Kawikaan 19: 20-21
"Makinig sa payo at tanggapin ang turo, upang magkaroon ka ng karunungan sa hinaharap. Maraming mga plano ang nasa isip ng isang tao, ngunit ang layunin ng Panginoon ang mananatili."
*****
Natalie's POV
"Wow,simangot pa more, mas lalo kang gumaganda," sabi ni John Dave na siyang nagpatawa sa akin ng malakas.
"Oo,alam ko na maganda ako," sabay ng pag-flip ko ng hair at nag-poise pa ako.
'Yan, bagay mo talaga, pwede ka ng maging modelo," suhestiyon pa niya.
"Thank you, John Dave," sabi ko at umupo sa kanyang tabi.
"Nag-merienda ka na ba?"
"Hindi kasi busog pa ako."
"Ikaw ba, nag-merienda ka na rin ba?" Tanong ko.
"Hindi na ako nag-me-merienda dahil kakain na ako ng dinner pag-uwi ko."
Parang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Nagtitipid ba siya or sadyang nag-da-diet?
"Mas mainam na kakain ng dinner para may pagkain ang utak kapag nag-re-review." Diretsong sabi ko at hindi ako makapaniwala na marunong na akong magsalita ng may sense, dati kasi panay pabalang dahil sa impluwensya ng mga baliw kong mga kaibigan.
Pero noon 'yon, ngayon ay matino na ako. Nagbago na ako di ba?
"Oh, tumahimik ka na, Natalie?"
"Ah, wala lang naisip ko lang na sa wakas ay ga-graduate na ako."
"Congratulations!" Sabi niya na tumingin sa akin na may galak sa kanyang mga mata.
"Maraming salamat, John Dave."
Sabi ko na ngumiti ng tipid.
Marami pa kaming napag-usapan ni John Dave hanggang napunta sa tawanan. Pagkatapos ng isang oras ay nagpaalam na siya sa akin. Pumasok naman ako agad sa loob ng aming bahay.
Ilang araw ang dumaan ay nasa pinal na ang aming mga requirements sa pag-martsa namin. Pinatawag ang aming mga magulang para sa huling pagpupulong at um-attend sila Mommy at Daddy.
Inabangan ko sila sa sala ng aming bahay habang nanonood ng TV. Di ko malaman kung ano ang nararamdaman ko ng narinig ko ang tunog ng sasakyan ni Daddy.
Pagpasok nila sa loob ng aming bahay ay sinalubong ko sila. Yumakap ako sa kanila at humalik sa parehong pisngi ni Daddy at Mommy.
"Congratulations,hija. Mataas ang mga marka mo." Sabi ni Mommy saka niya ako niyakap.
"Congratulations hija, we are proud of you." Sabi rin ni Daddy sa akin at niyakap kami ni Mommy.
"We are going out for dinner tonight," sinigaw ni Daddy.
"Thank you Mommy and Daddy." Sigaw ko pabalik sa kanila na may tuwa at saya.
"You are so good,hija." Sabi muli ni Daddy.
Dumating ang araw ng graduation namin. Gaganapin ng ala-una ng hapon. Ngayon ay nasa salon ako para sa aking hair and makeup. Sumunod ang aking photo shoot.
Pagkatapos akong ayusan ng bakla ay nagpapasalamat ako at nauna na ako sa school. Dinaanan ako ng magulang ko sa mall. Pagkamangha at paghanga ang nakikita ko sa kanila ng nakita nila akong naayusan.
Hindi na nagpaayos si Mommy at siya na ang kusang nag-ayos ng kanyang hair and makeup. Simple ang ayos niya na siyang mas lalong nagpaganda sa kanya. Kaya siya nagustuhan daw ni Daddy dahil sa pagiging simple lang kung mag-ayos ng sarili.
"You are so beautiful,hija." Bulong sa akin ni Mommy at hinawakan ang pisngi ko.
"Nagmana sa 'yo, Mommy ko."
Sinang-ayunan naman ako ni Daddy tungkol sa papuri ko kay Mommy. Very obvious that Daddy loves Mommy so much.
Panay ang flash ng camera at kumukuha ng video na inupahan ng magulang ko na videographer habang pumapasok ang aming sasakyan sa aming University. May sarili itong auditorium at doon magaganap ang aming graduation ceremony.
Pagkatapos mag-park ni Daddy ay dahan-dahan kong nilabas ang hita ko at litaw ang aking kaputian. Nakasuot ako ng pulang bestida na may slit sa aking hita at hapit na hapit sa aking katawan. Mas lalong pinalabas ang kaputian ko sa braso dahil spaghetti strap. Exposed ang aking leeg dahil v ang neckline nito.
"So sexy, hija." Narinig ko na pinuri ako ulit ni Mommy.
"Like you, Mommy." Sabad ni Daddy.
Nakalabas na kami ng sasakyan at kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa auditorium habang nakasabit ang aking toga sa aking braso. Nang nakita ako ng aking mga kaibigan ay kinuhanan kami ng larawan. Nauna na sila Mommy at Daddy sa loob.
Sakto ang pag-announce ng Master of Ceremony para sa aming pag-martsa ng nasa tapat ako ng maluwag na pinto ng auditorium. Si Daddy ang tumabi sa akin sa linya.
Umiiyak ako ng pinapatugtog ang graduation March namin habang kami ay naglalakad ni Daddy. Kumapit ako sa braso ni Daddy.
"Thank you,Daddy," hikbi ko sa kanya.
"Your welcome,hija, you deserved it dahil ginawa mo ang parte mo bilang estudyante."
Hanggang sa nakarating na kami sa stage at nag-bow. Bumaba kami hanggang sa nagtungo kami sa kanya-kanyang upuan. Marami ang mga napanood na intermission numbers bago kami nag-proceed para sa pagkuha ng certificates at awarding.
Mabilis itong natapos at ang huli ay photo shoot na gaya ng solo, duet at group pictures with teachers, parents and more. Lahat ay masaya.
Bawat kaibigan ko ay nagyaya ng dinner party ngunit ni isa ay wala akong pinaunlakan na pag-anyaya. Masaya na ako na kaming tatlo lamang ang magkakasama. Kung may selebrasyon sa bahay ay pwede na sila na lang ang dumako.
Nagpaalam na kami sa aking mga kaibigan at nagtungo kami sa mall upang kumain sa isang restaurant. Pagkatapos namin kumain ay nag-take out kami para sa aming mga kasama sa bahay. Umuwi kami ng masaya dahil nagtapos na ako sa aking pag-aaral.
Makakatulog na ako ng maayos at pwede na ako magbabad sa panonood ng movies. Pagdating namin ng bahay ay gabing-gabi na kaya hindi ko na makikita si John Dave.
Sa loob ng bahay ay may banner pa na, "Congratulations and Happy Graduation, Natalie." Pagbati ng mga kasambahay namin. Natuwa naman kami ng magulang ko dahil sa simple nilang ginawa para sa akin.
Mas lalo silang natuwa ng ilabas ni Daddy ang take out naming pagkain para sa kanila. Nag-order naman si Mommy ng dessert namin gaya ng special salad,cake at ice cream. Bigla ko naisip si John Dave na sana ay kasama namin ngayon.
Nagpaalam na mauna akong umakyat sa aking kwarto dahil nakaramdam ako ng pagod. Pagdating ko ng kwarto ay binuksan ko ang TV habang nagtatanggal ako ng aking kasuotan.
Nagtungo ako ng banyo upang maghilamos ng mukha at maglinis ng katawan. Nang matapos ako ay nagsuot ako ng damit pantulog saka ako sumampa sa kama at nahiga.
Nakatingin ako sa puting kisame ng aking kwarto habang nakangiti. Salamat sa Diyos sa kalakasan at katalinuhan na naipasa ko ang mga asignatura ko and yes, graduated na ako!
Nais kong sumigaw para mailabas ang labis na tuwa sa akin ngunit bubuksan ko pa sana ang aking bibig para sumigaw ng may kumakatok sa pinto ng aking kwarto.
"Hija, bumaba ka na. Dumating ang mga dessert natin." Sabi ni Mommy sa may pinto ng kwarto ko.
Walang alinlangan aking bumaba sa kama at nagtungo sa pinto ng nagmamadali. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong tumakbo pababa.
Mabuti sanay na sanay ako sa aming hagdan kaya kahit tumakbo ako pababa ay kabisado na ng mga paa ko ang inaapakan ko. Kaya mabilis akong nakarating sa baba.
Papasok sana ako ng kusina ng nakasalubong ko ang kasambahay namin na bitbit ang mga dessert. Nanlalaki ang mga mata ko na sinundan kung saan niya dadalhin ang mga ito.
"Sa sala tayo,hija. Doon daw tayo kakain ng mga dessert sabi ng Mommy at Daddy mo." Aniya na nagpatuloy sa kanyang paglalakad.
Sumunod ako sa kanya at naabutan ko ang mga magulang ko, ang aming hardinero, ang driver sa sala na nakaupo. Nanonood pala sila ng pelikula. Mabuti na lang at tinawag ako ni Mommy.
Dahil naka-pajama na ako ay umupo ako sa sahig habang hawak-hawak ko ang cup ko na may ice cream. Action-comedy ang movie at tumatawa kaming nanonood.
Ngayon ko lang napagtanto na masaya pala kami dito sa bahay lalo na kung magkakasama kami kahit mga kasambahay. Nakaligtaan ko na naman sana ito kung nasa mga kaibigan na naman ako o kasama akong gi-gimik sa kanila.
"Hija,wala ba sa isip mo na mag-celebrate tayo ng mas bongga sa graduation mo?" Daddy asked me.
Alam ko naman na kaya ng magulang ko ng magarbong handaan ngunit nagbago na ang pananaw ko simula ng nakilala ko si John Dave.
Huwag na lang ako maghanda para may kapalit naman ng mga panahon kung paano ako nagwaldas ng pera ng mga magulang ko sa kakagimik kasama ang mga kaibigan ko.
Tumingin ako sa magulang ko na nakangiti ng matamis. Alam kong hinihintay rin ng mga kasama namin sa bahay ang sagot ko.
"Huwag na, Daddy at Mommy. Sa oras na ito ay masaya ako dahil magkakasama tayo kasama natin sila," sabi ko kasabay ng pagngiti ko sa mga kasama namin sa bahay na kumakain ng dessert.
"Mabait na bata!" Narinig kong sinabi ni Kuya Lino.
"Salamat po,kuya. Lahat tayo ay mabait."
Lahat sila ay tumawa sa sinabi ko kaya nakisabay na rin ako sa kanila sa pagtawa hanggang sa nagtuloy-tuloy ang tawanan namin dahil sa aming napanood na pelikula.
Pagkatapos ng isang oras ay nagyaya si Daddy sa hardinero at driver na mag-inuman daw sila sa kusina.
Pinayagan naman ni Mommy dahil alam niya na nagpaalam sila sa kani-kanilang pamilya na makipag-inuman lalo pa at bukas ay weekend at half day lang sila sa pagtatrabaho dito sa bahay.