Juan 14:27:
"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa iyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng mundo ang ibinibigay ko sa iyo."
*****
Natalie's POV
"What kind of feeling is this? Kanina pa ako kinakabahan pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. I am not drinking coffee either para magkaroon ng nerbiyos." Sabi ko sa isip ko habang kanina pa ako pabaling-baling sa kama.
Bumaba ako sa aking kama upang kunin ang remote control ng TV sa may ilalim na drawer ng cabinet. Nang nahawakan ko ang remote control ay agad kong binuksan ang TV.
Dinala ko ang remote control sa aking kama,naupo saka ni-set ang pelikula na panoorin ko. Oo, manonood muna ako dahil hanggang ngayon ay di ako makatulog.
Ayaw pa ako kasi dalawin ng antok eh hindi naman ako laging ganito. I swear ngayon lang ito nangyari sa akin.
Sakto, comedy ang palabas at paborito ko ang mga artista ang gumanap. Inayos ko ang pwesto ko sa kama at binaba ang remote control sa may bedside table.
Hinila ko ang kumot at tinakip sa kalahati kong katawan habang tumatawa ako dala sa aking pinapanood. Medyo natagalan ako sa aking panonood kaya naisipan kong tingnan ang orasan na nakasabit sa dingding.
Napaawang ang labi ko dahil alas-diyes pa lang ng gabi. Maaga pa pala kaya di pa rin ako nakakaramdam ng antok. Dati kasi noong nag-aaral pa ako ay maaga akong natutulog ngayong nakapagtapos na ay umabot na ako ng alas-dose bago matulog.
"Bakit ba kasi kung kailan mag sabado ay maaga akong nahiga kanina, kaya naman pala di ako makatulog,ah?" Sa isip ko.
Speaking of sabado, well it's my jogging time tomorrow as always. Naagaw ang pansamantala kong pag-iisip dahil sa aking napanood na palabas. Ilang saglit pa ay tapos na pala ang aking pinapanood kaya nag desisyon akong pupunta ng kusina para magtimpla ng gatas.
Bumaba ako ng kama at naglakad palabas ng aking kwarto na hinayaan ko lang na nakabukas ang TV. Mabilis akong nakarating sa hagdan at bumaba na ngayon ay naglalakad patungo sa kusina. Nasa pinto na ako ng pihitin ko ang seradura. Nagbukas ang pinto at agad ko kinapa ang switch ng ilaw.
"You scared me," bulalas ko at agad ko naitakip ang kanang palad ko sa aking dibdib at huminga ng malalim na binuga ko kalaunan.
Pagkabukas ko kasi ng ng ilaw ay nagulat ako dahil sa dalawang pares ng mata na nakatingin sa akin. Ang pusa pala ni Mommy na mabalahibo o tinatawag na persian na si Chessy na nakaimpreteng nakaupo sa gitna ng mesa habang nakatingin sa ginawa ko.
Malaki at bilugan ang mga mata ni Chessy na may pagka berde na siyang nakamasid sa akin.
"Hi, Chessy, it's me. How are you, baby?"
Sinarado ko ang pinto ng kusina saka lumapit ako sa kanya para haplusin ang ulo nito.
Gumanti naman siya sa akin sa pamamagitan ng paggalaw ng kanyang ulo. Pagkatapos ko siya i-pet ay iniwan ko at nagtungo ako sa cabinet para hanapin ang gatas kasi doon ito nakatago.
Ang cabinet ay medyo mataas kaya tinaas ko ang aking kanang kamay para abutin ito habang ang kaliwang kamay ko ay nakahawak sa handle ng katabi nitong cabinet. Biglang nagbukas ang pinto ng kusina kaya sumigaw ako sa gulat.
Huminto ako sa pagsigaw ng nakilala ko ang pumasok sa loob ng kusina dahil si Aling Mercy pala. Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin sa kawalan.
"Anong nangyari sa 'yo, hija?" Tanong ni Aling Mercy.
"Wala po, nagulat lang po sa inyo dahil bigla na lang po kayo sumulpot dito sa kusina."
"Malay ko ba na nandito ka sa kusina. Dati naman ay ang Mommy mo ang bumababa ngayon naman ay ikaw na."
"Pasensya na po Aling Mercy, magtimpla lang po ako ng gatas ko."
"Sige, may kukunin lang din ako baka mauna na ako lumabas kaysa sa 'yo dito." Paalam sa akin ni Aling Mercy.
"Sige po."
Nagtimpla na ako ng gatas ko at nilagay sa tray saka ako lumabas na ng kusina. Pinatay ko ang ilaw saka isinarado ang pinto.
Dahan-dahan akong umakyat sa hagdanan habang hawak ang tray na pinaglagyan ko ng baso ng gatas. Dahil iniwan kong bukas ang pinto ng kwarto ko kanina ay malaya akong nakapasok hanggang sa loob.
Binaba ko muna ang hawak kong tray sa may center table at nagpasya muna akong maupo sa gilid ng aking kama. Napaigtad ako ng may malambot akong naupuan kasabay ng pagngiyaw ng pusa ni Mommy.
Tumayo ako agad at muli kong hinawakan ang aking dibdib.
"Chessy, I'm sorry. Pumasok ka pala sa kwarto ko at d'yan ka pa talaga nakaupo."
"Bakit ka maingay, Natalie?" Biglang salita ang aking narinig mula kay Mommy na ngayon ay nakatayo sa pinto ng aking kwarto.
Lumaki ang mata ko dahil sa gulat kay Mommy. Bakit ba ako nagugulat simula pa kanina?
"Itong si Chessy, Mommy. Naupuan ko ang paa eh,hindi ko naman kasi nakita," pagtatanggol ko sa aking sarili na akala ko ay baka pagalitan ako ni Mommy.
Mahal na mahal niya ang pusa niya na parang anak.
"Nanahimik na siya, oh." Kasabay ng pagnguso niya sa pusa at tumingin naman ako sa pusa ay nakapikit na.
"Sige, labas na ako Natalie. Inumin mo na ang gatas mo bago ka pa maunahan ni Chessy."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang sinabi.
"Sige,good night ,Mommy." Sabi ko bago pa tuluyang maisara ni Mommy ang pinto ng aking kwarto.
Ininom ko muna ang gatas ko bago pa ako maunahan ng pusa. Pagtingin ko sa pinaghigaan ni Chessy ay nakamulat na ito at sa akin nakatingin.
"No more milk, I finished it." Kausap ko pa sa pusa.
Nagpunta ako ng banyo upang banlawan ang baso ko para hindi langgamin. Iniwan ko na rin sa lababo para bukas ko na ilabas. Pagkatapos ko ay bumalik ako sa aking kwarto.
Pinatay ko ang ilaw at sinindihan ko ang dim light. Sumampa ako sa aking kama, sumandal ang aking likod sa headrest habang nanonood pa rin ako ng TV. Lumapit naman si Chessy at nahiga sa aking hita habang nakapikit.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang antok ko. Pinahinaan ko ang TV saka ako nahiga ng maayos. Dahil nakasabit sa dingding ang TV ay napapanood ko pa rin ang palabas na kahit nakahiga ako.
Dahan-dahang pumipikit ang aking mga mata. Kumukurap-kurap pa ako hanggang sa tuluyan akong pumikit at natulog na. Nagising ako ng patay na ang TV sa aking kwarto.
Chessy is not around anymore. Baka pumasok dito si Mommy sa kwarto dahil ginagawa niya iyon kada umaga. Uminat-inat pa ako saka bumangon.
The time is six o'clock in the morning, base sa orasan na nakita ko sa dingding. Now is Saturday kaya I have my exercise today. Tuluyan akong bumangon at naghilamos sa banyo.
Excited akong nagsuot ng shorts at sports bra na kapares ng aking short. Pinusod ko ang aking buhok saka nagsuot ng rubber shoes na kakulay din ng aking suot.
Nag-warm up muna ako sa labas ng gate bago ako nagsimulang tumakbo ng mabagal. Inaasahan ko na makakasalubong ko si John Dave ngayong umaga ngunit hindi ko pa siya nakikita.
Nagpatuloy pa rin ako sa aking pag jogging, sabagay maaga pa naman baka hindi pa rin nakarating dito sa street namin. Hanggang sa umabot ako ng isang kilometro sa aking pagtakbo.
Akala ko na sa aking pagbalik ay makikita ko siya ngunit wala pa rin hanggang sa maabot ko ang bahay namin. Palinga-linga ako sa paligid na nagbabaka-sakali na nandito lang sa malapit pero wala.
Di bale may hapon pa naman, baka pupunta pa rin siya dito kaya tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay. Agad kong tiningnan ang oras at alas-siyete na ng umaga at sa oras na ito ay naggayak na siyang papasok sa kalahating araw na pagtuturo ng karate.
"Siguro, he woke up late kaya di nakarating dito sa aming street." Sabi ng utak ko.
Umakyat ako sa loob ng kwarto ko at nagpahinga muna bago ako naligo. Pagkatapos kong nagbihis ay bumaba ako ulit para kumain sa kusina. Nauna akong kumain kaysa sa aking mga magulang dahil parang may kakaiba sa aking pakiramdam at di ko matukoy kung ano 'yon.
Maaga pa at nag-iisip ako ng aking gagawin, so balak kong magtungo ng mall sa araw na ito. Mamayang alas-nueve pa ang bukas ng mall kaya umakyat muna ako sa aking kwarto pagkatapos kong kumain.
Maalala ko na naman si John Dave dahil di ko siya nakita sa umagang ito, baka mamayang hapon ay makikita ko na siya. Walang anu-ano ay tinapon ko ang sarili ko sa aking kama at natulog muli.
Nakita ko siya na humihingi ng tulong. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa isang malaking punong-kahoy. Paano siya nakatali eh marunong siya magkarate? Nasaan kaya ang lugar na ito? Akma ko siyang lalapitan ng biglang nagising ang diwa ko.
Naalimpungatan ako ng narinig kong may kumakatok sa aking pinto at isa lang alam ako na palaging gumagawa nito, ang pusa ni Mommy na si Chessy. Bumangon ako at binuksan ang pinto, pusa nga ang bumungad sa akin.
Dali-dali naman siyang pumasok sa loob ng kwarto at nakasunod ako ng tingin sa kanya. Tumalon siya sa aking kama at sinimulan niya ang kanyang ritwal ang pag-aayos ng kanyang mga balahibo sa pamamgitan ng magaspang niyang dila.
Sinarado ko ang pinto at padabog akong naglakad pabalik ng aking kama. Tamad kong ibinagsak ang aking sarili sa aking kama. Hindi man lang nagulat ang pusang ito sa ginawa ko.