Episode 8-Unconscious Truth

1931 Words
"Sera." mahinang bulong na tawag ni Jiro sa dalagang natutulog lang sa loob ng emergency room, nakatingin siya sa kamay nito pero na tatakot siyang hawakan, pakiramdam niya baka masaktan niya ito sa sobrang pag-alala na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Nakaupo lang si Jiro sa gilid ng isang metal na upuan, bahagyang nakayuko, ang mga siko ay nakapatong sa kanyang mga tuhod. Hindi niya halos maramdaman ang lamig ng aircon, ayaw niyang gumalaw iniitay niyang gumalaw ang daliri ni Sera. Napakatahimik ng buong emergency room, may ilang nakakabit na monitor sa katawan ni Sera, ang mahinang tunog ng monitor ang tanging nagpapatunay na unconscious lang ito. Hindi pa siya inililipat sa isang pribadong silid, hindi pa siya ina-admit, nandoon lang siya sa ER dahil under observation ang monitoring pa ito ayun sa nurse kanina. “Sir…” Napatingin si Jiro sa nurse na lumapit sa kanya. Hawak nito ang clipboard, pero ang mga mata ay puno ng maingat na pag-unawa. “Any update?” mahinang tanong ni Jiro, na umunat ng pagkakaupo na humarap sa nurse. “Stable naman po ang vital signs niya,” sagot ng nurse. “Normal ang heart rate, maayos ang breathing. Pero wala pa rin pong response.” Bahagyang napapikit si Jiro at napahinga ng malalim. “Gaano katagal pa?” tanong niya. “Hindi pa po sigurado,” sagot nito. “May hinala ang doktor na may nalanghap siyang sedative. Kung gano’n po, kailangan lang naming hintayin na mag-wear off ang epekto.” “Hindi niyo talaga siya kailangan ililipat sa room?” “Sa ngayon po, dito muna siya sa ER for observation. Mas mabilis po naming mamomonitor ang kondisyon niya dito. Kapag nag-stabilize na at nagising na siya, saka po namin siya pwedeng i-admit kung kinakailangan.” Tumango si Jiro, pero hindi siya agad nakapagsalita. Sedative. Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang iyon sa isip niya. Hindi aksidente ang nangyari, hindi basta bumangga lang ang taxi sa isang poste. Mariin niyang kinuyom ang kanyang kamao, kapag na aalala niya ang posibleng nangyari kay Sera. “Sir… gusto niyo po bang —." mabilis na umiling si Jiro na ikinatango ng nurse. Tumayo rin si Jiro, dahan-dahan parang bawat galaw niya ay may kasamang desisyon na hindi na niya pwedeng bawiin. Lumapit siya sa kama. Mas malinaw niyang nakita ang mukha ni Sera na maputla, walang emosyon, at parang napakalayo sa kanina nitong masiglang ekspresyon. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nagsasalita at hindi siya lumalaban at doon, sa simpleng katahimikan na iyon, may kung anong sumikip sa dibdib ni Jiro. “Ang kulit mo,” mahina niyang sabi, halos pabulong nalang na kinuha ang kamay ni Sera ng tuluyan. “Hindi ka man lang nag-iingat.” Walang sagot, siyempre wala, ano bang inaasahan niya. Dahan-dahan niyang pinisil ang kamay ni Sera na malamig. “Gumising ka,” bulong niya, mas mababa na ang boses. “Hindi ka pwedeng ganito lang. Ano bang ginawa mo sa akin bakit nanatili ako sa tabi mo? Kaya mo bang sagutin yun dahil ako hindi ko alam kung bakit?" tanong ni Jiro. - - - - Lumipas ang ilang oras, nanatili si Jiro sa tabi ng higaan ni Sera, hindi umalis. Hindi siya gumalaw sa kina-uupuan niya maliban sa paminsan-minsang pagtayo at muling pag-upo. May ilang beses na inalok siya ng tubig ng nurse. Hindi niya maalala kung uminom ba siya o hindi. Ang alam lang niya naghihintay siya at habang tumatagal mas nagiging mabigat ang bawat minuto. At nakakaramdam siya ng takot na hindi niya maintindihan. “Sir,” muli siyang nilapitan ng doktor na nasa emergency room. “We ran initial tests. Wala pong signs ng head trauma o internal bleeding. Malinis din ang CT scan.” Napatingin si Jiro sa doctor at napatayo. “So it’s really the sedative.” “Yes,” tumango ang doktor. “Base sa findings, most likely inhaled substance. Hindi pa namin matukoy exactly kung ano, pero consistent ang symptoms.” “Gaano katagal bago siya magising?” “Depende sa dosage,” sagot nito. “Pwedeng ilang oras… pwedeng mas matagal. Pero good sign na stable siya.” Tumingin si Jiro kay Sera parang hindi sapat ang salitang stable lang, hindi rin sapat ang “okay lang.” Gusto niya gumising na siya. Ngayon, hindi mamaya at mas lalong hindi bukas. Ngayon niya gusto. “Doc,” seryoso niyang sabi. “Make sure she’s safe.” Tinitigan siya ng doktor, tila sinusukat ang bigat ng tono niya. “She is. You have my word.” Tumango si Jiro pero hindi siya kumbinsido. Hindi pa. Pag-alis ng doktor, muling bumalik ang katahimikan at umupo ulit si Jiro sa tabi ng kama. Hindi na siya tumayo ulit. Hindi na siya umiwas ng tingin kay Sera. Tahimik lang siyang nakatingin kay Sera, parang may hinahanap sa bawat detalye ng mukha nito. Hanggang sa isang maliit na galaw sa talukap ng mata nito ang nagpagalaw sa kanya napakurap siya. Akala niya guni-guni lang. Pero muling gumalaw ang daliri ni Sera, mahina halos hindi mapansin pero sapat para mapatayo si Jiro. “Sera?” Lumapit siya, mas malapit kaysa kanina. “Sera, can you hear me?” Walang sagot. Pero bahagyang kumunot ang noo nito parang may pilit na tinutulak ang sarili ang sarili na dumilat. “Doctor!” tawag ni Jiro, hindi na napigilan ang urgency sa boses niya. Mabilis naman na lumapit ang nurse at doktor. “Ma’am? Can you hear us?” tanong ng nurse habang chine-check ang monitor. Mas bumilis ang tunog ng heartrate ni Sera. Dahan-dahan, parang mabigat na mabigat, gumalaw ang pilikmata ni Sera. Hanggang sa bahagyang bumukas ang mga mata niya. Malabo ang paningin at nalilito pa ng konti kung nasaan siya at puno ng pagod pero isang mukha ang nakita ni Sera. “...Jiro…?” Mahina, halos parang bulong lang sa hangin. Pero malinaw at sapat para tuluyang bumitaw ang hininga na kanina pa pinipigilan ni Jiro. “I'm here, Babe... I'm right here.” agad niyang sagot, masyadong mabilis, masyadong totoo. “Nandito lang ako.” Tinitigan siya ni Sera, parang pilit inaayos ang paningin. “Anong… nangyari…?” Sumulyap si Jiro sa doktor. “Easy,” sabi nito. “Huwag muna siyang pilitin magsalita.” Pero hindi na napigilan ni Jiro. May kung anong kumulo sa loob niya—galit, takot, at kung ano pa mang hindi niya kayang pangalanan. “Sera,” mas mahinahon niyang sabi, kahit ramdam ang tensyon. “May naaalala ka ba?” Napapikit si Sera. Piliting inalala na pumikit. “Taxi…” bulong niya. “May… amoy…” Biglang kumunot ang noo niya. “Hindi… ako makahinga…” Mabilis na nagkatinginan ang doktor at nurse. “Enough,” sabi ng doktor. “She needs rest.” Pero sapat na iyon, sapat para sa kumpirmasyon na hindi talaga aksidente ang nangayari. May gumawa ng masama kay Sera at ngayon alam na ni Jiro. Dahan-dahan niyang hinawakan muli ang kamay ni Sera. Mas mainit na ngayon. Mas buhay. “Take a rest,” sabi niya, mas mahinahon na ang boses. “Ako na ang bahala.” Bahagyang tumango si Sera, kahit halatang pagod na pagod. Unti-unting pumikit ang mga mata niya. Pero this time, hindi na dahil sa kawalan ng malay. Kundi dahil sa pagod. At sa wakas may katiyakan na naligtas ang dalaga. Tahimik muli ang paligid pero hindi na katulad kanina. Hindi na ito nakakakaba, hindi na ito nakakabingi. Ilang minuto lang nag ring ang phone ni Sera na nakapatong sa mesa na kinuha ni Jiro at nakita niya na kung sino ang natawag. Papa calling... Agad na kinuha ni Jiro ang phone at sinagot. “Hello? Sera? Anak, nakauwi ka na ba?” Halatang nag-aalala ang boses ng ama ni Sera. “Bakit hindi ka nagre-reply? Kanina pa ako tumatawag—” Tahimik lang si Jiro ng ilang segundo, nakinig lang siya sa boses ni Mitchel hanggang sa matigilan ito sa pag sasalita ng tumikhim siya. “Hindi siya makakasagot.” Biglang tumahimik ang nasa kabilang linya. “Sir Jiro?” Halata ang gulat sa boses ni Mitchell. “Sir Jiro?” Ulit nito. “Good evening, Mr. Quinn.” Malamig na tugon ni Jiro. “Bakit… bakit kayo ang sumasagot sa phone ng anak ko?” Napatingin si Jiro kay Sera. Mahina ang paghinga nito at mukhang nakatulog na ulit ng mahimbing. “Don’t worry,” sabi niya, kalmado. “She’s with me. She's tired and sleeping.” Saglit na katahimikan ang namayani. “Sir… anong ibig niyong sabihin?” Bahagyang sumandal si Jiro sa upuan. “Hindi ba malinaw ang usapan natin?” Biglang bumigat ang hangin. “Ang anak mo… collateral.” Napahinga nang malalim si Mitchell sa kabilang linya. “Sir… akala ko—ak—akala ko tapos na ‘yon…” “Hindi pa.” Diretso ang sagot. Walang pag-aalinlangan. “Habang hindi pa bayad ang utang mo, habang hindi pa natatapos ang lahat ako pa rin ang sumasagot sa lahat ng pangangailangan n'yo." Sandaling tumigil si Jiro. “At habang ako ang may hawak sa sitwasyon mo…” Mas lumamig ang boses niya. “Nasa akin ang anak mo.” Tahimik si Mitchell, halos hindi makapagsalita. “Sir… huwag niyo namang—.” “Huwag mo akong utusan ng gagawin ko, ikaw ang nag-alok sa akin ng anak mo. Hindi ko siya hiningi sa'yo kaya wag mo akong palabasin na masamang tao, dahil ikaw yun.” putol ni Jiro. “Ikaw ang gumamit sa kanya.” paglilinaw ni Jiro. “At tandaan mo, kung hindi dahil sa kanya, matagal ka nang nakakulong. Matagal ka na sana nagtitirik ng kandila sa sementeryo." Walang sagot galing kay Mitchell alam kasi niyang tama ang sinabi nito lahat. “Makinig ka,” dagdag ni Jiro, mas mababa ang boses. “Huwag mo muna siyang hanapin.” “Sir—” “Huwag mo siyang tatawagan. Huwag mo siyang pupuntahan.” Mas naging matigas ang tono niya. “Nasa akin siya. Akin siya hanggat gusto ko.” Napahigpit ang hawak ni Mitchell sa phone. “Pero—” “Gaya ng usapan natin,” putol ulit ni Jiro. “Kapag kailangan ko siya…” Saglit siyang napatingin kay Sera. “Ibibigay mo siya, sa aking ng walang pag tutol." Nanahimik si Mitchell, halos hindi makahinga. “Sir…” mahina niyang sabi. “Anak ko ‘yon…masyado pa siyang bata.” “At asawa mo?” Biglang natahimik si Mitchell. “Gusto mo bang matuloy ang gamutan niya?” “Gusto mo bang ipagpatuloy ang hospitalization niya?” Napapikit si Mitchell. Isang masakit na katotohanan na hindi alam ni Sera. Pero wala siyang laban dahil kay Jiro sa pera ng amo niya, nadudugtungan ang buhay ng asawa niya. “Walang ibang makakaalam,” dagdag ni Jiro. “Tayong dalawa lang. Kung anong ginawa mo sa kumpanya ko at kung anong katangahan ang ginagawa ko para lang sakyan ang alok mo." ilang segundo din silang natahimik hanggang sa muling nag salita si Jiro. "Malinaw naman siguro yun diba?" “Opo, Sir.” Mahina lang halos pabulong, puno ng pagsuko. “Good. Have a goodnight Mr. Quinn." Pinutol ni Jiro ang tawag ng walang pag-aalinlangan. Binalik niya ang phone sa tabi ni Sera sa ibabaw ng mesa sa gilid. Tumingin sa dalaga na natutulog. “Sa akin ka muna…” mahina niyang bulong. Hindi tanong iyon, kundi desisyon at sa pagkakataong iyon mas lalong naging malinaw na hindi basta matatapos kung anong meron sa pagitan nila ni Sera at hindi niya ito basta bibitawan ng ganun kadali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD