bc

Our Interlinked Fate (Tagalog) LS #4

book_age18+
37
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
escape while being pregnant
drama
bxg
humorous
ambitious
realistic earth
first love
like
intro-logo
Blurb

Amelia Jean Harris ay nagmula sa isang mayamang pamilya ngunit nang mamatay ang kanyang ina ay nagsimulang maging miserable ang kanyang buhay mula ng mag-asawa ulit ang kanyang ama kasama ang dalawang dalagang anak nito. Hindi naging maganda ang pakikitungo ng kanyang madrasta pati ang kanyang panganay na anak na kabaliktaran naman sa bunsong anak nito. Nakilala naman niya si Rian Diego Villamorez na sa panahong iyon ay matalik na kaibigan pala ng kanyang step sister at sa hindi inaasahanķ ay nakuha nito ang unang halik na lalong nagpagising ng kanilang damdamin at rason din para palayasin siya sa mismong tahanan nila. Magkikita pa kaya sila o tadhana na ang bahalang magpasya kung sila parin hanggang sa huli.

Rian Diego Villamorez & Amelia Jean Harris

chap-preview
Free preview
Prologue
Amelia "Amelia iha!" napalingon ako ng tawagin ako ni Mamang Nelia. "Bakit po mamang?" tanong ko sabay tayo sa duyan kong nakatali sa sanga ng mangga. Paborito ko ritong tamabayan lalo na kapag gusto kong mapag-isa at malayo sa gulo na meron kami ngayon. Magmula nang mamatay si mommy, hindi na nauuwi si daddy sa bahay. Palagi itong lasing hanggang isang araw ay may inuwi itong babae. Pinakilala niya ito sa akin at nang sabihin niyang magpapakasal sila ay doon mas umusbong ang nararamdaman ko. Walang pang isang taong namatay si mommy pero may nahanap na agad si daddy. Nagpakasal parin sila. Sa pagtira nila sa bahay ay kasama na niya ang dalawang anak niyang babae. Ang panganay ay kaedaran ko lamang habang ang bunso ay mas bata sa amin ng tatlong taon. Masayahin at friendly kaya mas gusto ko siyang kausap at kasama. Sa pag-alis-alis ni daddy para mga ibang business namin sa ibang bansa ay naiiwan ako sa malulupit nilang kamay. Nakikita iyon ng iba naming mga katulong at minsan sa pagliligtas nila sa akin ay tinatanggal na agad sila ng step mother ko ng trabaho dito. Nalaman iyon ni daddy pero hindi niya inactionan. Pinagsabihan pa niya akong sumunod nalang sa sasabihin ng step mother ko na mas lalo kong dinamdam. Mas kinakampihan ng daddy ko ang asawa niya ngayon kesa sa tunay niyang anak. Unti-unti ay nagsialisan ang ibang mga trabahador at katulong namin dito. Awang-awa man sila sa akin ay wala naman silang magawa. Hindi nila makayanang magtrabaho sa isang babaeng walang puso, na kung pakainin sila ay isang beses lang sa isang araw at mga tira pa nila. Gusto ko silang tulungan pero hawak niya ang allowance ko na binibigay ni daddy. Kung bibigyan niya ako ay 100 lang at kakasyahin na iyong ng isang buwan bago magpadala muli si daddy sa account niya. Minsan ay gusto kong sumbatan si daddy kung bakit pa siya nag-asawa pero hindi iyon ang turo ni mommy sa akin. Kung pupwede ay pigilang makagawa ng isang bagay na ikakasakit ng ibang tao, kaya ako ngayon ay timping timpi sa mga pinaggagawa nila sa akin. "Pinapatawag ka ng bruha mong madrasta." Aniya nito. Tumawa ako sa tawag nito sa step mother ko. Minsan ay talikuran lang talaga kaming nakakaganti sa pagsambit ng kung ano anong pwedeng itawag sakanya mailarawan lang ang pangit niyang ugali. "Umuusok na naman ba ang ilong kakahanap sa akin mamang?" natatawa kong tanong. "Hindi naman. Kalmado kaninang pinatawag ka. May hawak na papel. Mukhang galing ito sa school na papasukan mo." Ang malawak na ngiti ko kanina ay unti unting naglaho. Sana ay hindi tama ang nasa isip ko. Kung maaari ay ayaw kong makasama ang anak niya sa university na papasukan ko. Tama na ang isang taon at naway huwag nang sundan. Agad akong tumakbo ng mabilis. Sumunod naman sa akin si mamang na kanina pang nagpapaantay sa akin pero hindi ko iyon inalintanang hintuan. Pagkapasok ko sa sala ay nakita ko siyang nakangiting hawak ang mga papers ko at binabasa ito. Sa kabilang upuan naman ay nandoon din si Irish, ang panganay niyang anak na ngayon ay umiinom ng juice at kalmadong kasama ng kanyang ina. Same feather talaga. Kawawa naman magiging kasama nito sa buhay kung sakali. Lumapit ako at tumigil sa gilid nito. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Dahan dahan nitong inangat ang ulo sa akin ganun din ang anak niya. "Pwede ko na po bang makuha iyan?" magalang kong pakiusap. Umayos itong umupo at bahagyang humarap ito sa akin. "Bakit hindi mo sinabing nag-exam ka sa University'ng ito. Para naman sana naipasabay ko sayo si Irish Amelia." mahinahon pa nitong hayag. Lumunok ako. Tiningnan ko si Irish na ngayon ay nakangisi sa akin. Binalik ko ang mata ko sa madrasta ko. "Biglaan lang po iyan noong nagpatawag po sila ng entrance exam. Grinab ko na po at baka sakaling makapasok." pagsisinungaling ko. Nang malaman ko ang araw ng entrance exam sa University na iyan ay pinaghandaan ko na para makalayo lang dito. Kukuha ako ng apartment na malapit sa school para doon tumira kasama si mamang kung sakali. At ngayon ay matutupad na. Makakalayo na ako dito. "Sinungaling." napalingon ako kay Irish nang magsalita ito. Kumunot ang noo ko. "Totoo ang sinasabi ko." pagtatanggol ko sa sarili ko. Tumayo ito at biglang nilapag ang ibang reviewer ko sa center table na kinamilog ng mata ko. "May biglaan bang nakakareview pa Amelia? Sinong niloloko mo?" at pinakita rin sa akin ang isang sobre na gaya ng pinaglagyan ng sulat sa akin ng school. "But thanks to this. I passed the exam entrance." mas lalong lumawak ang ngisi nito sa akin. Tumayo ang mommy niya at hinarap niya ako. Bahagya akong yumuko pero malakas na sampal ang sumalubong sa akin na halos kinatumba ko pa. Agad akong pinuntahan ni mamang at inalalayan. "Subukan mo pang magtago at magsinungaling sa akin Amelia. Ako mismo ang magpapalayas sayo sa bahay na ito." "Aba! Mali na ata iyan! Baka nakakalimutan niyong bahay ng mommy ni Amelia ito at hindi niyo bahay. Kung tutuusin ay wala talaga kayong karapatan dito dahil hindi niyo pangalan ang nakapangalan sa bahay na ito!" Pakikisingit ni Mamang Nelia. "Mamang, huminahon ka." pagpapahinahon ko. Lumapit ito sa amin. "Kung nakakalimutan mo rin, asawa ako ng asawa dati ng amo mo. Pwede kong ipatanggal ang pangalan ng patay mong amo para wala nang ... " Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng malakas siyang sinampal ni mamang sa mukha. "Wala kang karapatang bastusin ang amo ko sa harapan ko at harapan ng anak niya. Hindi ikaw ang naghirap para maipatayo ang bahay na ito at wala ka ring ambag sa mga yamang meron dito. Sa papel lang kayo kasal ni sir pero hindi ikaw ang mahal nito!" "Walang hiya ka!" agad hinila nito ang buhok ni mamang na kinaganti agad niya at hila rin ng buhok nito. "Awat na po mamang!" awat ko kay mamang. "Mommy, stop na please. Stop!" awat din ni Irish sa mommy niya. "Tatanggalin ko anit mo walang hiya kang babae ka!" gigil ng step mother ko sa paghila ng buhok ni mamang. "Kung anit sa akin ang matatanggal, sa iyo naman balat hanggang wala nang matira sa ulo mo!" sagot namang nanggigil rin ni mamang. "STOP!!" Napalingon kami ng may matinis na sumigaw mula sa pintuan. Si Imee. Natigil ang dalawa sa paghihilaan ng buhok nang lumapit sa amin si Imee na salubong ang kilay. Maliit siya pero ang lakas ng boses. Matapang din kaya bibilib ka rin sa lakas ng loob nito. "Para kayong mga bata. Tatayo na nga lang dito sa bahay, nag-aaway pa kayo." sermon nitong nakapameywang sa harapan namin. "Hoy aleng maliit, pumasok ka sa kwarto mo. Kung umasta ka parang mas matanda ka sa amin ah." Aniya ng ate niya sakanya. "Ate lang kita pero hindi mo ako utusan." sagot nito na kinagalit ng ate niya sakanya. "You're fired! Ayaw na kitang makita hanggang mamayang hapon." Namilog ang mata ko sa narinig habang ang mata parin ni mamang ay galit na galit parin. "Huwag niyo pong gawin iyon, parang-awa niyo na." Pagmamakaawa ko. "Huwag kang magkaawa diyan Amelia. Hindi dapat siya hinihingan na awa ang katulad niya. Demonyo yan." harap harapan nitong hayag. "LUMAYAS KA! NGAYON NA!" sigaw nito sa harap namin. "Aalis ako, pero isasama ko si Amelia. Ayokong iwan siya dito sa mga kamay ng mga katulad niyo." sagot ni mamang at hinila niya ako. "Kung isasama mo siya, isusumbong kita sa pulis na kinidnap mo siya." Natigil ako at lumingon sa madrasta ako. "Anong klaseng tao kayo?" bulong ko sa sarili. Hindi nakasalita si mamang. Hindi ko narin mawari ang itsura ni mamang dahil sa halo halong galit nito. "I can do anything in just a call Nelia. Get her and I'll make sure to put you in jail." Pagbabanta nito. Nakaupo ako at pinapanood ko nalang si mamang sa pag-iimpake ng mga gamit niya sa bag. Gusto kong sumama pero wala akong magawa. Wala akong maitulong na kahit gusto ko sana. "Mamang ... " "Wala ako dito para bantayan at ipagtanggol ka Amelia, pero huwag mong hahayaang apihin ka. Bahay mo ito, may karapatan ka dito. Lumaban ka kung kinakailangan. Huwag mo silang hayaan na apak apakan ka sa sarili mong bahay." bilin niya sa akin na ngayon ay nanlalabo na ang mata ko sa namumuong mga luha ko. "Hindi ko po kaya mamang." naiiyak kong sambit. Tinabihan ako ni mamang at niyakap. "Hindi mo man ako kasama palagi, araw araw kitang dadalawin." tiningnan niya ako sa mata at hinawakan niya ako nito sa magkabilang pisngi. "Magpakatatag ka lang. Makakaalis ka rin sa puder nila." saad niya at niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy ang pagbuhos ng luha ko. Dumating ang maraming linggo at pasukan na. Naghire ang step mother ko ng magdradrive sa mga anak niyang pupunta ng school habang ako ay magcocommute. Ayos na din iyon para naman magawa ko ang gusto ko at makalaya na kahit ilang oras lang. Sa unang araw ng pasukan ay halos malate pa ako sa unang subject ko dahil sa dami ng lilinisan sa bahay. Huhugasin din na hindi ko alam kung saan nanggaling dahil sinigurado ko kagabi bago ako matulog ay maayos na ang lahat. Nagluto lang ako ng pancake na parating niluluto ni mommy sa akin na naging paborito ko at hindi ko pinagsasawaang kinakain. Binaon ko pa ang tira. Bahala na ang madrasta kong magluto ng pagkain niya mamayang tanghali. Pagdating ko doon ay napakarami ng studante. Halos lakad takbo ang ginagawa ko. May ibang nababangga pa ako at humihingi agad ako ng paumanhin na hindi ko na