Romans 12:19
Mga kaibigan, huwag mong subukang parusahan ang iba kapag sila ay nagkamali sa iyo, ngunit hintayin ang Diyos na parusahan sila ng kanyang galit. Nasusulat: "Parurusahan ko ang mga gumagawa ng mali, gagantihan ko sila," sabi ng Panginoon.
*****
Third Person's POV
Ilang buwan na hindi nagpakita si Jefferson kay Natalie mula noong binalak nitong makipag-ayos sa dalaga. Dahil sa pamumuwersiya niya sa dalaga na kausapin siya nito ay doon niya natikman ang kamao mula kay John Dave.
Dahilan para mapaigik siya ng sakit na dulot ng pagkakasuntok ng binata. Simula noon ay hindi na nawala sa isip niya ang paghihiganti kay John Dave.
Lihim niyang minamanmanan si John Dave dahil galit na galit siya dito lalo pa sa isipang isang mangangalakal lamang ang taong naging kanyang karibal kay Natalie. Hindi lang naging karibal kundi sinuntok pa siya noon na hindi niya matanggap hanggang ngayon.
Alinman sa dalawa ay wala na sa kanya 'yon. Ang tanging nasa isip lamang ay makaganti sa mangangalakal na 'yon. Lalo siyang nagngangalit na sa pag-aakala ay nahigitan siya nito.
Tumawag siya sa kanyang mga kasamahan sa fraternity. Sila ang lihim na may lupon sa mga fraternity at si Jefferson ang leader sa nabuong grupo. Habang nag-aaral pa lamang ay may lihim na silang mga pulong sa kanilang campus at itinataon kapag bakante nila sa kanilang mga asignatura.
Ang iba pang mga kasapi ay nagtapos na sa kanilang pag-aaral ngunit si Jeff ay hindi pa dahil isa siya sa pasaway na estudyante dahilan na hindi makapasa hanggang ngayon ay paulit-ulit sa kanilang mga asignatura.
Nakatapos na si Natalie samantalang si Jeff ay nasa ikaapat muli sa kolehiyo dahil sa kanyang back subjects.
Balik tayo sa pagtawag ni Jeff sa kanyang grupo upang magkaroon sila ng pulong. Biyernes ng gabi ang napag-usapan nila dahil wala silang pasok ng sabado maliban kapag may mga projects na gagawin.
Ang tagpuan nila ay sa condo unit ng binata. Hindi halata sa kanila na sila ay kasali sa grupo ng isang fraternity dahil ang kanilang katawan ay pangkaraniwan lamang.
Sa condo unit ni Jeff ay may natatanging kwarto na tinatawag nilang "music room" na kumpleto ang gamit pangbanda at doon nila ginaganap ang kanilang meeting.
Alas-singko ng hapon ay dumating ang mga ibang kasapi ng kanilang grupo. Mabilis inumpisahan ni Jeff ang kanilang meeting at ito ay para kay John Dave.
"Ang gagawin natin ay dalawa ang magmanman sa basurang 'yon." Panimula ni Jeff.
"Mag-ingat kayo dahil magaling 'yon sa karate." Dagdag pa nito.
"May dalawang magbabantay sa hide out kung saan natin dadalhin ang basurero na 'yon. Hindi natin siya papatayin kundi pahihirapan lang para naman makaganti ako sa kanya.
"Kailan natin ito sisimulan?" Tanong ni Nilo, ang mukhang payat ngunit gwapo naman.
"Sa susunod na linggo at mayroon tayong sapat na araw upang paghandaan ito." Saad ni Jeff.
"Sige papayag ako." Sabi ni Mario.
Pagkatapos ang kanilang pag-uusap ay agad namang umalis ang mga ka-grupo ni Jeff. Pagka-alis nila ay nagtungo siya sa kanyang kwarto at nagkulong dito.
Nakaramdam ng kaba ang binata dahil sa kanyang mga plano tungkol kay John Dave. Kaba nga ba o sabik na makapag-higanti dahil sa nagawa sa kanya?
Bukas ay pupuntahan niya ang kanilang hideout upang ihanda ito sa para sa pagdalhan ng kanilang pakay. Sa gabing ito ay hindi nakatulog si Jeff sa kanyang iniisip.
Unang araw ng linggo ang ginawa ng dalawang bugok na si Mario at Nilo ay ang pagsunod at pagmamasid sa mangangalakal na si John Dave. Kinuhanan nila ng litrato kung saan siya nakaupo at kung saan siya nagrorota upang bumili ng kalakal.
Nakuhanan nila ang binata na nakaupo sa labas ng bahay ni Natalie at kasama ang dalaga sa kanyang tabi. Tumawa ng malakas ang dalawang binata ng ipakita nila kay Jeff.
Nang nakita ito ni Jeff ay nagngalit ang kanyang bagang dahil sa kanyang nakikita sa larawan. Oo hindi niya minahal si Natalie noon dahil tukso-tukso lamang ang naganap ngunit ng inangkin niya ito at nakuha niya ang pagka virginity nito ay siya lang yata ang masarap na putahe na kanyang natikman. Ngunit wala siyang nagawa ng inayawan na siya ng dalaga dahil sa kanyang natuklasan.
"Wala Dude, daig ka talaga ng mangangalakal na 'yon." Pang-aasar ni Mario kay Jeff.
"Mas maganda ang katawan, Dude, may abs at ma-muscle." Dagdag ni Nilo.
Alam ito ni Jeff sa kanyang sarili na wala siya sa kagaya ng mayroon kay John Dave. Umirap ang binata sa dalawa dahilan upang mapalakas ang kanilang tawa.
Halos mamatay ng nakakatawa ang dalawang bugok na animo ay matipuno ngunit hindi naman. Pahawak-hawak pa sila ng kanilang tiyan na masakit na sa kakatawa nila.
Inis na inis ang pakiramdam ni Jeff na pati ilong ay halos umuusok na. Naasar man dahil sa tawa ng dalawa pero hindi siya nagpaapekto.
Sumunod na araw ay gano'n pa rin na sinusundan nila si John Dave tuwing umaga at hapon lang. May klase din sila mula alas-otso hanggang alas-kwatro ng hapon.
Sa gabi naman ay hindi sila lumalabas sa kani-kanilang mga bahay dahil nag-uusap sila sa pamamagitan ng video call sa social media.
"Galingan ninyo sa ginagawa n'yo," bilin ni Jeff sa kanilang ka-grupo.
Ang dalawa naman na naatasan sa hideout ay malapit ng matapos ang kanilang ginagawa na ipinag-utos ni Jeff ng binisita niya ang kanilang hideout.
Isa itong abandonadong gusali na binili ni Jeff ngunit sa ilalim nito ay isang bodega na ginawa at inayos ito na parang bahay na kumpleto ang gamit at air-conditioned ito, may kwarto, may sala, may maliit na kusina pati toilet at banyo.
Nang dumalaw muli si Jeff doon ng alas-singko ay naabutan niya ang dalawa niyang tauhan na may hinahanda.
"Siguraduhin ninyong matibay ang tali na gagamitin ninyo sa kanya," utos nito sa kanila.
"Huwag kang mag-alala, Dude, tali ito ng kalabaw," naninigurado ni Bert na nakumbinsi nila si Jeff tungkol sa tali na kanyang sinabi.
Pagkaraan ng treinta-minutos ay sabay-sabay na umalis ang tatlo ngunit sakay sila sa kani-kanilang mga sasakyan. Sa kanilang mga ginagawa ay walang nakakahalata sa kanila.
Sakto na tinaon naman nila ang oras ng kanilang pag-uwi sa bawat hapon pagkatapos ng kanilang klase. Dahil inaasahan nila ang pag-alis sa eskwelahan na hindi na gaya ng dati na bonding-bonding muna sila bago umuwi sa kani-kanilang bahay.
Walang kamalay-malay si John Dave na kada umaga at hapon na nagrorota siya para sa paghahanap ng kalakal na bibilhin ay may nagmamasid sa kanya.
Nagmamadali siyang naglalakad sa kalsada upang makauwi agad sa kanyang bahay mula sa bahay nina Natalie. Pagkarating ay agad na itinabi ang kanyang kariton sa gilid ng kanyang bahay.
Kinuha niya ang kanyang mga binili upang pumasok sa loob ng bahay niya ng naka-amoy siya ng kakaiba. Nahihilo siya at namumutawi ang amoy na hindi maipaliwanag hanggang nawalan siya ng malay.
Natuwa sila Mario at Nilo sa pagkatumba ni JD na agad nilang isinakay sa loob ng puting hilux pick-up na gamit ni Nilo. Luminga-linga sa paligid upang siguraduhin na walang tao na nakakita sa kanila.
Sigurado na walang nakakita sa kanila dahil padilim na ito at sakto ang kanilang plano na pagkuha kay JD dahil bukas ay Sabado na pinagpaalam pa sa kanilang mga magulang na may overnight project nila sa condo unit ni Jeff.
Nang nailagay nila sa back seat ang walang malay na si JD ay agad na pinaharurot ni Nilo ang sasakyan patungo sa hideout. Nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang steering wheel ng sasakyan.
"Ayusin mo ang pagmamaneho mo, Dude," sigaw ni Mario sa likod ng sasakyan.
"Oo Dude, kalma ka lang," sagot ni Nilo kay Mario.
Mainam muna at kumain sila sa labas kanina bago nila ginawa ang kanilang plano. Nagpa take out na lang sila kanina ng ibang pagkain at merienda.
Lumabas si Jeff upang doon na hintayin ang nagdadala sa katawan ni John Dave. Napasinghot siya ng naamoy ang mabango na pagkain na nagmula sa loob ng bodega.
Kunot ang kanyang noo dahil alam niya na katatapos lang nila kumain pagkaraan ng isang oras. Bumalik siya sa loob upang patunayan ang nasa isip niya.
Pagbalik niya sa loob ay tama ang kanyang hinala sapagkat kumakain nga ang dalawa.
"Magtira naman kayo para sa amin mamaya," aniya habang naka rehistro sa kanyang mukha ang pagkadisgusto sa ginagawa ng dalawa.
"Marami pa, Dude, di namin ito uubusin dahil iinom pa tayo mamaya, di ba?" Tanong ni Bert.
Magkahalong inis at galit ang kanyang nararamdaman para sa dalawa ngunit nagtitimpi lamang siya. Ayaw niya na mapurnada ang kanyang mga plano dahil lamang sa dalawang bugok na kasama niya.
Maya-maya ay narinig nila ang pagdating ng mga yabag at boses ni Nilo at Mario. Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan ay nakita niyang hirap na hirap ang dalawa sa pagbubuhat ng walang malay na katawan ni John Dave.
"Dude, ang bigat ng katawan ng taong ito, tulong naman diyan oh." Pakiusap ni Nilo kay Jeff na hingal na ang boses habang palapit sa kanila.
"Tulungan ninyo sila," sigaw ni Jeff sa dalawang kumakain sa loob.
Dahil sa lakas ng boses ni Jeff ay napatayo ang dalawa upang tulungan ang mga kasama sa pagbubuhat sa katawan ni John Dave.
Apat na sila ngunit hirap pa rin silang ipasok sa loob ng hideout. Umalalay si Jeff para maipasok sa kwarto ang wala pa ring malay na katawan ni John Dave.
Nang naipasok nila ay agad na pinahiga sa kama at agad na sumugod ang apat sa pagkain.
"Sige, bilisan ninyong kumain mga bugok," singhal ni Jeff sa kanila ng naiwan siya sa loob ng kwarto na pinaghigaan sa walang malay na lalaki.