The Encounter

1538 Words
1 Timoteo 4:12 "Huwag hamakin ng sinuman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya sa pananalita, sa pamumuhay, sa pag-ibig, sa pananampalataya at sa kalinisan." ***** Natalie's POV Lumipas ang mga araw, di ko na nakikita ang lalaking nagtutulak ng kariton. Lunes na ngunit hindi ako pumasok kaya nag-stay lang ako sa bahay. Hapon na ng naisipan kong magpunta ng mall. Paglabas ng sasakyan ko ng subdivision ay may nakita akong isang lalaki at sa tingin ko ay siya ang mangangalakal pero parang hindi siya. Nakabihis kasi siya at ngayon ko lang makita na gano'n siya at may dalang malaking bag. Nilampasan ko lang ito at ng aking tingnan ulit sa side mirror ng sasakyan ko ay namukhaan ko na siya. Hindi ako huminto at nagpatuloy lang ako sa pagpunta ng mall. Mag-isa akong nagshopping at pinagod ang sarili saka ako umuwi. Kinabukasan ay nagpasya na akong pumasok sa eskwela. Magpapahatid ako sa driver namin dahil tinatamad akong magmaneho. Paglabas ng sasakyan ko ay nandoon na naman ang mangangalakal. Nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya pabalik. Sa school ay sinabi ko sa mga kaibigan ko ang nangyari sa amin ni Jeff. Wala silang magagawa at walang sisihan kahit pa na sila ang nag-udyok para sagutin ko noon si Jeff. Nagpatuloy lang ang buhay ko, single ako habang ang iba naman sa amin ay may mga karelasyon. Kinukutya nila ako kung di raw ba ako naiinggit sa kanila. "Ano na best, di ka ba naiinggit sa amin?" Tanong sa akin ni Glenny na isa sa mga kaibigan ko. Tatlong babae at tatlong lalaki ang mga kaibigan ko pero sila din naman ang mga magka-lovers. Ibig sabihin ay ako lang ang walang kapares sa kanila. I don't care! Glenny Acosta is such a caring, beautiful and charming friend of mine. Si Jasmine Bartolome ay maganda na parang kamukha ni Jasmine Trias, kaya Jasmin ang ipinangalan sa kanya ng kanyang magulang. Mabait, sexy at maasahan na kaibigan ko. At si Rhea San Miguel, maganda siya, balingkinitan ang katawan at siya ang aming leader. "Bakit naman ako naiinggit sa inyo?" Tanong ko sa kanila habang nasa loob ng classroom na naghihintay sa susunod naming subject teacher. Di ko sinasadya na lumingon sa bintana at sakto sa kalsada na katapat ng school nila Jeff. Diko inaasahan na makita siya sa malayo na may kasamang babae. "Sayang ang babae," ang bulong ko sa aking sarili. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko ang nasaksihan ko tungkol sa kanya. Nagpatuloy ang buhay ko bilang estudyante. Umabot ng araw at mga buwan na ganoon ang nangyayari, sa umaga ay nakikita ko ang mangangalakal sa labas ng aming gate. Kapag hapon naman kung maaga akong nakakauwi ay nakikita ko siya sa loob ng aming bakuran. Dahil sa curiosity ay nagtanong ako kay Mommy hinggil sa mangangalakal dahil gano'n siya kakampante na papasukin sa aming bakuran. "Mommy, you know him?" Ang tinutukoy ko ay ang mangangalakal at nakuha naman ni Mommy ang ibig kong sabihin. "Alam mo, hija, kung may papapasukin ka sa loob ng bakuran mo, dapat kilalanin mo sila kahit sa pangalan lang. "Eh makwento itong si John Dave. Sa tingin ko ay mabuting bata iyan, masipag at nagtatrabaho ng marangal. Sa hapon naman ay nag aaral siya," mahabang paliwanag ni Mommy. "Ah gano'n po ba? Hindi ko alam na ganyan pala siya kasipag, Mommy." "Bagay sa kanya ang kanyang pangalan." Nagtataka ang reaksyon ko sa sinabi ni Mommy sa akin. Imagine nagagawa niya mangalakal at mag-aral. Kapag nakakauwi ako ay nakikita ko siyang nakabihis na ng pangkalakal. Ngunit wala lang naman sa akin iyon dahil hindi ako nagtatanong. Isa pa hindi ko makausap dahil nakasakay na ako ng sasakyan kapag nakikita ko sa umaga. Minsan sa araw ng sabado dahil walang pasok, nagpasya akong mag jogging muli sa labas. Ito pa lang ang pangalawang pagkakataon na mag jogging ako pagkatapos ng insidente noon sa amin ni Jeff. Nagsimula na akong tumakbo ng mabagal. Gilid ito ng kalsada kaya maraming sasakyan ang dumadaan. Habang malakas ang aking tugtog sa ipod na nakalagay ang headset sa tainga ko ay di ko napapansin ang mga dumadaang sasakyan na bumubusina. Di naman karami ng sasakyan dito pero madalas ay may dumadaan. Biglang nakita ko ang lalaking may tulak-tulak na kariton na huminto sa isang kanto na may tindahan at bumili ng maiinom na softdrinks. Tuloy lang ako sa pagtakbo ng biglang may bumusina sa akin. "Beep,beep!" Dahil sa napakalakas ang pagbusina ay narinig ko kahit malakas ang music ko. Agad akong tinakbo ng lalaking mangangalakal upang maalis sa gitna ng kalsada. Na hindi ko na pala namalayan na nakarating na ako sa gitna ng kalsada. Niyapos niya akong binuhat at inuna niyang pinabagsak ang kanyang katawan upang ingatan ang aking katawang pabagsak na sa kalsada. Muling nagbusina ang sasakyan. "Beep,beep!" Bumusina ulit ng mabilis ang sasakyan na sana'y bumangga sa akin ng tulala ako sa gitna ng kalsada. "Tabi mga gago!" Sigaw ng nasa loob ng sasakyan ng dumaan na. Hindi agad ako nakakilos dahil sa pagkabigla. Nakahiga ako sa katawan ng mangangalakal. llang segundo pa ay nagawa kong bumangon at nagpasalamat. "s**t! Kung di dahil sa lalaking ito ay malamang na nasa ospital na ako sa mga susunod na oras." Sabi ko sa utak ko. "Okay ka lang ba?" Tanong niya. "Oo, okay lang ako,salamat ha!" Tuluyan akong tumayo ngunit siya ay di agad makatayo at medyo masakit ang balikat. Pero ilang minuto lang ay tumayo na siya. May mga galos ang braso at balikat dahil sa pagbagsak sa kalsada. Hinahanap niya agad ang iniinom na soft drink kaso nabasag na ang bote. Hindi ko alam kung paano ko siya yayain sa bahay para magamot ang sugat. Naisipan kong sabihin na lang na maraming bote sa bahay at ibibigay ko na lang sa kanya. Nakita kong iika-ika siyang naglalakad at di ko naman siya maalalayan. Di rin ako makasabay sa kanya habang nagtutulak siya ng kariton kaya sabi ko na lang ay mauna siya at sa likod niya lang ako. Pagdating namin sa bahay ay agad kong tinawag ang Mommy ko. Mabilis siyang lumabas at nagulat ng makita niya ang lalaking kasama ko. "Oh anong nangyari sa iyo, John Dave?" Tanong kaagad ni mommy sa kanya. Agad akong pinakuha ni Mommy ng malinis na tubig at bulak pati na ang first aid kit. Habang nililinisan ni Mommy ang sugat ni John Dave, "JD" pala ang palayaw niya ay kinukwento ko ang mga nangyari. Tahimik naman ang lalaki habang nakikinig sila ni Mommy, natuwa naman ang Mommy ko sa ginawang katapangan ni JD. "Ay,Mommy, nasaan na ba ang mga bote at ibigay nalang natin sa kanya." Tanong ko kay Mommy. Agad na tinawag ni Mommy ang hardinero namin at pinakuha ang kaunti pa naming naipon na bote. Nang malinisan na ang kanyang mga galos ay nagpasalamat muna siya kay Mommy saka umalis na rin agad si JD. Sa balkonahe ay na upo muna kami ni Mommy. Gusto kong may malaman kay JD at nakuha ni Mommy ang punto ko. "Ganyan pala ang aksidente na nangyari sa'yo. Magpasalamat ka kay John Dave dahil tinulungan ka." Tumaas pa ang kilay ko dahil tila proud pa siya sa kanya eh hindi naman niya kaanu-ano. Nang hapon ding iyon habang nasa kotse ako ay naisipan kong tiyempuhan si JD sa labas ng subdivision at di naman ako nabigo. "Hi JD,saan ka pupunta?" Tanong ko ng makita ko siya. "Tara sumabay ka na," sabi ko sa kanya. "Naku,Ma'am, huwag na po kasi nakakahiya! May dadaan rin namang sasakyan dito maya-maya lang," pagtanggi niya sa akin. "Aysus huwag ka na mahiya. Magmadali ka na, halika na makulimlim na baka abutan ka pa ng ulan," pamimilit ko sa kanya. Sa di sinasadyang pagkakataon ay biglang umulan nga. Walang nagawa si JD kundi ang sumabay sa akin. Agad siyang pumasok sa aking sasakyan, inayos ang kanyang pag- upo at kinabit ang seatbelt. ''Saan ka ba pupunta para ihatid na kita doon?" "Sa public school dito sa atin ma'am,may pagtuturo pa po ako ng karate bago ako pumasok sa aking klase." "Ah gano'n ba, wow ha?" "Teka nga Natalie na lang itawag mo sa akin di ako sanay ng ma'am eh," kasabay ng aking pagtawa. Parang naging masaya tuloy ako sa aking pagtawa. Bigla akong napahinto sa aking pagtawa ng magtanong siya. "Oh sige, wala ka bang sundo? Bakit di ko na nakikita ang boyfriend mo?" Tanong naman niya sa akin. "Ah wala na kami simula noon sa nangyari." Naisipan kong baguhin ang topic dahil ayokong pag-usapan ang lalaking iyon. "Matanong ko nga pala, bakit ka pala palaging nasa tapat ng aming bahay tuwing umaga?" Di siya agad nakasagot sa akin at bahagya pa itong nag-isip. "Ah, namimili ako ng mga bote at dyaryo sa umaga at masaya ako kapag nakikita ko ang iyong kagandahan. Pangarap ko kasi na magka-girlfriend ng kasing ganda mo, kaso wala akong makita na ka level ko," nahihiyang sabi nito sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ano ba? Kinikilig yata ako sa mga narinig ko ngunit hindi ako nag pahalata dahil ngayon ko lang ulit maramdaman ang kilig. Noong naging kami ni Jeff ay wala yata akong narinig na nagpakilig sa akin mula sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD