Mabilis ang lakad ni Sera sa sidewalk ng subdivision. Pigil ang luha niya, hindi siya naiyak dahil na sasaktan siya. Naiyak siya dahil na gagalit siya at gusto niyang murahin ang sariling ama pero hindi niya magawa. Dahil ama pa rin niya ito kahit baliktarin pa niya ang mundo. Hindi niya alam kung saan pupunta, ayaw pa niyang umuwi sa condo niya. Dahil pag-umuwi siya iiyak lang siya at mamumugto ang mata niya. Gusto lang niyang makalayo muna at mabawasan ang sama ng loob niya pero mukhang walang balak si Jiro na tantanan siya. Dahil isang kotseng itim ang dahan-dahang sumunod sa tabi niya bumukas ang bintana at sumilip si Jiro na nagawa pang ngumiti habang nasa backseat ng kotse. “Get in.” utos nito na ikinalingon niya napikon siya sa ngiti nito na parang walang nangyari. “Go to hell