tiningtingnan kung sino sila dahil sa pagmamadali ko. Nang makarating ako sa unang klase ko ay saktong natawag ang pangalan ko pagkapasok kaya halos lahat ng kaklase ko ngayon ay tumingin sa akin ng sumagot ako. Nakayuko ako dumaan sa harap at umupo sa bakanteng upuan. Long sleeve na checkered at pants lang suot ko then flat sandal. Nakalugay pa ang buhok ko dahil sa basa pa ito kanina. Itatali ko nalang mamaya kapag natapos na ang klase. Sa sumunod na oras ay nagmamadali na naman akong hinanap ang next class ko dahil nag over time ng 10 mins ang prof namin. Pagkadating ko doon ay saktong nabangga ko ang malapad at medyo matigas na likod nang isang matangkad na lalaki. Agad akong yumuko ng bahagya at humingi ng paumanhin at nauna nang pumasok. Naramdaman ko itong humarap sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Pagkaupo ko ay agad kong nilabas ang notes at ballpen ko. Mabilis lumipas ang oras at natapos ang maghapong klase. Nasa hallway na ako ng makita ang isang announcement na pinapalibutan ng mga studante. Lumapit ako doon at tumingkayad ako para makita pero hindi ko talaga abot. Umatras ako at inantay ang ilan na makaalis hanggang sa unti unting nababawasan at naging maliwanag sa akin ang announcement. "Welcome ball? Meron pa pala iyon?" tanong ko sa sarili at nilapitan ito. "Anong attire? Formal dress? Yung oras?" Tumingin ako sa baba. "7pm, sa hall at Saturday evening. " tumango ako. " okay." sagot ko sa sarili. Nilisan ko iyon at dumeretso nang umuwi at hinabol muli ang bus sa oras na iyon. Naging routine ko na ang pag-uwi na trabaho ko. Luto, linis at minsang maghuhugas ng napakarami. Nakakapagod pero kinakaya at nagagawa ko pa naman ang ibang assignment at requirements ko. Kinaumagahan ay dating gawi. Late na naman ako. Sa di inaasahan ay nabangga ko ulit ang lalaking nabangga ko kahapon pero hindi ko agad nakita ang mukha dahil saktong pangalan ko na naman ang natawag ng matapatan ko ang classroom kung saan ang first class ko. Paglingon ko sa hallway ay wala na ito. Nilagpasan na ako. Dumating na ang araw na ball namin. Tinulungan ako ni mamang na maghanap ng dress ko para mamaya. Inipon ko rin ang tig 100 na bigay niya sa aking allowance ko noon na ngayon naman ay bahagyang tumaas dahil namamasahe ako. Iyon ang pinangbili ko kaya ngayon ay masaya ako. Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa kusina para magluto at ipaghandaan sila. Narinig ko kasing may bisita si Irish at narinig kong boyfriend daw niya ito. Ewan ko lang kung totoo. "Nandiyan na siya Irish!" tawag ng mother dear niya. Ako naman ay kalmado lang na naghahanda sa lamesa ng mga pagkain para makakain na sila. Nagtira na ako ng pagkain sa kusina para habang kumakain sila ay kumakain nadin ako. Oh diba? Nasa dining area na sila at kasalukuyang kumakain na. Nakabihis narin si Irish habang ako ay nakapangbahay pa. Maglilinis pa pagkatapos bago ako pupunta sa ball. Tatanggap parin naman sila ng late comer diba? "Amelia! Yung juice!" tawag ng magaling umarteng madrasta ko. Agad kong kinuha ang juice at ilang mga baso at dumeretso sa kusina. Agad bumungad sa akin ang pamilyar na likod ng lalaki. Natigil ako saglit doon at maya maya pumunta ako sa pwesto nila. Nilapag ko ang mga baso nila sa tabi ng mga plato nila at sinalinan ng juice. Napatingin ako sa lalake ng mapansin kong sa akin siya nakatingin. "Ate Amelia. Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong sa akin ni Imee. Ngumiti lang ako bilang sagot. "Hindi siya pupunta Imee. Hindi siya mahilig sa mga ganyang event." sabat ni Irish na kinairap ko sakanyang palihim. Nakita iyon ni Imee kaya palihim itong tumawa sa akin. "Si Kuya Rian pala ate Amelia, kaibigan ni ate." Tumikhim si Irish at tiningnan niya ng masama si Imee. Napatingin naman ako sa lalaking pinakilala sa aking Rian na ngayon din sa aking nakatingin. Infairness, ang gwapo niya. "Kuya Rian, si ate Amelia ... " "Katulong namin." singit ni Irish. "Tapos ka na diyan diba?" para akong narindi sa narinig. Katulong? Tama ba yung narinig ko? Naramdaman ko ang kurot sa akin ng step mother ko sa bewang ko at senyas nito sa aking bumalik sa kusina. Masama ang loob kong bumalik. Katulong? Sa sarili naming pamamahay? Katulong ako? Eh anong tawag naman sakanila? Biglang nag-init ang ulo ko. Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan. Binilisan ko ang trabaho ko para makaabot ako. Naligo at inayos ang sarili. Maya maya ay may kumatok sa pinto ko at niluwa ang step mother ko. "Saan ka pupunta?" mahinahon ngunit may kakaiba sa tono nitong tanong sa akin. "Sa ball po." Sagot ko. "Sinong nagsabing pupunta ka?" Kumunot ang noo ko. "Required po lahat ng freshman na umatend sa ball." sagot ko. "Hindi ka pupunta. Wala nang tanong at wala na ding sagot. Dito ka lang at walang aalis." Utos nito at kinuha ang susi kong nasa ibabaw ng kabinet at sinara ang pinto at nilock. "Ma- tita?" tawag ko. Hindi ko pa alam kung anong itatawag ko sakanya. "May tao ba diyan?" Tanong ko agad ng hindi ko alam at komportableng tawagin siya sa mommy or tita. Bruha pwede pa siguro. Katok ako ng katok sa pinto hanggang sa nawalan ako ng pag-asa. Naiiyak na ako. Gusto ko ring pumunta at maranasan rin pero bakit ba nila pingakakait sa akin? Para tuloy akong Cinderella ngayon na may step mom at dalawang anak. Yung isang masungit at yung isa mabait. Tapos may prince charming din sana kaso ball yun eh. Sa school yun. Hindi rin naman sinira ang dress ko kaya hindi naman mapapalitan ng bago no fairy god mother kung meron man. Baka make up nalang ang reretouch kung sakali hindi na ang suot ko. Maya maya ay narinig kong may nagbubukas sa pinto. Tumayo ako at saktong pumasok naman si Imee. "Bilisan mo ate. Malelate ka na." pagmamadali niya sa akin. Agad kong kinuha ang sling bag at sandal ko. "Sa sasakyan na kita aayusan." saad ni Imee ang pagbaba na kami ng hagdanan. Pagkalabas namin ay may nag-aantay na taxi. "Ramdam ko nang may plano sila kaya pinaghandaan ko na. Ako muna ang fairy god mother mo ngayon pero hindi ko afford ang dress mo. Make up lang muna tayo." biro nito. "Salamat ah." aniya ko dito nakangiti. "Sus, wala iyon. Tayo lang magkakampi sa bahay kaya asahan mo akong sayo ako sasama." aniya nito. Sa buong byahe ay inayusan niya ako. Umuwi din siya agad pagkahatid sa akin. Pagpasol ko sa loob ay patay sindi ang ilaw at maingay rin ang tugtog. Maraming mga studante ang dumalo. May mga nagsasayaw sa gitna at halatang nag-eenjoy na. Payuko akong pumasok para hindi halatang late ako. Pagtinanong kung saan ako galing, sabihin kong sa CR. Nang makapasok ako ay hinanap ko una ang mga pamilyar na mukha sa akin pero hindi ko sila lalapitan. Hindi ko naman sila close. Naisipan kong umupo muna at nakita kong may bakanteng upuan sa gilid. Nang papunta na ako ay biglang nagblack out. Sobrang dilim na halos wala akong makita. Maya maya ay may tumulak sa akin at napunta ako sa isang taong hindi ko makita ang mukha pero alam kong lalaki ito. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang at ilapit sakanya. Naramdaman ko ang labi niyang dumampi sa ilong ko. Nanigas ako doon. Basa ang labi niya. Maya maya ay naramdaman ko na itong dumampi sa labi ko. Proprotesta sana ako pero biglang hindi ako nakagalaw. Nagulat ata ang katawan ko. Naramdaman ko rin ang kuryenteng dumaloy sa sistema ko na para bang ito ang nagpatigil sa akin itulak siya. Ilang segundo pa ang nakalipas ay gumalaw bigla ang labi niya. Napapikit ako sa hatid non. Hindi ko pa alam kung paanong gagawin. Maya maya ay napapagaya na ako galaw ng labi niya at di kalaunan ay sumasagot na ako sa mainit na halik nito. Pagkabukas ng ilaw ay siya namang pagbukas ng mata ko. Bumitaw ang agad ang mga labi namin at unang bumungad sa akin ang manipis, mapula at basa nitong labi. Inangat ko ang mata ko sa mata nito at namilog ang mata ko ng makilala kung sino ang nakahalikan ko. "R-rian." sambit ko at napahawak ako sa labi ko. Tiningnan ko ang paligid na mukhang hindi nila iyon napansin. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Mas malakas na rin ata sa tugtog ang dagundong nito. Lalapit na sana siya sa akin peron ginamit ko ang dalawang kamay kong pangharang dito. "Amelia, let me explain ... " Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya ng tumakbo na agad ako at iniwan siya sa labas. Sabay nang pagtakbo ko ay ang takot sa isip na baka nakita ako ni Irish. Nahirapan pa akong makahanap ng taxi. Pumunta pa ako sa bus stop at nag-antay ng last trip pero sa mga oras na iyon ay ramdam ko parin ang labi niya sa labi ko. Napapatulala nalang ako. Maliwanag pa sa araw ang mukha niyang nasa isip ko na halos mamuntik na akong maiwan ng bus dahil sa mukha niya. Pagdating ko sa bahay ay wala akong ligtas. Alam ng step mother ko na umalis ako. Umiiyak din si Imee. Narito narin si Irish na galit na galit ang mukha sa akin. Sinugod niya ako at sinabunutan at pinagsasampal sampal. Hindi ako makalaban dahil alam kong nasa mali ako. Nadamay ko pa si Imee na ngayon ay umiiyak narin. Natigil lang ang pananakit ni Irish sa akin ng may tumulong dugo mula sa ulo ko. Nauntog ako sa doorknob ng itulak niya ako ng napakalakas. Ramdam ko ang hilo hanggang sa nataranta na sila at nagtawag na sila ng emergency. Nagkamalay nalang ako ng nasa hospital na ako. Nandoon si mamang sa tabi ko. Pati si Imee. Binantayan nila ako hanggang sa magkamalay ako. "Iha. Aalis na tayo dito. Sa ibang bansa ka na magtutuloy ng pag-aaral." sambit ni mamang sa akin. "P-po? Alam po ba ni daddy?" Gulat kong tanong at medyo nanghihina pa ang tono ng boses ko. "Siya ang nagsabi iha at nag-utos na sa ibang bansa ka na mag-aaral. Malayo sa step mother mo at kay Irish." "Paano po si Imee?" pag-aalala ko. "Sasama ako sayo ate. Diba nga sabi ko naman sayo? Sayo ako sasama kahit na anong mangyari?" ngiting sagot niya. Ngumiti din ako. Hindi rin nagtagal ay nakalabas na ako ng hospital. Hindi na kami bumalik ng bahay at nakapagpaalam sakanila. Wala silang alam na umalis na kami. Nanghihinayang man ay kailangan para sa bagong buhay na nag-aantay sa akin. Sa amin. Pero kasama ang panghihinayang ko doon ay ang nabuo ko nang narararamdaman para kay Rian. Magkikita pa kaya kami? At kung magkikita man kami ay sana hindi pa huli ang lahat. Sana ...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook