Kab7

592 Words
Friday. 8:00 AM. Pantry ng Montenegro Corp. "Suspended with pay" daw ako. Pero gabi pa lang di na ko makatulog. Nandito pa rin ako. Kasi di ko kaya mag-stay lang sa bahay mag-isa kakaisip. Kumuha ako ng tubig sa dispenser. Inom. Tapos... "Wala-" Tumakbo agad ako sa lababo Nagsusuk ako pero walang laman tiyan ko kundi tubig at kaba. "Sh*t," bulong ko, pawis na pawis na ako at hinihingal "Ay miss, okay ka lang?" yung taga-pantry lumapit. Tumango ako. Pinunas bibig ko gamit tissue. "Okay lang po, ate. Acid lang." Pagsisinungaling ko at nginitian na lang siya para malaman niyang okay lang ako Paglingon ko sa pinto... Nakatayo dun si Zane. Naka Black suit. At may hawak na Coffee sa kamay niya. Nakita niya lahat. Yung suka ko. Yung pawis ko. Yung nanginginig kamay ko. Tahimik siya at biglang naglakad papalapit sa akin "Come here," utos niya sa mababang boses. Umiling ako. "Sir, suspended po ako. Wala po ako dapat dito." "Come. Here," ulit niya. Mas diin na. Lumapit ako. Dahan-dahan. Hiyang hiya Tiningnan niya mukha ko. Ang putla ko nung nakita ko yung sarili ko sa salamin kanina "When did it start?" tanong niya. English pa rin. Pero mata niya... nag-aalala? "Anong start po, Sir?" kunwari tanga. "Don't play dumb, Aria," sabi niya. Binaba niya coffee niya. "The morning sickness. When did it start?" Napayuko ako. "Kahapon po. Pagkagising ko." Kinuha niya jacket niya. Black. Pang-CEO. Tapos binalot niya sakin. "You're freezing," sabi niya. English. "You're pregnant and you're here, vomiting in the pantry. Are you stupid?" "Sorry po," bulong ko. Amoy cedarwood jacket niya. Kaamoy niya Hinawakan niya braso ko. "We're leaving." "Sir, bawal po ako dito," sabi ko. "Suspended po ako remember?" "I'm the CEO," sagot niya. Tiningnan ako. "I make the rules." Paglabas namin ng pantry... lahat ng employee nakatingin. Bulong nang bulong. Si Zane Montenegro. Hinihila ako palabas. Naka-jacket pa ko na sakanya. Nandito kami sa parking lot sa harap ng sasakyan niya. Pagkasakay ko, kinuha niya bote ng tubig sa compartment. Binuksan at Inabot sakin. "Drink," utos niya. Ininom ko dahan dahan "Eat something," kinuha niya granola bar sa drawer. Binigay sakin. "Crackers would be better but this will do." Napatingin ako sakanya. "Sir... akala ko po galit kayo sakin?" Tahimik siya. Hawak manibela. Di nagda-drive. "I'm angry," sabi niya. Finally. pero mahina ang pagkakasabi niya "I'm angry you hid this from me. I'm angry you thought money could fix this." Nilagay niya granola bar sa kamay ko. Daliri niya dumampi sa daliri ko. Mainit. "But I'm not angry enough to watch you collapse in my building," sabi niya. Di tumingin sakin. "You're carrying a Montenegro. Act like it." Napahawak ako sa tiyan ko. "Sir... suspended po ako." "Medical leave," correction niya. Inistart na niya ang makina. "Paid. Starting today. Until DNA results and until doctor says you're stable." "Pero Sir-" "No buts, Aria," putol niya sakin. Tingin niya sakin saglit. Asul mata niya. Seryoso. "You faint in my office and the whole company will talk. I won't allow that." Pagbaba ko sa apartment ko... may dala na kong grocery bag. Lahat crackers. Ginger tea. Mineral water. Prutas. Lahat binili niya. Walang tanong-tanong. Bago siya umalis, bumulong siya sa bintana ng kotse: "Call my secretary if you need anything. Anything, Aria. Do you understand me?" "Yes, Sir," bulong ko. Yakap ko grocery. Pag-alis ng kotse niya... amoy cedarwood pa rin jacket ko. At dun ko narealize... Galit siya sakin. Pero mas galit siya sa idea na may mangyari sakin at sa baby namin. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD