"Ang puso ng tao ay nagpaplano ng kanyang lakad, ngunit ang Panginoon ang nagtatatag ng kanyang mga hakbang."
Kawikaan 16:9
*****
Natalie's POV
Pagkatapos ng graduation ko ay hindi muna ako nagtrabaho dahil ninais ko munang magpahinga bago mag-isip na mag-apply ng trabaho.
Gano'n pa rin ang set-up namin ni John Dave. Sa tuwing hapon na ang aming pagkikita kapag nakauwi na siya mula sa kanyang pag-aaral. Sa umaga ay lumalabas naman ako pero hanggang sa mall na lang ang pinupuntahan ko.
Ang aking mga kaibigan ay may sarili-sariling trabaho at gabi-gabi pa rin silang gumigimik. Hindi pa rin ako sumama sa kanila sa tuwing nais nila akong makasama.
Isang hapon habang nag-uusap kami ni John Dave ay nagtapat siya na nais niya akong ligawan. Nanigas ako sa kanyang mga sinabi. Tinuro ko pa ang aking sarili para siguraduhin sa kanya na ako ang tinutukoy niya.
Nais niya akong maging girlfriend? Na hindi nga niya alam kung ano ang nakaraan ko? Napipi tuloy ako sa kanyang ipinagtapat.
"A-ako n-nais m-mong m-maging g-girlfriend?" Pag-uulit ko pa sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Bumaling ang tingin ko sa ibang direksyon dahil di ko kayang salubungin ang kanyang mga titig. Tahimik ang namayani sa aming dalawa habang nagtitigan. Siya ang unang bumasag sa aming katahimikan.
"Oo, Natalie nais kitang maging girlfriend. Alam ko mahirap ako pero hindi ibig sabihin na kapag sinagot mo ako ay mag-aasawa na tayo agad. Magtatapos muna ako at magsumikap." Madamdaming saad niya sa akin.
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at nakita ko ang kanyang sinseridad. Nagbaba ako ng tingin saglit at binalik ko rin ang aking tingin sa kanya.
"Alam mo naman na nagkaroon ako ng boyfriend at si Jeff 'yon. Nais kong sabihin sa 'yo na hindi na ako virgin at kung gano'n ang nais mo hindi ako 'yon." Sabi ko sa kanya at mataman kong tiningnan ang kanyang reaksyon sa kanyang natuklasan.
"Natalie, hindi naman ang virginity ang habol ko sa'yo kundi totoo ang pagmamahal ko. Hayaan mo lang na ligawan kita."
"Sabagay manliligaw pa lang naman. Sige pagbibigyan kita."
"Talaga? Maraming salamat, Natalie. Mahal kita."
Napasinghap ako sa aking narinig mula sa kanya. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako sa aking narinig. Mabilis na tumibok ang aking puso lalo ng tumitig siya ng malalim sa aking mga mata.
"Sige, aalis na muna ako dahil maggagabi na. Kailangan mo na pumasok sa loob, Natalie. Hanggang bukas na naman. Good night."
"Ah,sige na. Good night din John Dave. See you tomorrow." Sabi ko sabay tayo at pumasok na sa loob ng aming bakuran.
Hindi muna siya umalis agad hanggang sa pumasok ako sa loob ng aming bahay. Tumingin ako sa bintana at nakita ko siyang tumayo at tinulak ang kanyang kariton.
Bago tuluyang umalis ay lumingon muna sa bahay namin. Hindi niya ako makikita sa loob dahil tinted ang glass ng bintana pero nakikita ko siya sa labas.
"Kain na tayo,hija." Sigaw ni Mommy mula sa dining room.
Lumingon ako kay Mommy at natatanaw niya pala ako mula sa kanyang kinaroroonan. Ngumiti ako sa kanya at naglalakad papunta ng dining table.
"Parang masaya ka, hija?"
"Oo Mommy," sabay ngiti ko ng malawak sa kanya.
Naglalakad ako palapit sa upuan na katapat ni Mommy. Pauwi pa lang si Daddy kaya nauna na kaming umupo sa dining table at ilang minuto na lang ay darating na siya mula sa aming negosyo.
Ngayon ay nakaupo na ako sa silya na katapat ni Mommy.
"Mukhang may dahilan ng pagiging masayahin mo,hija. Would you care to share?"
"Secret pa lang, Mommy."
"O-okay, maghihintay akong sasabihin mo sa akin,hija."
"Si John Dave umuwi na ba?"
"Yes, Mommy, few minutes ng pumasok na ako dito sa loob ng bahay."
"How's his schooling?"
"Mommy, why are you asking me? It's him, should you ask?" Reklamo ko kay Mommy.
"You should ask him like that, hija?"
"Okay, Mommy!" Hindi ako makapaniwala kay Mommy.
Even before I knew both my parents' like John Dave because he is so very diligent. He can stand alone on his own feet.
"Natalie, why are you silent? Don't say you are jealous to John Dave dahil kinakamusta ko ang kanyang pag-aaral?"
"Nope, Mommy. Why should I?"
"Very good."
After a while Daddy came from work. Hinintay na namin ni Mommy na makabihis at sabay-sabay na kaming kumain ng hapunan.
Hindi naman nagtagal si Daddy at dumating sa hapag-kainan. Umupo siya sa tabi ni Mommy sabay halik sa kanyang labi. Umiwas ako ng tingin ng halikan din siya ni Mommy.
Lumabi ako at hindi ito nakaligtas sa mata ni Mommy at Daddy. Humagikgik pa si Mommy at nakataas ang kilay ko ng lumingon ako sa kanya.
"Huwag kang mag-alala,hija. Baka mas higit ka pa sa amin ng Daddy mo."
Bigla akong napaubo sa sinabi ni Mommy. Agad akong inabutan ng tubig ni Mommy na agad ko naman ito ininom.
"Bakit anak may ubo ka ba?" Tanong ni Daddy sa akin na hindi makuha ang sitwasyon na sinasabi ni Mommy.
"Wala Daddy, I'm fine. Thank you."
"Oh, I thought you were coughing and must drink medicine."
"Daddy, I'm good."
"As you say so. Okay let's eat now."
Habang kami ay kumakain ay panay kwento ni Daddy sa negosyo namin na lumalago ito. Magaling talaga si Daddy sa pagpapatakbo ng aming negosyo.
"Congratulations Daddy."
"Thank you, hija. Later on you will inherit this business. I would like you to come and work in our business, hija."
"Yes, Daddy, I would love it." Sagot ko sa kanya.
"That's my daughter!" Mommy said.
Pagkatapos naming kumain ay tumulong pa ako sa pagliligpit sa kusina hanggang sa natapos na ito. Nagpaalam na ako sa aking mga magulang na mauna akong umakyat sa aking kwarto at pinayagan ako.
Tinakbo ko ang hagdan paakyat dahil sa excitement pa rin na aking nararamdaman dahil manliligaw ko si John Dave.
Pagkasarado ko ng pinto sa loob ng aking kwarto ay agad akong tumalon sa kama. Kinuha ang unan at nilagay ko sa aking mukha saka ako tumili ng malakas.
Kinikilig kasi ako dahil may manliligaw ako at si John Dave pa. Nakangiti ako habang iniisip siya at ramdam ko na parang may nagliliparan na paru-paro sa aking tiyan.
Di ko malaman kung anong posisyon ang aking gagawin,nakayuko ako habang nakahiga. Minsan tumihaya pa at papadyak-padyak na parang bata saka sisigaw ng malakas pero nakatakip naman ang unan sa aking mukha.
Nang mahimasmasan ako sa aking pinaggawa ay bumangon ako sa kama at inayos ang gusot na bed sheet at comforter. Pinulot ko rin ang mga unan na nagkalat sa sahig.
Pagkatapos ay humarap ako sa salamin at nagulat ako sa aking nakita. Magulo ang aking buhok ngunit makikita sa aking mukha ang kasiyahan.
Dahil sa sobrang saya ang nararamdaman ko ay nginitian ko ang repleksyon ko sa salamin. Feeling ko ang ganda-ganda ko pero maganda naman talaga ako.
In a moment ay nawala ang aking pagngiti dahil naalala ko ang sagot ko kay Daddy kanina. Seriously, magtatrabaho ako sa negosyo namin?
Tamad akong naglalakad pabalik sa aking kama. Mabigat ang aking katawan na umupo at bahagyang nag-iisip. Sabagay wala pa naman akong trabaho kaya dapat lang na tumulong ako sa negosyo ni Daddy.
Mainam nga dahil may negosyo pa ang aming pamilya na kahit kabilang kami sa mayayaman kaya naibibigay nila ang aking pangangailangan.
Sa oras na ito ay naisip ko ang sitwasyon ni John Dave. Ang kalagayan niya sa buhay which is breaking my heart. He is the exact opposite of me.
Masipag siyang tao at alam ko na magiging responsable siyang asawa kung sakali. Asawa? Asawa na agad ang iniisip ko samantalang nanliligaw pa lang siya?
Masyado na yatang advance ang isip ko ngayon? Wala naman masama di ba kapag advance ang iniisip ko total para sa amin naman ni John Dave.
Tama, nais ko rin matuto sa negosyo ni Daddy at dapat lang open ako sa possible sa karagdagang kaalaman. Magkikita pa rin naman kami ni John Dave kada hapon ng pag-uwi ko kaya walang problema.
Tumayo ako bigla at naisip kong bumaba para kausapin si Daddy. Nasa hagdan ako ng nakita ko sila ng nanood ng TV sa sala. Meron din naman silang TV sa loob ng kwarto pero mas nagtatagal sila sa sala nanood.
Alam kong naririnig nila ang yabag ko at hinihintay lang nila akong lumapit sa kanila bagay na ginawa ko. Umupo ako sa pagitan nila habang ang mga mata ay nasa screen ng TV.
Tumikhim ako para magpapansin sa kanila. Nagtagumpay naman ako dahil nilingon ako ni Daddy.
"Is there any bothering you?" Tanong ni Daddy habang nakatingin sa harap ng TV.
"Uhm, Daddy, turuan mo ako sa magiging trabaho ko sa negosyo mo ha? Nais kong matuto para matulungan kita o kayo ni Mommy."
"Wow, very good, hija! It's my pleasure to teach you."
"Thank you, Daddy."
"Wow, great, hija. I am happy for you for working sa business namin ni Daddy mo." Masayang sambit ni Mommy habang nakatingin sa akin.
Agad naman akong yumakap kay Mommy habang nakaupo kami at nasa pagitan nila ako ni Daddy. Ilang sandali ay naramdaman ko rin ang pagyakap sa amin ni Daddy ng mahigpit.
Ako ang nasa gitna kaya naiipit ako kaya sumigaw ako kaya agad silang napabitaw sa akin. Narindi yata ang tainga nila sa lakas ng pagsigaw ko. Nag peace sign ako sa kanila ng humiwalay sila sa akin.