Josue 1: 9
"Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manlupaypay: sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay sumasa iyo saan ka man pumaroon."
****
Natalie's POV
Lumipas ang ilan pang mga buwan, di na ako masyadong sumasama sa mga gimik ng aking mga barkada. Lagi naman ako nagpapaliwanag sa kanila. Gano'n lang talaga siguro nawala ang gana ko sa social life ko
dahil sa karanasan ko kay Jeff.
Dahil kasi sa alak na 'yon naisuko ko
ang pinaka iingatan ko na dapat lang sa lalaking mamahalin ko at mahal ako. Hindi ako naiiba sa mga kabataan ngayong panahon, dahil sa kakagimik at pag-inom ng alak ay instant na nawala ang virginity ko.
Wala na akong magagawa tungkol diyan ngunit pwede ko naman baguhin ang life style ko. Pinagtuunan ko na lang ang aking
pag-aaral.
"Best huh, naging studious ka na ngayon," wika ni Jasmine habang nasa cafeteria kami
ng university na pinag-aaralan namin.
"Oo, best, para naman may mapapala ang magulang ko sa pagpapa-aral sa akin."
Di ako tumitingin sa kanila habang nagsasalita kundi nakayuko ako habang pinapaikot ko ang chopstick sa aking kinakain na
spaghetti. Tahimik ang ilan na mga estudyante, samantalang nakikinig ang dalawa pa naming mga kaibigan sa pinag-uusapan namin.
"Best,magbabago na tayo gayahin natin si Natalie," sabi ni Rhea kasabay ng kanilang
tawanan.
"Sshhh," dinikit ko sa labi ko ang
aking hintuturo para ibaba nila ang kanilang boses dahil nakakaistorbo sa mga ibang estudyante dito.
"Okay, best, behave na
kami," sabay kindat sa akin ni Glenny.
Nag thumbs-up naman ang dalawa na itinaas pa para makita ko. Pagkatapos namin kumain ay inayos na namin ang aming sarili para sa susunod naming klase.
Nagtungo na kami sa aming classroom upang hintayin ang next subject teacher namin. Narinig kong pinag-uusapan ako ng aking mga kaibigan ngunit hindi ko na sila
pinansin.
Bahala sila kung anu-ano ang iniisip nila tungkol sa akin. Basta ginawa ko ang part ko bilang mga kaibigan nila na i-remind na dapat mag-aral din silang mabuti.
"Wow ha, bigla akong nakapag-isip ng mga ganitong mga bagay," sabi ko sa sarili ko ngunit sa isip ko lang.
Dapat lang dahil gumagastos ang parents namin. Mas maganda nga na mayaman na nga, nakapag-aral pa. Umupo ako ng tuwid ng pumasok na ang aming professor.
As usual maaga ako umuwi sa hapon dahil madalas sa umaga ay full load ako. Minsan naabutan ko si JD sa tapat ng aming bahay.
Madalas ko na rin siyang
kakwentuhan ng iba't-ibang mga bagay. Nawiwili naman ako sa kanyang mga kwento.
Pagkatapos naman ng aming
kwentuhan saka ako papasok sa loob ng aming bahay. Aalis na naman siya para maghanap ng bote at diyaryo na bilhin.
Hanggang naging tipikal na kilala ko na siya. Mabait naman iyang tao gaya ng nasabi ni Mommy.
Hindi naman din ako pinagsabihan ng magulang ko tungkol sa pakikipag-usap ko sa nangangalakal.
Nadagdagan tuloy ang aking kaibigan. Iba naman siya pero
parehong tao lang din naman. Di naman batayan ang estado sa buhay para pumili lang ng mga kaibigan na gustuhin natin.
Maaga akong nagising para maaga ako pumasok dahil exam test namin ngayon. Mas mainam na andoon na ako ng treinta minutos para ma-i-relax ko ang aking isip bago magsimula ang test.
Bumaba na ako mula sa kwarto at diretso sa garahe. Sumakay ako
ng kotse ko saka pinaatras palabas ng garahe. Nakita ko si JD sa kalsada na tulak-tulak ang
kanyang kariton. Kung mas maaga ako sa pagpasok ay gano'n din siya kaaga para
mag hanap-buhay, bago naman siya papasok sa kanyang eskwela.
Binusinahan ko siya bago tuluyang lumabas sa subdivision. Mabilis akong nakarating sa aming University. Pagkatapos ko maipark ang aking sasakyan sa parking lot ay nagtungo ako agad sa gate.
"Good morning sir," bati ko kay manong guard na nakangiti.
"Good morning
too Miss Figueroa, looks more beautiful huh?" nakangiti niyang tugon sa akin.
"Thank you so much sir, bye pasok na po ako, see you
later," tuluyan na akong nakapasok sa campus.
"What a beautiful morning today!" I
sighed with happiness.
Di ko alam baka may nakakita sa akin na medyo nakangiti.
Lumingon ako sa paligid at may pakonti-konti naman na estudyante pero hindi naman sa akin nakatingin.
Nadadaanan ko ang mga iba
na nag-re-review sa punong-kahoy na may upuang mahaba na gawa ng kahoy o tinatawag na bench.
Huminto ako at umupo sa may
bakanteng bench. Tiningnan ko ang aking pambisig na relo, alas-siyete y media pa lang ng umaga. Alas-otso ang pasok ko kaya umupo muna ako dito sa bench.
Inilabas ko ang aking notebook upang basahin muli ang aking mga
ni-review kanina. Pagkatapos ng kinse minutos ay nagpasya
na akong magpunta sa aming classroom.
Di ko pa nakita ang aking mga kaibigan na dumating,ah. Ay sabagay may kinse minutos
pa naman. Mabilis ko narating ang aming classroom sa ikatlong palapag ng gusali. Pagpasok ko ay nakaayos na ang mga upuan namin.
Alam ko na ang upuan ko dahil
sinabi na kahapon ng professor. May mga mangilan-ngilan na ng nakaupo at sa tingin ko ay nakanda na sa pagsusulit. Nakaupo na
ako ng sunud-sunod ng nagsidatingan ang tatlo kong kaibigan.
Dahil tahimik ang paligid kanina, naging palengke na agad nung dumating ang tatlo. Kahit kailan talaga maiingay ang mga
kaibigan ko, siyempre kabilang ako sa kanila pero ngayon pa lang sana ako mag-iingay.
Magsasalita pa sana ang isa kong kaibigan ng pumasok na si professor.
Biglang tumahimik muli ang paligid.
"Sit properly and we start now the
exam," dumagundong ang boses ni
Professor.
"Yes sir," halos chorus ang sagot
namin.
"Put your things under your chair, only ballpen at the top of your seat," narinig kong sinabi ni Professor.
Walang imik kami na sumunod sa mga sinabi ng aming professor.
Kasalukuyan ang aming pagsusulit.
Pakiramdam ko ay madaling-madali lang ang sagot sa mga tanong. Ako tuloy ang unang nakatapos.
Tahimik akong lumabas ng classroom bitbit ko ang aking mga gamit. Lumingon ako sa mga kaibigan ko at nagulat ako dahil pinagpapawisan sila eh may aircon naman sa loob.
Nakakunot ang noo ni Glenny. Si Rhea naman ay parang maiiyak sa itsura niya. Samantalang si
Jasmine ay nakayuko ngunit nakatitig lang sa sagutang papel.
"Go straight, Miss Figueroa," narinig kong nagsalita ang aming Professor.
Tumango na lamang ako saka tuluyang lumabas. Hanggang alas-diyes y media ang exam
namin. Patungo ako sa ikatlong subject ko dahil pinagsabay na kanina ni Professor ang
aming subjects sa kanya.
Madali rin akong nakasagot sa pangatlo kaya on the way na ako sa pang-apat. Last na ito kaya makapag merienda na ako bago umuwi. Ginagala ko ang paningin ko,
nagbabakasakali na makita ko ang mga kaibigan ko ngunit wala pang anino nila.
Ibang kamag-aral ang nakikita ko.
Hanggang sa nakasalubong ko ang isa naming kaklase na patungo sa pangatlong subject.
"Iyong mga kaibigan mo naiwan pa
sila sa unang pagsusulit natin,"
wika nito.
"Baka nahihirapan sila sa pagsagot!"
Di ako nakasagot sa kanyang sinabi, dahil naalala ko may gimik sila kagabi. Tumaas na lang ang kilay ko na iniwan ng aming kaklase. Nagpatuloy na ako sa pang-apat kong pagsusulit. Panglima ako na
dumating, mas maaga ang iba galing din ng iba nilang subjects. Kumuha ako ng sagutang papel at umupo na.
Halos treinta minutos ang nakalipas ng nasagutan ko lahat. Yes, finally natapos na ako ngayong araw. Tumayo na ako para ipasa
ang aking sagutang papel. Umalis na ako doon, wala naman akong kasabay dahil nga nahuli ang mga kaibigan ko.
No choice mag mi-merienda akong mag-isa sa cafeteria. Naglakad na ako pababa ng gusali patungo sa cafeteria. Hindi ko naman
pwede tawagan sila dahil bawal ang
cellphone kapag nag-e-exam.
Mag-text na lang ako para magbigay ng mensahe na nauna na
ako sa cafeteria. Pagdating sa cafeteria ay noon ko lang naramdaman ang aking gutom. Agad akong pumili ng aking merienda.
"Mag-merienda ako o kanin na lang?" Tanong ko sa utak ko.
Biglang naamoy ko ang halimuyak ng kaldereta, ay ang sarap naman parang mas lalong nag-alburuto ang aking tiyan.
"Isang kanin at isang serve ng kaldereta,please," ang biglang lumabas sa bibig ko.
"Yes po i-se-serve na po."
"Thank you."
At nagmartsa na ako pabalik sa mesa ko hawak ang tinidor at kutsara. Nagsimula na akong kumain at naubos ko lahat ang in-order ko. Hinaplos ko pa ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Nag-burp pa
ako, mabuti na lang at agad ko natakpan ang aking bibig. Buti hindi narinig ng iba pang estudyante na kumakain dito.
Tatayo na sana ako ng dumating na ang mga kaibigan ko.
"Best,ang hirap ng test
natin," wika ni Jasmine na parang maiiyak.
"Oo nga, best, buti ka pa mabilis ka
nakatapos," dugtong naman ni Rhea.
"Pahamak ang gimik na 'yan eh," sabi naman ni Glenny.
Tahimik akong nakamasid sa kanila,
dahil sa kanilang mga reaksyon sa naganap na exam.
"Madali lang naman ah,"
pagsisingit ko sa kanila.
"Kahit kailan, madali
lang naman sa 'yo eh," sabad ni Jasmine.
"Oh siya kain na tayo dahil gutom na ako," pagrereklamo ni Rhea.
"Hihintayin ko pa ba kayo o mauuna na ako uuwi?"
"Wow, best ha nagbago ka na, di ka
na nga sumasama sa amin kapag may gimik ngayon iiwanan mo kami," parang nagtatampo na salita ni Glenny.
"Halla siya, sinabi ko na nga ang dahilan," pagpapaliwanag ko.
"Hayaan niyo na kasi mga best baka napagod din iyang kaibigan natin sa exam, makaintindi naman kayo!"
Pagtatanggol sa akin ni Jasmine.
"Ay sige na best, mauna ka na baka
maaga kang nagising niyan," dagdag naman ni Jasmine.