Unexpectation

1601 Words
Eclesiastes 11:9-10 “Mga kabataan, tamasahin ang iyong kabataan. Maging masaya ka habang bata ka pa. Gawin mo ang gusto mong gawin at sundin ang gusto ng iyong puso. Ngunit tandaan na hahatulan ka ng Diyos sa anumang ginagawa mo. Huwag hayaan ang anumang bagay na mag-alala o magdulot sa iyo ng sakit. Hindi ka na mananatili sa pagiging kabataan." ***** Natalie's POV Lumipas pa ang mga buwan na malapit na akong maka-graduate ng college. Naitawid ko ng maayos ang pag-aaral ko na dati ay lakwatsa lagi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaroon ng boyfriend. Marami rin naman nanliligaw sa akin ngunit wala akong nagustuhan sa kanila. Ipinagtataka ng mga kaibigan ko kung bakit hanggang ngayon ay wala akong boyfriend. Kung tinatanong nila ako, ang sagot ko ay darating din ako niyan, huwag kayong mag-alala! Marahil naging komportable lang ako sa pagiging single ko. Walang inaalala at umiistorbo. Minsan sa dinner, biglang nagtanong si Daddy about my grades. "How's your grades, hija?" Tanong ni Daddy. Tumingin din sa akin si Mommy na nakangiti. "Maayos naman, Daddy," pagmamayabang ko kanya. "Siya nga pala Mommy, kuhanan ng cards namin next week. This week lang ay natapos ang final exam namin," pagbabalita ko. "No problem, hija, I will come and get it. We will be excited to see your grades," Mommy assured me. "Thank you, Mommy." "Welcome, hija, alam ko naman na you are striving sa schooling mo," wika niya. Parang ang sarap pakinggan sa aking tainga na in-a-apreciate nila ang effort ko. Napansin na pala ni Mommy ang ginagawa ko. "Good to hear that Mommy," sabi ni Daddy. "We are proud of you, hija," dagdag pa ni Daddy. Para akong palaka na binuhusan ng malamig na tubig at parang gusto kong magtatalon. Tumayo at niyakap ko sila ng mahigpit. Pagkatapos ay itinuloy na namin ang aming dinner. Samantala, naging routine ko ang laging pakikipag-usap kay JD kapag umuwi ako ng hapon galing sa school. Happy naman ako na palagi kong nakakakwentuhan siya. Duon lamang kami nag-uusap sa labas ng gate ng bahay. Dahil pagkatapos ay iikot na naman siya sa kabilang kanto para makabili pa ng bote at dyaryo. Nakatulong yata siya sa pagpupursige ko sa pag-aaral mula noong nalaman ko na nag-aaral habang naghahanap-buhay. Grabe din ang sakripisyo niya. Nakakahiya naman sa kagaya niya kung ako ay hindi makapasa sa aking pag-aaral. Mabuti maaga ako nakapag-isip na ayusin ang pag-aaral ko. Salamat dahil nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya niya. Naging challenge ko siya para pagbutihin ang parte ko na mag-aral ng maayos. Sa wakas malapit na kami mag graduate ng mga kaibigan ko. Konting tiis na lang at makaka graduate na ako. Kinabukasan ay nauna na ako sa eskwelahan at sumunod si Mommy ng oras na para kuhanan ng card. Nakita ko kung paano siya ngumiti at proud na proud siyang lumapit sa akin. "Congratulations,hija!" Sabi sa akin saka bumulong na mauna na siya umuwi ng bahay. Pagkatapos ng ilang buwang pagsisikap ay nakapila na ang pangalan ko sa mga graduating lists. Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng bulletin board sa tapat ng registrar's office ng University namin. Katatapos ko lang nagbayad ng graduation fee para sa aming graduation. Umalis ako sa harap ng bulletin board para magtungo sa aming classroom dahil marami pa kaming gagawin lalo na ang praktis at kung anu-ano pa. Di ako makapaniwala na ginagawa kong naglalakad na nag-iisa sa pasilyo ng eskwelahan. Binilisan kung naglakad para marating ang classroom na pupuntahan ko. Nagulat ako dahil ako pa lang yata ang estudyante dito. "Akala ko mas maaga ako pero mas maaga ka rin pala, Miss Figueroa." Tinig ni Benjamin na nagpahinto sa akin at tumingin ako sa kanya. Hindi ko siya close friend pero siya ang tipo ng lalaki na tahimik at magaling sa klase. Gwapo siya at nangingibabaw ang pagiging Americano niya dahil half siya. Pinay ang kanyang ina kaya fluent din siya sa both language. Matangos ang ilong at kaakit-akit ang asul niyang mga mata. Marami sa aking kaklase ang nagkakandarapa sa kanya ngunit sa tingin ko ay wala siyang natitipuhan. Hindi siya ang tipo kong lalaki at isa pa ay hindi ako nagpapaligaw. "Ahm, mas maganda ang maaga para makarelax muna ang utak at may presence of mind." Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan ako. "Tama ka, Miss Figueroa." Na may accent pa. Biglang dumating ang aming mga kaklase at kasunod naman ang aming professor. Konting diskusyon lamang ang mga sinabi kasama ang mga requirements for graduation kaya dismiss naman agad kami. May distansya ang paglalakad namin sa mga kaibigan ko kaya hiwalay ako sa paglalakad ng may biglang humablot sa buhok ko. Mahigpit ang pagkakahawak sa aking buhok at hinila pa talaga. Hinawakan ko agad ng kamay kung kanino man kamay 'yon. Diniin ko para hindi niya pa mahila ang buhok ko dahil masakit sa anit ko. Nagugutom na nga lang ako may nanabunot pa sa akin. Hindi ko napansin kung sino ang mga nakapaligid sa amin ngayon. "Who are you?" Tanong ko habang inaalis ang kanyang kamay sa paghila sa aking buhok. "I saw you with Benjamin just now.Is he courting you?" Sigaw ng isang babae. Hindi pamilyar ang boses niya sa akin kaya di ko matukoy kung sino siya. "Take your hand off me!" Sigaw ko pabalik sa kanya ngunit patuloy pa itong hinihila ang buhok ko dahilan na napaigik ako dahil sa sakit. Pinuwersa ko ang sarili ko para humarap sa kanya at lumuwag ang pagkakahawak sa aking buhok habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya. Handa na akong sapakin siya ngunit dumating si Benjamin. Lumapit din naman ang mga kaibigan ko na agad nilang inawat ang babae at tinanggal ang kanyang kamay sa aking buhok. Inangat ko agad ang aking kanang kamay at sinampal ko ng malakas. Narinig ko ang pagdampi ng aking palad sa kanyang magandang pisngi. "Iyan ang para sa'yo babae ka!" Nagngangalit kong sigaw sa kanya. "Tama na best, napagkamalan ka lang!" "Sino ba 'yan? Bakit nanabunot na lang bigla?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya na nabigla sa malakas na sampal ko at hawak-hawak ang namamaga ng pisngi. Bago pa man magsalita ay nilayo ni Benjamin at mabilis silang nawala sa aming paningin. Sinuklay ko ang katamtaman ng haba at blonde kong buhok gamit ang aking mga daliri habang naglalakad na kami pumunta ng canteen. "Taga ibang eskwelahan iyon, best, balita ko patay na patay kay Benjamin kaya siguro niya sinusundan. Nagkataon na nakita kayong nag-uusap. Siya si Rizza Flor De Castro,isang kilalang Modelo ng isang pabango habang nag-aaral na anak ng kilalang businessman sa kabilang bayan." Mahabang paliwanag ni Jasmine. "Best, kaya nagseselos sa'yo dahil mas nangingibabaw ang ganda mo kaysa sa kanya." Panggatong naman ni Glenny. "Salamat sa papuri best, pero nais ko ng kumain dahil nagugutom na ako talaga best." Sabi ko sa kanila. "Kami rin, gutom na gutom dahil wala pa kaming breakfast." Kunot naman ang noo ko dahil sa mga sinabi nila at ngumuso ako. "Gano'n ba? Kahit lahat kayo ay muntik ng ma-late?" "Best Friend naman, alam mo naman na hindi nawawala sa amin ang gimik. Ikaw lang naman ang good girl ngayon dito, ah?" At nangonsensiya pa si Jasmine. "Guys, mag ga-graduate na tayo hanggang ngayon ganyan pa rin kayo?" "Gutom na kami best," pag-iiba naman ni Glenny sa sinabi na tila walang pakialam kung ga-graduate o hindi. "Okay," sabi ko na lang sa dismayadong boses. Nag-order na kami ng pagkain at kumain na nga. Pagkatapos ay kailangan namin bumalik sa classroom dahil may susunod pang subject professor na may ipaliwanag sa amin. Pagdating ng classroom namin ay nakita kong nakangiti sa akin si Benjamin. Tumabi sa akin at humingi ng paumanhin sa nangyari kanina. "Walang anuman,Benjamin,baliw siya sa'yo." "Haha, ang tapang mo pala, Natalie, good job!" Hindi ako umimik sa kanyang sinabi at nagpatuloy ang araw hanggang sa uwian na. Excited akong umuwi dahil makikita ko na naman si John Dave, ang aking kaibigan na mangangalakal. Buti pa iyon matiisin siya kaya nakakahiya kung ako ay hindi inayos ang pag-aaral para mag-graduate. Isinabit ko ang bag ko sa aking balikat at nagwisik muna ako ng pabango. Nagpaalam na ako sa aking mga kaibigan na mauuna akong umuwi at nagpatuloy na akong lumabas dahil nakaparada na ang kotse namin sa labas ng gate. "Hello, Kuya Lino, magandang hapon. Let's go!" Malakas ang enerhiya kong pagbati kay kuya Lino at diretso akong pumasok sa loob ng kotse. Bumati siya pabalik sa akin. Inayos ko ang seatbelt saka ko hinintay ang pag-andar ng sasakyan. "Okay. Tara na hija." Sa biyahe ay nakatulog ako saglit. Naalimpungatan ako ng bumusina si Kuya Lino. Nakarating na pala kami sa aming bahay. Nakita ko si John Dave sa may dati niyang pwesto habang naghihintay. Sa kanyang kariton ay may sako-sakong kalakal na nakasalansan. Ubod talaga ng sipag ang taong ito. Ngumiti ako sa kanya ng nakita kong nakangiti sa akin. Simulat-sapul ay nakangiti na sa akin at hindi nawawala sa kanyang labi. Nang na-i-park ni Kuya Lino ang kotse ay agad akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng bahay. Bumati ako kay Mommy saka tuluyan akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Nagbihis ako ng pambahay saka lumabas ng gate. Lumapit ako sa inuupuan ni John Dave saka ko siya ginulat. "Bulaga!" Gulat kong salita ngunit hindi naman yata tinablan. Tinawanan lang ako dahil sa aking ginawa. "Sa susunod kapag manggulat ka ay dapat totoo." Aniya na nakangiti sa akin. Oh my goodness, bakit ngayon ko lang napansin. Ang gwapo niya pala. Umiwas ako ng tingin sa kanya na kunwari ay sumimangot ako dahil sa sinabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD