” tanong pa nito. “Education,” tipid na sagot ko. Magsasalita pa sana ito ng biglang tumikhim si Samuel. Hindi ko napansin, nasa likod ko na pala ang aking asawa. Paglingon ko, masama ang tingin nito kay Miko. “Hello po, Sir! S–Sige Jeraine, aalis na ako. Nakakatakot ang Daddy mo.” Mabilis naka

