
Sa isang mundo ng mga mafia at kapangyarihan, Si Daemon Klein Forrester na may malamig at arroganteng pag uugali , kilala ito bilang isang mafia boss and a famous c.e.o sa companyang Forrester Corporation na pagmamay ari niya. Sa kabilang banda Si Reese Amara Sauréz na mayaman at nagpapanggap bilang isang inosente at maarte , ay may tinatagong sikreto, walang kamalay malay ang kanyang pamilya at kapatid na si Kaiser Hael Sauréz sa tinatagong angking kakayahan ng kanyang kapatid. Samantala si Daemon Klein Forrester at Kaiser Hael Sauréz ay magkalaban sa organisasyon dahil sa kanilang mga personal interest. Nalaman ni Daemon Klein Forrester na may kapatid si Kaiser sa ibang bansa na magbabalik Pilipinas , upang mapabagsak si Kaiser ay nagplano si Daemon Klein Forrester na gamitin ang kapatid na babae ni Kaiser na si Reese Amara Sauréz bilang isang paraan upang maabot ang kanyang layunin. Sa simula hindi alam ni Reese Amara Sauréz ang mga intensyon na pinapakita ni Daemon sa kanya at hindi rin niya alam na ang kuya niyang si Kaiser ay may kaugnayan sa mga ito. Sa pagbabalik Pilipinas ni Reese Amara Sauréz mula sa ibang bansa, sapilitan siyang kinuha ng mga tauhan ni Daemon Klein Forrester .
Pinahirapan ni daemon si Reese Amara upang maipakita ang kanyang kapangyarihan at ang kakayahang mapabagsak ang kapatid ni Reese Amara na si Kaiser. Ngunit habang lumilipas ang panahon, hindi niya namamalayan na unti-unti na siyang nahuhulog kay Reese Amara . Ang dating plano na gamitin ang babae ay nagbago na, si Daemon Klein Forrester ay natagpuan ang sarili na nahuhulog sa kapatid ng kalaban niya. Ngunit ang hindi nila alam, na si Reese Amara ay isang matapang na mafia queen. Siya ang pinuno ng pinakamataas Sa lahat ng antas sa mafia organisasyon kilala bilang Fallen Angel, Sa likod ng kanyang inosente at maarteng pag-uugali, siya pala ang nagtatanggol at tumutulong sa organisasyon ng kanyang kuya na si Kaiser Hael Sauréz nang palihim. Sa gitna ng mga laban at hidwaan, ang pag-ibig at ang katapangan ng babae ang magiging daan tungo sa pagkakasundo at pagkakaisa. Ang kuwento ng isang mafia boss at CEO na cold at arrogant na nagmahal sa isang mayaman at maarteng babae. ang kwentong ito ay isang paglalakbay tungo sa pag-ibig, pagkakaisa, at pagpapatawad. Mapapatawad pa ba nila ang isa't isa sa oras na malaman nila ang totoo? , paano sosolutionan ni Reese Amara ang hidwaan ng minamahal nitong si daemon Klein at Ang kapatid na si Kaiser Hael Sauréz? Pagbibigyan ba ng tadhana ng isa pang pagkakataon na pagtagpuin ulit ang kanilang mga puso? Tara at samahan kaming Subaybayan ang kwento hanggang dulo.

