Pagdating ni Sera sa bahay nila, pagod na pagod siya pero kahit gano’n, may dala pa rin siyang ngiti na dumeretso sa silid ng Mommy niya na ilang araw din niyang hindi nakita dahil sa isang dahilan. “Ma!” Masigla niyang tawag pagpasok pa lang niya sa loob ng silid nito. May bitbit siyang paper bag na may pasalubong. Lumabas agad ang mommy niya mula sa banyo na nagulat pero natuwa ng makita siya. “Anak! Hindi ka nagsabi na uuwi ka.” Lumapit si Sera at niyakap ito saglit lang—pero totoo. “Miss kita eh, sorry kung ngayon lang po ako naka uwi.” sabi niya, pilit pinapagaan ang pakiramdam. Napangiti ang ina niya. “Anong dala mo?” “Favorite mo, dry mangoes.” sabi niya, iniabot ang dala. Sandaling bumalik ang pagiging normal ng lahat. Parang walang problema, parang walang Jiro na gumugulo sa

