Hindi ko alam kung bakit biglang natahimik si Kuya.
Pagkatapos magtanghalian ay umakyat na din siya agad sa kuwarto niya.
"Anong nangyari sa kuya mo?" tanong ni mama.
"Hindi ko po alam" sagot ko at nagpaalam na aakyat na din.
Nagulat ako ng makita si kuya sa kuwarto ko.
"May gusto kaba kay eli?" seryoso niyang sabi habang nakatingin lang sa bintana.
"Crush lang naman eh" nakapout na sagot ko.
"Iba ang type ni eli kaya tigilan mo na yan" inis na sabi niya at binato ang cellphone ko sa ibabaw ng kama.
"Alam ko naman 'yon kuya, crush lang naman eh kaya sana hayaan mo ako" singhal ko.
Alam ko naman na sexy, maganda ang gusto ni eli at hindi ako na mataba.
"Ayoko lang masaktan ka" tumayo siya at lumabas ng kuwarto ko.
Minsan nalang ako magkagusto sa isang lalaki bakit ganito pa.
May pasok na ulet at tinanghali na naman ako ng gising.
To: Elijah
Good Morning!
Nakangiti ako habang nagtatype ng message para sa kaniya.
Pagbaba ko ay wala na si kuya iniwanan na naman ako.
Nagdala nalang ako ng tinapay at kinain habang papunta sa school.
"Ouch" bumulagta ako sa sahig ng may pumatid sa akin.
"Ang taba kase eh"
"Sa sobrang taba di na kinaya ang sarili"
Rinig kong bulungan ng mga nasa paligid ko.
"Hoy anong nangyari?" napatingin ako sa mga lalaki na lumapit sa akin.
Nakita ko si Avi, Dustin, Felix at Rimor mukhang tapos na ang suspended na binigay sa kanila.
"May pumatid sa akin" inis na sabi ko.
"Sinong pumatid dito sa bestfriend namin?!" sigaw ni felix
"Bestfriend?"
"Kaibigan nila yang mataba na yan"
"Bumalik na ulet ang bigfour"
"Hayaan mo na" inawat ko si felix
"Tara pumunta muna tayo sa clinic para magamot ang sugat mo" sabi ni rimor.
"Namiss ko kayo mga ugok!" bati ko habang ginagamot ng nurse ang sugat ko sa tuhod.
Silang apat ay mga kaibigan kong lalaki simula palang nong elementary ay magkakaklase na kami.
"Miss ka din namin yaz" sabi ni felix.
"Ilang araw lang kaming nawala may nangbully na agad sayo" nakangising sabi ni Rimor.
"Sanay naman na" natatawang sabi ko.
"Kami naman ngayon ang magtatanggol sayo" ngumiti si avi kaya nangaasar na tumingin sa amin ang tatlo.
Dati kase nung mga elementary palang kami ay ako ang tumutulong sa kanila kapag may nangaaway sa kanila dahil lahat sila noon ay transferee.
"Ang daming langgam dito bakit kaya" sabi ni Rimor.
Nakakunot ang noo ko habang tinitignan ko silang tatlo na mukhang tanga sa ginagawa.
Si Avi naman ay namumula hindi ko alam kung bakit.
Tumayo na kaming lahat ng matapos gamutin ang sugat ko at para pumunta na sa room dahil magkakaklase kami.
"Away pa para masuspend ulet kayo" pangaasar ko sa kanila.
"Last na 'yon" natatawang sabi ni Dustin.
"Bakit kasama niya ang bigfour?"
"Ang pogi ni Rimor"
"Ang pogi ni Felix!"
"Si Dustin din kaya"
"Mas pogi si Avirous"
Natatawa ako sa mga bulungan na naririnig ko.
"Edi kayo na pogi" pangaasar ko sa apat.
"Kami lang to yaz" sagot ni Felix.
"Yabang" sagot ko kaya nagtawanan kami.
Si Felix ang pinaka-madaldal sa apat.
Si Dustin naman ang pinaka-malakas sa chicks.
Si Rimor naman ay laging may kaaway kahit saang lugar.
Si Avi ang pinaka-behave sa apat, tahimik lang ito at laging seryoso. Minsan lang namin siyang makitang tumawa kapag magkakasama kami. Mas maraming nagkakagusto sa kaniya kesa sa tatlo.
Dumiretso kami sa mga upuan namin. Lahat ng mga kaklase namin ay nagulat ng makita ang bigfour.
BIGFOUR daw dahil apat sila at apat silang campus crush dito.
"Yaz, bakit hindi ako pinapansin ni yesha?" bulong sa akin ni felix.
"Ewan ko" pangaasar ko.
Matagal ko ng alam na may gusto si felix kay yesha.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni yesha habang nakatingin sa tuhod ko.
"Napagtripan na naman" sagot ni felix.
"Kailan ka pa naging si Yazmin?" pambabara ni yesha kay felix.
"Wala ka pala eh" singit ni Dustin.
"Sabi ko nga mananahimik nalang ako eh" napakamot sa ulo si felix.
Basta talaga pagdating kay Yesha ay walang binatbat ang kasigaan ni Felix.
Lunchbreak na kaya papunta na kami ngayon sa cafeteria.
Binuksan ko ang f*******: ko at nakita ko na nakaonline si Eli kaya agad akong nagtype ng message.
To: Elijah
Eatwell!
To: Elijah
Reply ka naman oh.
To: Elijah
Grabe hindi namamansin.
Napangiti ako ng iseen niya na ang message ko.
"Hoy ano yang ngini-ngiti mo diyan?" sabi ni felix.
"Wala" pangsisinungaling ko.
Napalingon ako ng pumasok si Kuya sa cafeteria kasunod si Jaydee at ang baby ko.
From: Elijah
Hm
Napalingon ako sa kaniya at nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin.
"Crush mo?" nagulat ako ng magsalita si Avi.
Nakatingin din pala siya kay Elijah.
"Oo, kilala mo?" tanong ko sa kaniya.
"Yes, my cousin" nagulat ako sa sinagot niya.
"We? hoy huwag kang maingay ha" sabi ko dahil baka sabihin niya kay eli.
"Okay" tipid na sagot niya.
"Hoy ano yang pinaguusapan niyo?" sabat ni felix sabay agaw ng burger ko.
"Kunwari kapa kinuha mo lang burger ko eh" sabat ko sa kaniya.
"Diet ka diba?" pangaasar niya sa akin.
"Sa amin nalang ito ah" kinuha ni rimor ang natitirang fries sa tray ko.
"Ano pa bang magagawa ko nakuha mo na eh" reklamo ko.
"Here" inusog ni avi ang tray niya na puno padin ng pagkain.
"Buti pa si avi" sagot ko at kumuha ng burger.
"Malamang g.." natigilan siya ng takpan ni Dustin ang bibig ni felix.
"Ano 'yon?" nagtataka kong tanong.
"Ah wala" napakamot sa ulo sj felix.
Hindi ko na sila pinansin at ako ay tinitigan lang si Elijah na kumakain.
Bakit ganon, ang pogi kahit saang anggulo.
"Baka matunaw" bulong ni Avi sa akin.