MAHIRAP paniwalaan ang mga bagay na naririnig mo lamang. Madalas ay kailangan ng tao ng mga pisikal na ebidensya para tuluyang maniwala. Hindi sapat ang sabi-sabi lang dahil miski sa panahong ito, kahit sarili mo'y magagawa mo ring pagdudahan. Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga larawang nasa aking harapan. Paano nangyari ang bagay na ito? Bakit hindi ko maalala kung kailan ito nangyari? Imposibleng edited lang ang mga larawang ito dahil ipinasuri ko na ito sa holographic image ni mama. Sinabi niyang isangdaang porsyentong totoo ang kuha sa mga larawan. Sinubukan niyang i-locate ang IP address ng anonymous sender pero ang sabi'y masyadong mahigpit ang security at hindi magawang pasukin. The holographic projection of my mother happens to be the most advanced artificial intelligence even

