6

2239 Words
BAGO magtanghalian ay umuwi sa villa ang Kuya Eduardo ni Glanys, kagaya ng pangako nito. Nakita niya na maingat nitong kinikilatis ang mga bagong dating. Hindi ito karaniwang ganoon sa kanilang mga bisita. Dahil iyon sa hindi karaniwang bisita ang mga dumating. Adler Perez could be her future husband. Sa nakikita naman niya ay nagkaroon ng magandang impresyon ang Kuya Eduardo niya kay Adler pagkatapos mag-usap ng mga ito. Maganda rin ang impresyon niya rito. He was polite and nice.  Ang lola niya ay patuloy ang pagkaaliw kay Adam. Ang impresyon niya kay Adam ay isang makulit ngunit adorable na bata. Tila puno ng enerhiya ang buong katawan nito. He talked a lot. Marami itong tanong tungkol sa villa at sa mga kagamitan doon. Marami itong tanong tungkol sa Lolo Andoy niya. Ang lola niya ang sumasagot ng lahat ng tanong nito. He smiled a lot. Tuwing nagagawi ang tingin nito sa kanya ay lalong tumatamis at lumalapad ang ngiti nito. Ayaw niyang isipin na may kakaibang kahulugan iyon. Sa malapitan, mapapansin ang pagkakahawig nina Adler at Adam. Hindi maipagkakailang magkapatid ang dalawa. Pareho ang mga mata at hugis ng ilong ng mga ito. Adam was shorter than Adler. Mas maganda ang built ng katawan ni Adam kaysa sa kuya nito. Tila magkaiba ang personalidad ng dalawa. Tahimik lang si Adler at tila may misteryo na nakapalibot sa pagkatao nito. Reserved at polite ang mga ngiti nito. Tila kabaliktaran naman nito si Adam. Inihanda na ng mga kawaksi ang hapag para sa tanghalian nang dumating ang Kuya Damian niya. Kasama nito sina Cameron at Hunter. Sa mata ng iba, tila isang masayang pamilya ang tatlo. Kung hindi lang marahil matigas ang ulo ng kaibigan niya, malamang na tunay na pamilya na ang mga ito. Sa isang banda naman, naiintindihan niya ang gusto ni Cameron. Nagmano si Hunter kay Lola Ancia. Napatingin ito kay Adam at hindi na nito maalis ang mga mata nito sa binata. Hanggang sa biglang mamilog ang mga mata nito. There was awe in the child’s expression. “Kilala ko po kayo,” anang bata kay Adam. Masuyong ginulo ng lola niya ang buhok ng bata. “This is Adam. Adam, si Hunter, ang apo ko.” Ipinakilala rin ng lola niya sina Cameron at Damian sa kanilang mga bisita. Hinugot ni Hunter ang iPod nito mula sa bulsa. “Adam of Merry Men,” anito habang pinipindot ang iPod nito. “Ikaw po ito?” Ipinakita nito ang iPod kay Adam. Nakita niya ang pagkagulat at pagkamangha sa mukha nina Adam at Adler. Ngunit hindi rin nagtagal iyon. Napalitan kaagad iyon ng amusement. Adam grinned at Hunter. She took it as confirmation. “Wow,” ang nasambit ng bata habang nakatingin sa binata. His eyes were huge with awe. He looked like he was starstruck. “You are so cool!” Tuluyan nang natawa si Adam. “Thanks, kid.” “Naguguluhan ako,” anang lola niya. Kinuha nito ang iPod at pinakatitigan. Siya man ay naguguluhan din sa naging daloy ng usapan. Apparently, this Adam was not just an ordinary guy. He was not just the brother of Adler. “This is you,” anang lola niya habang may pinapanood sa iPod. “A little sweaty and dirty but the singer is you.” Inakbayan ni Adam ang lola niya at nakipanood. Bahagya itong natatawa. “Yeah, that’s me.” “Merry Men is an international rock band,” sabi ni Adler sa lahat. “The band is quite popular all over the world. The lead vocalist and front man is Filipino. The band started when a major recording company owner got so bored. He was a huge fan of rock music. Naghanap siya sa iba’t ibang bahagi ng mundo ng apat na talentadong indibidwal na siyang bubuo ng pangarap niyang banda. Napadpad siya minsan sa Pilipinas at napanood ang isang show ng local band na papasikat na sa Pilipinas noon. That’s how he found Adam.” “It’s not really a big deal,” ani Adam. Dahil sa sinabi nito ay may sumingit na alaala sa kanyang isip. Pilit niyang pinigil ang kanyang sarili. Remembering her first kiss would mean remembering the first time she had met her first love, too. Malabo na ang alaala ng lalaking nagnakaw ng kanyang unang halik. Hindi na niya maalala ang pangalan nito. Nang magtanghalian ay masayang nagkuwentuhan sina Adam at Hunter. Halos hindi na kumain ang bata dahil napakarami nitong tanong. They bumped fists. They were fast becoming best friends. Panaka-nakang ginugulo ni Adam ang buhok ni Hunter. “Kumain ka muna, Hunter,” aniya habang iniuumang sa bibig nito ang isang kutsara na puno ng pagkain. “You’ll have plenty of time to talk later.” Pagkatapos nitong maisubo ang pagkain ay muli nitong binalingan si Adam. A new string of questions began. Nang mapatingin siya kay Adam ay natagpuan niyang nakatingin din ito sa kanya. His smile was gentle and soft. “THIS will be your room,” ani Glanys kay Adler habang binubuksan ang isang pinto. Pumasok sila sa loob ng silid na pinili niya para dito. Nakasunod din sa kanila si Adam. Pagkatapos niya roon ay dadalhin niya si Adam sa kabilang silid na ookupahin naman nito. “Wow, thanks,” ani Adler sa kanya habang papasok. Inilibot nito ang paningin sa paligid. “It’s a huge room.” “Nagustuhan mo ba? Sana ay maging komportable ka rito. If it doesn’t suit your taste, just tell me.” She had given the brown room to Adler. The dominant color in the room, obviously, was brown. Masculine na masculine ang lahat ng kagamitan at disenyo sa silid.  “Doesn’t suit my taste?” natatawang sabi ni Adler. “You’re kidding me. I love this room. I’ll be very comfortable. Thank you.” Then he smiled gently. Hindi kagaya ng kapatid nito, wala itong dimples, ngunit charming pa rin ito kapag ngumingiti. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang inaasahan niyang maramdaman. She was hoping maybe they could have a magical moment or something like that. Tila nais niyang pilitin ang kanyang puso na tumibok nang mabilis. Hindi nito iniiwas ang tingin sa kanya. Hindi niya mabasa ang nasa mga mata nito. Hindi niya alam kung ginagawa rin nito ang ginagawa niya. Isang tikhim ang pumutol ng pagtititigan nila. Halos nakalimutan na niya na kasama nga pala nila si Adam. Nais niyang mapangiti nang mapait. Hindi siya makakaramdam ng magical moment dahil hindi na siya naniniwala sa mga ganoon. Masyado na siyang na-trauma sa pag-ibig kaya walang makakasisi sa kanya. Kaya nga siya pumayag sa ganoong setup dahil ayaw na niyang maranasan uli ang lahat ng sakit at paghihirap na pinagdaanan niya. Hindi na niya nais na umibig muli. Hindi na siya ang babaeng mahilig sa fairy tales at happy ever after. There was no such thing. Love was and always painful. Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang mga sugat na nilikha ng pag-ibig sa kanya. Kahit na ngumingiti at masigla siya, sa kaibuturan niya ay alam niyang hindi siya lubos na masaya. Hindi na yata niya mararamdaman ang lubos na kaligayahan. She was never the same again since waking up in the hospital without her beloved. Habang-buhay siyang nagluluksa. “I can’t wait to see my room,” ani Adam sa masiglang tinig. “This room is big enough, we can just share,” ani Adler. “No. Naihanda ko na ang kabilang silid para kay Adam.” Bumaling siya kay Adam. “Let’s get you settled.” Naglakad siya palabas ng silid. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. Binuksan niya ang katabing silid. “Here we are,” aniya, saka niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan. Gumilid siya sa hamba upang makadaan ito. Pumasok ito at inilibot ang paningin sa loob ng silid. “Nice,” anito. “Kapareho ng silid ni Adler maliban sa kulay.” She had gavin him the black room. Kapareho nga iyon ng silid ni Adler maliban na lang sa itim naman ang dominanteng kulay roon. Nilapitan nito ang kama na may upholstered leather base. A wooden wall with niches carved into it served as the headboard. The niches were filled with books and action figures. “May isa pang silid na katulad nito. The dominant color is white. Silid ng triplets ang brown, black, and white room. If you prefer the white room—” “No, black is good. I love black.” Umupo ito sa isang tufted chair na malapit lang sa kama. Sa hindi kalayuan nito ay may table at sa itaas niyon ay bookshelves na puno ng mga libro. “Okay,” aniya. “Kung wala ka nang kailangan ay—” “Bakit ka pumayag sa gusto ng lolo mo?” putol nito sa nais pa niyang sabihin. “What?” tanong niya kahit alam na niya ang ibig nitong sabihin. Kailangan niya ng panahon upang maiproseso ng utak niya ang magiging sagot niya. “You know what I mean,” anito habang seryosong nakatingin sa kanya. Base sa ekspresyon nito, alam niyang hindi ito basta-basta tatanggap ng rason. Tila inaarok ng magaganda nitong mga mata ang iniisip niya. She felt like he was trying to look right through her. Kibit-balikat ang naging tugon niya. Marami siyang naiisip na sabihin dito. Maaari siyang mag-imbento ng mga salita, ng mga kuwento, ngunit ayaw niyang gawin. Tila may nagsasabi sa kanya na malalaman din naman nito kung nagsisinungaling siya o hindi. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Nailang siya sa ginawa nito. It was his eyes. Hindi niya alam kung ano ang mayroon doon na nagpaparamdam sa kanya ng labis na pagkailang. She didn’t like the uncomfortable feeling at all. Kung tutuusin ay pareho ng mga mata ang magkapatid, ngunit walang epekto sa kanya ang mga mata ni Adler. “You’re so lovely. Probably one of the most beautiful faces in the whole world. You have this very interesting face that I like so much. Habang tumatagal ay lalo kang gumaganda sa paningin ko. Alam kong alam mo na ang mga `yan. Nagtataka lang ako kung bakit ka pumayag sa ganitong uri ng engagement. Hindi ka naman siguro mauubusan ng lalaki. I know my brother is gorgeous, but I’m sure men line up for you. Hindi ako maniniwala kung sasabihin mong wala kang manliligaw o hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Masyado ka bang masunurin sa lolo mo?” “Yes,” tanging itinugon niya. Wala siyang balak na palawigin pa iyon. Bahala na ito kung ano ang iisipin nito sa kanya. Hindi nawawala sa isip niya na kung magiging maganda ang resulta ng anumang sinusubukan nilang gawin ngayon ni Adler ay magiging bahagi ng buhay niya ang lalaking ito. Saka na marahil siya magiging friendly masyado rito. Hindi pa siya komportableng sagutin ang mga tanong nito tungkol sa pagpayag niya. Bahagya rin siyang nailang sa mga papuring narinig niya mula rito. Madalas niyang marinig ang mga papuri sa mga tao na nakapaligid sa kanya. Siya raw ang itinuturing na prinsesa ng Villa Cattleya, ayon sa mga tao sa Mahiwaga. Hindi lang dahil ang lola niya ang itinuturing na reyna. Ayon sa matatanda, kasingganda niya ang mga diwata sa bundok. Hindi siya gaanong naaapektuhan. Hindi niya gaanong isinasaisip iyon.  Ano ang kaibahan ngayon ni Adam sa iba? Tama naman ito, alam niya ang ganda ng pisikal niyang anyo. Bakit siya naiilang? Unti-unting sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi nito. Nakita niya nang malinaw ang kaaliwan sa mga mata nito. “Okay.” Dapat ay magpaalam na siya upang makapagpahinga na ito. Dapat ay lumabas na siya ng silid. Ngunit tila may pumipigil sa kanya. Nais niyang manatili. May nais din siyang malaman tungkol sa kapatid nito. Alam niya na dapat ay si Adler ang tinatanong niya tungkol doon, ngunit malakas ang pakiramdam niya na katulad niya ito na hesitant pa sa ngayon. “Bakit pumayag si Adler?” nag-aalangang tanong niya. “He’s gorgeous and I’m sure women have been throwing themselves at him.” Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito. Nagkibit-balikat ito. “Naakit siya sa kagandahan mo?” She rolled her eyes. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Wala siyang nabasa kahit kaunting paghanga sa mga mata ni Adler habang nakatingin ito sa kanya. He was polite and friendly, that was all. “Iiwan na kita para makapagpahinga ka,” aniya at tinungo na niya ang pinto. “If you need anything, just tell me. I hope you enjoy your stay,” she politely said. Isasara na sana niya ang pinto nang magsalita uli ito. “My brother will not marry you,” anito. Nagtatakang nilingon niya ito. May nabasa siyang pangako sa mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na itugon kaya itinuloy na lang niya ang pagsasara ng pinto. Habang naglalakad siya palayo sa silid nito ay iniisip niya ang ibig sabihin ng sinabi nito sa kanya. Kung gayon ay hindi rin sang-ayon si Adam sa nais na mangyari ng lolo niya at stepfather nito. Kalokohan nga yatang talaga ang lahat. Hindi yata tamang pilitin niya ang kanyang sarili. Sa kaibuturan ba ng puso niya ay umaasa siya na magiging maayos ang lahat sa pagitan nila ni Adler? Tunay ba ang pag-asa na iyon o sadyang pinipilit lang niya? Marahas siyang napabuntong-hininga. Matagal nang namatay ang pag-asa sa puso niya. Matagal na siyang hindi naniniwala sa pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD