Habang kumakain kami sa hapag, tahimik lang ang dalawang lalaki sa tabi ko. Habang ang aking ama ay parang may gustong sabihin, pero hindi makapagsalita. Halata kasi ang salitan na tingin nito kay Jacob, Samuel at sa akin. Paano ba naman, ang dalawang lalaki kanya-kanya sa pag-asikaso sa pagkain ko. Kulang na lang, subuan ako. Pasimple ang bawat pagsulyap ko sa aking ama. Hindi ko kasi akalain na ang gwapo pala nito at mukhang walang dugong pinoy nananalaytay sa ugat nito. Ang inaasahan ko kasi na pintor, mahaba buhok, hindi naka shave at hindi ganito na parang artistahin. Ngayon ko lang napagtanto, kaya pala light brown ang kulay ng mga mata ko at hindi ako nangingitim kahit bilad ako sa araw. Dahil pala hindi naman purong pinoy ang dugo na nananalaytay sa aking ugat. “Can I ask so

