Episode 7- Runaway Sera

1438 Words
Halos mag-aalas sais na ng hapon. Pagod na pagod si Seraphina habang nakatayo sa gilid ng kalsada, yakap ang bag niya, habang nag-aabang ng masasakyang taxi. Mabigat ang katawan niya niya hindi lang dahil sa trabaho, kundi dahil sa iniisip niya. Akala niya makakasakay agad siya ng taxi, pero sakto naman walang nadaan. 7 PM. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang oras. Hindi pa nga siya nakakauwi, hindi pa siya nakakapagpahinga. At higit sa lahat ayaw niya, ayaw na niyang bumalik sa suite na iyon, wala siya sa mood na makipag chukchakan at mahirapan nanaman umihi kinabukasan. Buti ito walang hassle sa aftermath e siya ilang araw talaga niyang ininda ang sakit. “Taxi…” mahina niyang bulong habang sinusubukang pumara, pero wala pa ring humihinto. Hanggang sa isang itim na Rolls-Royce ang dahan-dahang huminto sa harap niya. Napakunot ang noo niya, hindi siya agad lumapit pero nang bumaba ang tinted na bintana doon tumigil ang mundo niya ng makita si Jiro nasa likod ng sasakyan, relaxed na nakaupo, pero ang mata nakatutok sa kanya. “Get in.” Dalawang salita lang iyon diretso, walang paligoy-ligoy parang utos na kailangan niyang sundin, napalunok si Sera. “Hindi pa po 7 PM, Sir.” sagot niya agad, pilit pinapakalma ang sarili. “At… hindi pa ako nakakauwi.” Hindi gumalaw si Jiro nakatingin lang sa kanya. “Get in,” ulit niya, mas mababa na ang boses. Napailing si Sera. “Mamaya pa naman usapan natin… promise sir, darating naman ako." Hindi na siya naghintay ng sagot. Tinalikuran niya ang sasakyan, handang maglakad palayo pero biglang bumukas ang pinto ng Rolls-Royce lalabas si Jiro. At doon nagulat si Sera, malapit lang sila sa building office nila at baka may makakita sa kanila. Bukod sa nakakahiya nakaka eskandalo ang dating nun. “Hoy teka—!” Mabilis siyang napatakbo pabalik at agad niyang itinulak ang pinto pabalik para sumarado. Muntik nang maipit si Jiro sa loob. Buti nalang mabilis itong napaatras ng kaunti, halatang hindi inaasahan ang ginawa niya at nanlalaki ang mata. Bago pa makapagsalita si Jiro nagulat nalang siya ng mabilis na tumakbo si Sera, walang lingon-lingon. Sakto, may taxi na huminto sa gilid, kakababa lang ng pasahero. “Kuya, please!” Mabilis sumakay si Sera, "Tara na po!” Hindi na nagtanong ang driver, umandar agad. Sa loob ng sasakyan, hinihingal si Sera, na napahawak sa dibdib niya. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak. “Grabe…” bulong niya. “Muntik ko pa siyang maipit…” Pero kahit ganoon may kakaibang saya sa dibdib niya parang… nakatakas siya. Kahit saglit lang. Samantala, si Jiro Nakatayo sa tabi ng sasakyan niya, tahimik na nakasunod ng tingin sa taxi na lumampas sa kanila. Hindi siya nakagalaw. Ilang meinuto ang lumipas, hanggang sa napailing siya at natawa, mahina lang sa una pero totoo. “She pushed the door…” bulong niya sa sarili, hindi siya galit, hindi rin siya naiinis. Kung tutuusin mas lalo siyang… naaliw. Lalo na ng tumakbo ito ng mabilis na akala mo snatcher. “Allergic ba siya sa akin?” dagdag niya, bahagyang napapangiti pero sa kabilang banda na aamuse. Naghahanap ng mangkukulam pero tinakbuhan ako? Ano yun? Napailing ulit siya. “Interesting.” Sumakay siya ulit sa kotse. “Let’s go,” utos niya sa driver. - - - - 7 PM. Nasa suite na si Jiro, tahimik na nakatayo lang siya sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng alak. Nakatingin sa city lights. Naghihintay sa pagdating ni Sera gaya ng dati. 7:15, wala pa rin, 7:30 walang sign na darating si Sera, nag sisimula ng uminit ang ulo niya. 7:45, Unti-unti nang nawawala ang ngiti sa labi niya. Hanggang umabot na siya ng 8:00 wala pa rin si Sera. Doon nagbago na ang aura niya. Tuluyan ng nag-init ang ulo niya, hindi siya sanay maghintay at walang taong gumawa nun sa kanya. Kahit si Jesica dahil alam ni Jesica na importante sa kanya ang oras, kapag nag bigay ka ng oras dapat on time ka. Pinaka-away niya ang nakagawian ng pinoy na Pilipino time, he hates it. Dahan-dahan niyang inilapag ang baso at kinuha ang phone. Tinawagan si Sera sa kabilang linya naka ilang ring din bago may sumagot. “Hello?" bungad agad niya. "Don’t come to work tomorrow,” malamig niyang bungad agad habang tahimik sa kabilang linya, may naririnig siyang tunog pero di na niya pinag-ukulan ng pansin sa inis niya. "You’re fired.” Diretso, walang emosyon, walang paliwanag i-ooff na sana niya ang call ng isang boses ang narinig na hindi familiar. Nag salubong ang kilay ni Jiro na idinikit ulit sa tenga ang phone. "Who the hell is this? Asan si Sera? Who are you?” Napakunot ang noo ni Jiro. “This is a nurse. Are you a relative of the patient?” Parang biglang nagbago ang hangin sa paligid niya. “Patient?” "Yes. The owner of this phone is currently in the emergency room." Ilang segundo na natigilan si Jiro na parang may sariling isip ang mga paa niya na mabilis na humakbang. Na kinuha ang isang susi na nakasabit sa key holder at deretso ang mga paang nag lakad palabas ng suite. “Anong nangyari?” mababa niyang tanong. “Sir… naaksidente po ang taxi na sinakyan niya.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya after ng narinig sakto na nakasakay na siya sa elevator. "She’s under observation.” Parang may kumurot sa dibdib niya. Bigla, hindi niya inaasahan na mangyayari ito. "Is she alright?" tanong niya na halos pabulong nalang. "Bumangga po sa poste ang taxi na sinasakyan niya. Yung driver po ay may injuries at kasalukuyang ginagamot. Yung pasahero naman—” Saglit na tumigil ang nurse. “Si Ms. Seraphina Quinn?” “Yes…” “She was unconscious when she was brought in.” hindi pa siya nakakarecover sa nangyari sa kapatid nya si Joven heto at panibagong aksidente nanaman. “What’s her condition?” he asked, his voice low—but sharper now. “She’s stable for now, but still unconscious. The doctor suspects she may have inhaled some kind of substance—possibly a sedative.” nag salubong ang kilay ni Jiro na saktong palabas ng elevator na napahinto sandali. "Excuse me? What did you said?" "We’re not certain yet, sir. Tests are still ongoing. But there are indications that her loss of consciousness wasn’t caused by the accident alone.” Parang may biglang may nag-click sa isip ni Jiro. Taxi, pagkahilo, pagkawala ng malay. Hindi aksidente lang at talamak ngayon ang ganun modus sa Manila. At ngayon isa si Sera sa nabiktima ng ganun taxi. “Which hospital?” Ilang minuto lang nasa parking na siya at sa unang pagkakataon sa matagal na panahon na siya hindi nag mamaneho ng sasakyan niya pero ngayon siya mismo ang nagmamaneho. Hindi niya na mahihinintay ang driver. Hindi niya na pinag-isipan. Basta sumakay siya at umalis, mabilis habang nasa kalsada na siya indi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Inis? Galit? Pag-aalala? Hindi niya alam pero isang bagay ang malinaw, hindi siya mapakali. “Stupid girl…” bulong niya, mahigpit ang hawak sa manibela. “Tumatakbo pa… sana nakinig ka nalang sa akin." Naalala niya kung paano ito tumakbo kanina, kung paano siya tinulak, kung paano ito umiwas sa kanya at ngayon nasa ospital ito dahil sa isang taxi driver na agad niyang itinawag sa pulis at inireport. Pagdating niya sa hospital, mabilis siyang pumasok. Diretso, walang pakialam sa mga tao sa paligid. “Emergency room?” tanong niya sa nurse sa desk. “Right there, sir.” turo nito sa isang pinto na may ilang hakbang lang ang layo. Hindi na siya naghintay, agad na siyang humakbang, ramdam niya ang kakaibang tensyon sa dibdib niya. Hindi ito galit, hindi rin simpleng inis. Mas malalim, mas delikado. Sandali siyang hinarang ng isang nurse ng pumasok siya basta pero ng mag pakilala siyang boyfriend ni Sera saka lang siya pinapasok at doon nakita niya si Sera. Nakahiga sa hospital bed mabilis siyang lumapit at hinaplos ang buhok nito agad naman na lumapit ang isang nurse at ipinaliwanag ang sitwasyon ni Sera. After na siguraduhin naman ng doctor na safe si Sera agad gumawa ng tawag si Jiro at inutos niya na imbestigahan ang aksidente ni Sera at ipasarado at alisan ng frangkisa ang taxi operator at tiyakin na makukulong ang driver na gumawa nito kay Sera. At wala siyang paki-alam kung pamilyadong tao ang driver basta gusto niyang makulong ito kapag napatunayan na may binalak itong masama kay Sera. Siya ang maghahatid dito mismo sa impeyerno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD