Kagat labi si Jiro habang naka rest ang ulo niya sa gilid ng jacuzzi, meron soft jazz music na nasa background, tahimik ang loob ng presidential suite. Hindi siya nakatira sa isang luxury condo gaya ng ibang kapatid niya, mas pinili nyang tumira sa isa sa mga hotel ng Kuya Jael niya. Pumayag naman itong ibigay sa kanya ang isang presidential suite bilang bahay niya. Mas convinient kasi kung doon siya titira kesa sa mga condo. Pinaka malapit kasi sa lahat ang La Huerta Prestige Hotels wala ng masyadong hassle sa mga biyahe at dadaanan ng traffic. Madaling araw pa lang dapat tulog siya ng mga oras na ito pero hindi siya makatulog kaya pinili na lang niyang maligo at mag babad sa jacuzzi. Maliban sa mahinang music ang tanging maririnig lang ay ang mahinang paggalaw ng tubig sa loob ng jacuz

