Gawa 20:35:
“Sa lahat ng mga bagay ay ipinakita ko sa iyo na sa pamamagitan ng paggawa nang husto sa ganitong paraan ay dapat nating tulungan ang mahihina at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, kung paanong siya mismo ay nagsabi, ‘Mas mapalad ang magbigay kaysa tumanggap."
*****
John Dave's POV
Marami pa kaming napag-usapan ni Natalie hanggang inabot na kami ng alas-sais ng gabi. Kinakailangan kong magpaalam na dahil kailangan na niya magpahinga. Hinintay ko muna siya makapasok sa gate at sa loob ng bahay nila bago ako umalis.
Binilisan ko ang paglalakad para makauwi na ako agad sa aking bahay. Bukas na ng maaga ako magbenta ng aking mga kalakal. Bumili pa ako ng ulam sa tindahan bago ako tuluyang nakauwi sa bahay.
Pagdating ng bahay ay agad kong inayos ang mga kalakal ko. Hindi ko na inalis sa may kariton ko at nilagay sa labas ng kusina. Pumasok na ako sa loob ng aking bahay at binuksan ko ang maliit kong TV bilang libangan habang pinapainit ko ang aking panggabihan.
Sinabayan ko ang panonood ng TV habang ako ay kumakain. Pagkatapos ko kumain at nanood ng TV ay inayos ko na ang aking pinagkainan. Dinala sa kusina at hinugasan na rin.
Pagkatapos akong nag-half bath ay nilabas ko ang aking mga kwaderno upang gawin ang aking mga homeworks. Puspusan ang aking pag-aaral dahil hindi madali ang pagiging scholar lalo na sa mga major subjects.
Kinakaya ko ang lahat, para saan pa kundi matatapos din ang lahat ng mga ito. Kung walang tiyaga ay walang nilaga.
"Congratulations to myself," bulong ko bilang pag-cheer-up sa aking sarili.
Pinipigilan ko ang aking mga luha sa pagpatak. Oo,tao lamang ako at minsan nakakaramdam ng pagod at naghahanap ng kalinga ng mga magulang ngunit wala akong magawa. Narito na eh, nangyari na kaya no choice kundi magpatuloy sa buhay dito sa mundo.
"Daddy and Mommy, I miss you much." Tuluyan ng lumabas ang masaganang luha ko mula sa aking mga mata.
Humagulgol ako dahil sa pananabik ko sa aking mga magulang.
"I love you so much," bulong ko sa hangin.
Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak sapagkat sa paraan na ito ay maibsan man ang aking pangungulila. Sa huli ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa aking dibdib at gumaan ang aking pakiramdam.
Nakita ko ang reflection ko sa salamin at natawa ako sa aking itsura. Tumakbo ako sa lababo sa kusina upang maghilamos at inayos ang sarili ko. Uminom ako ng tubig saka ako bumalik sa aking pag-re-review dahil natapos ko na ang pagsagot sa aking mga homeworks.
Isang oras ang nakalipas ay nakaramdam na ako ng antok. Nagligpit ako ng aking mga gamit sa sala. Pinatay ang ilaw at nagtungo ako sa aking kwarto.
Nagpasalamat muna ako sa Maykapal saka ako nahiga. Pumikit ako at tuluyang nakatulog. Kinabukasan ay ginawa ko ang daily routine ko lalo na ang pagtanaw sa kagandahan ni Natalie bago pumasok sa eskwela.
Siya ang nagbigay sa akin ng inspirasyon araw-araw sa pagbili ng mga kalakal at ang aking pag-aaral. Hindi ko namalayan na marami na akong nabiling kalakal at kailangan kong dumaan sa junk shop.
Kaninang umaga ay naibenta ko na ang mga kalakal ko at dinagdagan ko ang pera sa pambili ng bagong kalakal. Sa ngayon ay nakarami nga ako ng binili. Kasalukuyan na akong naglalakad pauwi ng biglang sumakit ang tiyan ko.
Mas lalo kong binilisan ang pag-uwi ko habang tulak-tulak ang aking kariton para gumamit ng banyo. Patakbo ang ginawa ko at halos nais ko ng buhatin ang aking kariton.
Huminto ako ng nakarating na ako sa aking bahay dahil may napakagandang sasakyan na sports car ang nakaparada sa labas ng bahay. Kulay asul ito at may logo sa harap na kabayo.
Mabilis na sumagi sa isip ko na si Tito Millano ang may ganitong sasakyan na ibig sabihin ay dumalaw siya sa akin. Lumukso ang kaluluwa ko sa tuwa.
Pinarada ko ang kariton ko sa gilid ng bahay ko at tumakbo ako agad papasok sa loob ng bahay ko. Inabutan ko si Tito sa may kusina na nagluluto ng ulam. Ang bango ng niluluto niya at ito ay ang ultimate favorite ko ang bulalo.
Naramdaman ni Tito ang presensya ko kaya agad na nagsalita kahit hindi niya ako tinitingnan.
"Kumusta ka, Dave?"
"Tito! Salamat at dumating ka. Maayos ako at gwapo pa rin kagaya ninyo. Tito gagamit muna ako ng banyo."
"Sige,sige magbanyo ka muna."
Tuluyan ko siyang nilampasan sa kusina. Dahil pinawisan ako ng pagkatapos ko gumamit ng banyo ay tuluyan na akong naligo bago lumabas ng banyo.
Natapos na si Tito sa pagluluto ng dumaan ako ng kusina at wala na siya doon. Pumasok ako sa aking kwarto, nagbihis ako at lumabas rin agad. Nahagip ng aking mga mata si Tito na nasa sala ito at pati pagkain ay nakahain na.
"Dave, halika ka. Kunin mo ito dahil binilhan kita ng bagong mga damit mo. Binilhan rin kita ng ref mo."
"Ha? Tito di ko napansin ang ref."
"Ando'n sa kusina, nakaayos na at may laman na rin 'yon."
"Maraming salamat, Tito."
"Walang anuman. Ayaw mo naman sumama sa akin sa Tagaytay. Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong sa condo unit ka titira pero ayaw mo naman. Kunin mo itong isandaang-libo, bumili ka ng cellphone mo o laptop at iba mga kailangan mo para may gamitin ka sa pag-aaral."
"Tito ang laki naman niyan?"
"Maliit lang 'yan,huwag mong alalahanin kasi tulong ko sa'yo. Basta alagaan mo ang katawan mo. Alam ko na mangangalakal ka pero huwag mo abusuhin ang sarili mo." Mahaba ang litanya ni Tito.
Kinuha ko ang mga bagong damit na binili ni Tito at dinala sa aking kwarto. Tinago ko ang pera para pandagdag sa ipon ko, puhunan sa kalakal, gagamitin ko ang iba sa pag-aaral at bibili ako ng laptop ko.
Nagpasalamat ako kay Tito sa aking mga natanggap ng bumalik ako sa sala. Maganda ang umaga ko dahil kumain kami ni Tito at nag-ulam ako ng aking paborito.
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap ay nagpaalam si Tito ng tuluyan dahil uuwi na naman siya ng Tagaytay. Parang dining ng Diyos ang aking pagtangis kagabi kaya binisita ako ni Tito.
Ipagpasalamat ko dahil nirerespeto ng Tito ko ang desisyon ko at alam kong naiintindihan niya ako. Pagkaalis ni Tito ay tumakbo ako sa kusina upang hanapin ang ref.
Galak ang aking nararamdaman ng nakita ko ito, original ang brand nito at six feet ang taas. Napanganga ako ng nakita ko ang loob nito. Kumpleto ang laman at sa tantiya ko ay pang-isang buwan bago ko maubos ang stock sa ref.
Sa tabi ng ref ay isang pantry kung saan lahat ng sangkap kasama ang bigas, noodles,de-lata at kung anu-ano pa. Naluluha ako sa aking mga nakita. Taimtim akong nagpasalamat sa Maykapal.
Nang mahimasmasan ako ay naggayak na ako para sa aking pagtuturo ng karate at susunod naman nito ay ang aking klase. Mabilis ang aking paglalakad ng nai-locked ko ang pinto ng aking bahay.
Nagtungo ako agad sa sakayan ng tricycle at agad akong sumakay ng kilala ko na nag-ta-tricycle para ihatid sa pinagtuturuan ko ng karate. Halos takbuhin ko ang gusali ng bumaba ako sa tricycle dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na.
Maayos kung natapos ang tatlong oras na karate teaching ko. Bago ako magtungo sa klase ko ay kumain muna ako dahil may dala akong baon sa niluto kanina ni Tito Millano ko.
Nang kumakain ako ay may lumapit sa akin na estudyante ko. Lalaki siya at hindi pinapansin ang kinakain ko kahit pa nag-offer ako sa kanya. Siguro ayaw niya dahil sa tingin ko naman sa kanya ay mayaman at pwede niya bilhin lahat ng gusto niya.
"Thank you sir, sa offer mo. Sige lang kumain lang po kayo. Dito muna ako sa pwesto ninyo."
"Oo,kakain pa ako ha. Kung may gusto ka sabihin sa akin,pwede mo sabihin kahit kumakain pa ako sayang ang oras."
"Gano'n po ba sir?"
"Oo, Zaldy may klase pa ako pagkatapos nito kaya pasensya ka na. Basta gaya ng sabi ko kung may sasabihin ka ay sabihin mo na."
"Eh, kasi sir." Aniya at nagkibit-balikat siya na may tiningnan sa kabilang banda ng building.
Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko ang grupo na pinaka pasaway sa aking karate session. Agad kong nakuha ang nais sabihin ni Zaldy. So in short bi-nu-bully siya ng naturang grupo kaya lumapit sa akin para hindi nila ma-bully ito.
Binalik ko ang tingin ko kay Zaldy at nakayuko na siya. Nakita ko ang takot sa kanya kahit hindi na siya nagsasalita. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng galit dahil tinuturuan ko sila ng maayos na kung maaari ay huwag gamitin ang kaalaman sa karate sa pam-bu-bully kundi gamitin ito sa tamang paraan gaya ng self defense lamang.
Nakita kong dahan-dahang umalis ang naturang grupo habang kinakausap ko si Zaldy. Pinaalalahan ko siya na dapat ay matapang siya at dapat kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili mula sa kanila.
Basta self defense lang ang gagawin niya at wag siyang gumaya sa pam-bu-bully na ginagawa sa kanya. Tumango naman siya sa akin bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ko.
At the back of my mind ay naantig ang puso ko sa kanya. Nais ko siyang mag-focus sa mga tinuturo ko sa karate session. Naaawa rin ako sa kanya dahil mabait at masipag na estudyante ko pero nakakaranas ng bully.
Kinausap ko siya na tuturuan ko muna ng karate bago ako papasok sa klase ko dahil may oras pa naman. Ngumiti siya ng malapad sa akin at sumang-ayon naman siya.