Chapter 6 :: Avoiding

1424 Words
A week has passed but I still can't forget what happened. I tried to occupy myself with planting and helping lola dalia with kitchen chores, watering the plants. Nakakawalang ganda ang stress, kaya mas minabuti kong iwasan. "Amara, Hindi ka pa ba napapagod diyan?!" Nilingon ko si lola dalia sa hindi kalayuan. Kanina pa kami nag bubuhat ng mga halaman na nakalagay sa paso na pwede ng ilipat sa lupa, pero hindi pa ako nakakaramdam ng pagod. Kinuha ko ang isang malaking paso na may medyo malaki ng halaman at dinala ko ito kay Nanding. "Ayos lang po ako, la!" Sigaw ko. Medyo may katandaan na siya kaya naman pumapalya narin ang pandinig niya kaya mas minabuti kong lakasan ang boses. "Kumain ka muna kaya, Amara. Kanina ka pang umagang nagbubuhat, ikaw din baka mag ka roon ka niyan ng malaking muscle"Nanding said laughing. I laughed at what he said. Nanding is one of the workers here at the hacienda, he is kind and has something to be proud of, I am younger than him but we are only a few years apart in age. Gwapo siya at kulay lupa ang kanyang balat , matangkad at may magandang ngiti, pihadong maraming mag kakandarapa sakanyang babae. "Okay lang magkaroon ng muscle, h'wag lang sungay" Humalakhak ako. "Grabe ka naman kay, Sir." Pangdepensa niya kay Deamon. Tinapik ko ang balikat niya at muling bumalik sa pwesto ko kanina para kumuha ulit ng paso na may lamang halaman. Ganun lang ang ginagawa ko, babalik sa pwesto ko para kumuha ng paso at babalik ulit sa pwesto ni Nanding para ibigay iyon sakanya. "Mabait naman talaga si sir," Dagdag pa niya "Mainitin lang talaga ang ulo niya." Pagpatuloy nito. Kumibit balikat ako sa sinabi niya. Isang taon pala kung uminit ang ulo niya? Need niyang mag pa check up. "Alam mo, Amara. Masayahing binata talaga yang si Deamon." Nakuha ni Lola Dalia ang atensyon ko. Ngayon ko lang napansin na nakalapit na pala siya sa puwesto namin ni Nanding. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa huminto ito sa harapan ko. I waited for what she would say next. "Pero simula ng mamatay ang nakakabata kapatid niyang si Angela ay naging mainitin na ang ulo niya, Naging maiksi ang pasensya sa lahat ng tao o bagay. Hindi naman namin siya masisisi dahil alam ko ang mga paghihirap na pinagdaanan niya---Napakabait niya sa aming lahat..kaya nag tataka ako kung bakit gano'n nalang ang trato niya sa'yo." Kwento niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng sinangayunan ni Nanding ang sinabi ni Lola Dalia. What do I have to do with his suffering? Bakit pati ako pinapahirapan niya?. "Kunting tiis lang, Amara. Alam kong hirap kana pero sana h'wag mo siyang iwan sa kabila ng kasamaang pinapakita niya." Dugtong pa ni Lola dalia. I couldn't do anything else because he was holding me by the neck. I know how dangerous he is, he can kill my family, so as long as I can, I will follow his orders just for the safety of my loved ones. "Hindi naman siya ganu'n kasama, siguro nagagandahan lang sayo si Sir" Mabilis na hinampas ni Lola ang braso ni Nanding kaya naman napahinto ito sa pagtawa. " Tumigil ka nga, Nanding. Paniguradong papagalitan ka ni Deamon kapag narinig niya ang mga sinasabi mo!"Suway ni Lola. "Maganda naman talaga si Amara." Tumingin ito sa akin at kuminda. "Di'ba?" Napailing nalang ako sa kalukohan niya. "Alam kong magandang dalaga si Amara, pero umayos ka." May pagbabantang sabi niya kay Nanding. Agad ko silang tinalikuran ng mapansin na nag tatalo na silang dalawa. Agad kong tinapos ang ginawa ko dahil tutulungan ko pang magluto si lola dalia para sa pananghalian ngayon. Tumatagaktak na ang pawis ko at ramdam ko narin ang panglalagkit ng balat ko. Manipis na T-shirt na nga ang sinuot ko para kahit papaano ay mapreskohan ang katawan ko pero mas lalo akong pinagpawisan. My clothes are already wet with sweat, which is why my bountiful breasts are showing. Umangat ang tingin ko ng makitang namumula ang buong muka ni Nanding ng hindi magawang makatingin sa akin. "A-Anong problema mo?" Nahihiyang tanong ko. "Alam ko naman na m-malaki yan, Amara. P-pero 'wag mo naman ipangalandakan sa'kin"Ngumuso ito. I felt all the blood rise in my face. "A-Ano bang p-pinagsasabi mo?"Ramdam ko ang pag init ng muka ko. Nginuso niya ang dibdib ko na bumakat na sa damit kong suot. Dahil sa hiya ay mabilis ko itong tinakpan gamit ang madudumi kong kamay na alam kong mag iiwan ng bakas kapag tinanggal ko ang kamay ko. "B-Bastos!" "Whom?" Mabilis ako napa harap sa nagsalita. His eyes widened as he looked down at my chest, he quickly turned around and scratched the back of his neck. "A-Ano b-bang---" "What the hell are you looking at, Nanding?. don't look at her!"Sigaw na utos ni Deamon. Mabilis ang ginawang pag ikot ni Nanding, habang ako ay Pulang-pula na ang muka dahil sa ginagawa nilang dalawa. Ano bang problema sa dibdib ko? "Ohgod" Rinig kong bulong niya. "N-Naku, Sir. M-Mali ang iniisip mo!" Nanding. "Shut up, Nanding. it's obvious you enjoyed it!" Halata sa boses niya ang pag titimpi. "P-Patay." Bulong ni Nanding. "Mga bastos!" Sigaw ko saka nila bago tumakbo paalis sa kinaroroonan nila at mabilis kong tinahak ang kwarto ko. Halos mag wala na ang dibdib ko dahil sa malakas na pag t***k ng puso ko. Tiningnan ko ang sarili sa salamin, napapikit ako ng makita kong gaano namumula ang muka ko dahil sa hiya. Naligo ako at mabilis na nag palit ng damit, baka hinahanap na ako ni Lola Dalia, nangako ako sakanya na tutulongan ko siya ngayon sa gawaing kusina. Matapos kong ayusan ang sarili ko ay napagdesisyunan ko na ring lumabas. Sana lang ay hindi ko makita si Nanding dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin dahil sa kahihiyan. Naabutan ko si Lolda Dalia na nag luluto ng ulam para sa pananghalian. Tinungo ko siya agad at humingi ng paumanhin dahil natagalan ako. Dahil patapos narin naman ang niluluto niya ay tumulong nalang ako para sa paghain ng ibang pagkain. Matapos ang paghain, plano ko na sanang umalis ng pigilan ako ni Lola. I frowned. "May kaylangan pa ba kayo, la?" Tanong ko. She smiled at me."Sabayan mo raw kumain ngayon si Sir."Sabi niya. Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Bumuka ang labi ko pero walang namutawing salita dito. Nagtataka kong bakit may eksena siyang ganito, may panibago na naman ba siyang plano para pahirapan ako?. Mapakla akong ngumiti. I tried to avoid him for a whole week, maybe I can avoid him now. "Busog pa po ako, la!. Pakisabi nalang po na marami pa akong ginagawa"I lied. Bumuntong-hininga ako ng makita ko ang pagtango ng matanda . Agad akong umalis, at nag lakad hanggang sa marating ang malaking punong mangga kung saan malimit kaming tumambay ni Coco. I sat under the mango tree. I took a deep breath before gently closing my eyes. Kahit papaano ay nakakatulong rin sa akin ang hangin dito. Nakakawalang pagod. Dahil sa pagod na nararamdaman ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Kung hindi pa kumalam ang sikmura ko ay hindi pa ako magigising. "Are you avoiding me?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses niya. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niyang nakatuon sa akin. Ano bang ginagawa niya dito?. Tumikhim ako. "Do you need anything, sir?" Tanong ko habang nakatingin sa malayo. his jaw tightened. Humakbang siya papalapit sa akin kaya humakbang din ako paatras. Napatigil siya sa ginawa ko bago yumuko at minasahe ang kanyang ilong. "Pack your things."Sabi niya. he looked into my eyes. Wala akong na bakas na panganib sa mga yon, hindi ko alam kung bakit parang napakalma nito ang nag wawalang sistema ko. "We are going back to Manila." Huling sinabi niya bago ako tuloyang tinalikuran. Nanlaki ang mata ko sa sanabi niya. Mabilis ko siyang hinabol hanggang sa maabutan ko ito at huminto sa harapan niya. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. "T-Talaga?" Tanong ko. "Walang halong charot?" Panigurado ko. He raised an eyebrow and put his hand in his pocket. "Don't be happy, because I won't let you go out, I won't let you see your family. you stay by my side, Amara. you can't get out of my sight." Mariin niyang sabi bago ako tuloyang naglakad paalis. "but before we leave this place, whether you like it or not we will get married." My eyes watered. We will do it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD