1

2251 Words
“MOMMY! Daddy!” masayang bati ni Glanys sa mga magulang niya. Kapapasok lang niya sa magarang mansiyon na kinalakhan niya. Sinalubong agad siya ng yakap ng kanyang ina. Mahigpit na yakap ang naging ganti niya rito. Ilang linggo na mula nang huling makita niya ang mga magulang niya. Ayon sa kanyang ina ay masyadong abala ang kanyang ama sa ilang negosyo ng pamilya kaya hindi nakakabisita ang mga ito sa kanya sa Villa Cattleya.  “I’m glad you’re home, honey,” anang kanyang ina bago hinagkan ang magkabilang pisngi niya. “I’m glad, too, Mommy,” tugon niya habang papalapit sa kanyang ama. Nag-atubili pa siya bago yumakap at humalik dito. Medyo seryoso ang ekspresyon nito. It looked like he hadn’t missed her that much. Hindi na niya pinagtatakhan iyon. Mula pa pagkabata ay hindi na sila malapit ng kanyang ama. Mas malapit ito sa kuya niya. Hindi rin naman kasi ito malambing na tao. Pormal ito sa lahat hindi lang sa kanya. Kahit ang kanyang kuya ay mas boss ang turing dito kaysa sa ama. They grew up seeing how busy and devoted he was to the family’s business. Noong bata pa siya, naiinggit siya sa mga pinsan niya sa ina dahil kahit na abala ang mga ama ng mga ito ay may sapat na oras pa rin ang mga tiyo niya para sa mga ito. Nang maglaon ay tinanggap na lang nilang magkapatid na iba-iba talaga ang mga tao. One couldn’t have it all. At least they had the greatest mother in the whole world. “Kumusta na po kayo?” tanong niya sa mga ito kapagkuwan. “We’re fine, honey,” tugon ng kanyang ina. “Ikaw ang kumusta na? Hindi ka namin nadadalaw ng daddy mo dahil abala sila ng Kuya Phillip mo. Nagkaroon ng problema ang kompanya.” Nag-aalalang napatingin siya sa kanyang ama. “Is everything okay now?” Tumango ito. “Yes. Bagsak ang ekonomiya kaya inaasahan ko na ito,” pormal na tugon nito. “I’m glad to hear that.” Their family owned a huge electronics company. It was a big part of the Tiamson business empire. Paulito Tiamson—her father—was Aurelio Tiamson’s eldest son. Her grandfather was a formidable business tycoon. She had always been afraid of him. Kahit na noong bata siya ay hindi siya malapit sa lolo niya sa ama. Kung estrikto ang kanyang ama, mas estrikto ang lolo niya. Ang bawat salita nito ay batas para sa mga taong nakapaligid dito. “Mabuti at naisip mong lumuwas,” wika ng kanyang ama. “I was really about to call you and ask you to come home.” Nagtaka siya sa narinig mula rito. Nang malaman niyang hindi siya madadalaw ng mga magulang niya sa villa nitong weekend ay nagdesisyon siyang lumuwas upang siya naman ang makadalaw sa mga ito. Mula nang sa villa na siya manirahan kasama si Lola Ancia ay napakadalang na niyang lumuwas. Hindi rin siya nagtatagal sa lungsod. Isang linggo na ang karaniwang pinakamatagal niyang pananatili roon. Hindi na siya sanay sa lungsod. Kung hindi lang siya nangungulila sa pamilya niya ay hindi siya luluwas. Si Lola Ancia pa nga niya ang unang nagsuhestiyon na siya na ang lumuwas. Karaniwan na kasing nagbabakasyon ang mga magulang niya sa Mahiwaga. Tuwing stressed na ang kuya niya sa trabaho at sa lungsod ay nagpapalipas ito ng weekend sa probinsiya. Hindi niya akalain na kakailanganin siya ng kanyang ama. He hardly needed her. She had severely disappointed him in the past. Lumipas na ang galit nito sa mga nagdaang taon, ngunit alam niyang hindi pa rin ito nakakalimot. Hindi ito kailanman makakalimot—katulad niya. Ni hindi niya masabi kung napatawad na siya nito sa lahat ng kahihiyang idinulot niya rito at sa buong pamilya niya. Hindi siya makaramdam ng hinanakit kung hindi pa rin siya napapatawad ng kanyang ama hanggang sa ngayon. Siya man ay nahihirapang patawarin ang kanyang sarili.  “I need to talk to you about something important,” pagpapatuloy ng kanyang ama. “Maaari bang mamaya na lang natin pag-usapan ang bagay na ito?” pakiusap ng kanyang ina sa kanyang ama. Pati ang mga mata nito ay nakikiusap. “Pagpahingahin mo muna ang anak mo. Mahaba rin ang naging biyahe niya.” Tuluyan na siyang naguluhan. May kakaiba sa tono ng kanyang ina. May kakaibang pakiramdam din na unti-unting gumagapang sa pagkatao niya. May palagay siya na hindi niya magugustuhan ang anumang sasabihin sa kanya ng kanyang ama. Ang isang bahagi ng isip niya ay abala sa pag-iisip kung ano ang maaaring kailangan nito sa kanya. It sounded important. “Your grandfather wants to talk to you,” pormal na sabi ng kanyang ama na tila hindi nito narinig ang sinabi ng kanyang ina. Natulala siya. Was her father serious? Aurelio Tiamson, her scary grandfather, wanted to talk to her? After all these years? “Paul!” saway ng kanyang ina. Nawala ang kasiglahan sa anyo nito. Napuno ng pag-aalala ang mukha nito. “Telling her now or telling her later when she’s well-rested won’t make a difference, Nene,” anito sa kanyang ina. “Your grandfather wants to talk to you again. He wants you to do something for him. Ipapasundo ka na talaga niya sa Mahiwaga kung hindi ka dumating ngayon,” sabi nito sa kanya. Malakas ang kabog ng dibdib niya kaya nahirapan siyang huminga. Hindi pa niya nakakalimutan ang huling pagkakataon na nagkaharap sila ng kanyang lolo. “Hindi ko akalain na ikaw, Glanys, ang magbibigay sa `kin ng ganitong uri ng kahihiyan. You are the biggest disappointment of this family. Ikinakahiya kitang maging apo!” Malinaw pa rin niyang naririnig ang mga salitang iyon. She had cried so hard back then. Pakiramdam niya noon ay wala nang katapusan ang parusa sa kanya, ang pighati niya. She had lost so much. She had already suffered. And yet, her grandfather thought she hadn’t had enough. Ang pinakamasaklap, hindi niya magawang magalit sa lolo niya. She was too suffused with shame, love, and pain of loss to feel anger towards her family. They had every right to be angry anyway. Ang sabi ng kuya niya noon, dala lang ng galit kaya nasabi iyon ng lolo nila. Ang sabi nito ay huhupa rin ang galit ng matanda. Maiintindihan siya nito kagaya ng pag-intindi ng kapatid niya sa kanya. Darating din daw ang araw na mapapatawad siya ng lahat. Ngunit mali ang kanyang kapatid. Halos pitong taon na ang lumipas at ngayon lang siya nais na kausapin ng abuelo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos na nararamdaman ang pagpapatawad ng iba. Kahit maraming taon na ang lumipas, tila kakaunti pa lang ang nagbabago. Tila bahagya pa lang naghihilom ang mga sugat ng nakaraan.  Ano ang dapat niyang asahan sa muli nilang pag-uusap ng Lolo Aurelio niya? Would it be pleasant? Galit pa rin ba ito sa kanya? Alam niyang malalaman niya ang mga sagot sa lalong madaling panahon. “ADAM!” “Adam, I love you!” “Over here, Adam!” Hindi nabura ang ngiti sa mga labi ni Adam habang kinakawayan ang nagkakagulong fans na nadadaanan niya. He blew them kisses now and then. Lalong nagtitili ang ilang mga babae. Bahagya siyang nasisilaw sa flashes mula sa camera. Napapaligiran siya ng security ngunit may ilang fans na sinusubukang makalapit sa kanya.  Hindi niya akalain na ganoon ang madaratnan niya sa airport. Hindi naman sekreto ang kanyang pagdating, ngunit hindi niya inasahan na ganoon karaming tao ang dadagsa upang salubungin ang pag-uwi niya. Karaniwan nang ganoon ang eksena tuwing umuuwi siya sa bansa, ngunit palaging kasama niya ang kabanda niya at may malaking show o concert silang nakatakdang maganap. Mag-isa lang siya ngayon. He was home for a vacation. Hindi siya tatanggap ng kahit na anong project. Hindi siya gagawa ng kahit na anong shows habang nakabakasyon siya. Kahit na guesting ay hindi siya tumanggap. Nais niyang makapagpahinga nang husto bago mag-umpisa ang Asian tour ng banda niya. Sa Pilipinas ang kickoff niyon. That would happen two months from now. Iyon na marahil ang pinakamahabang bakasyon niya mula nang mag-umpisa ang international career niya. Madalang siyang makauwi sa Pilipinas dahil abala siya sa tours at shows abroad. Halos nalibot na niya ang buong mundo, ngunit wala pa ring katulad ang Pilipinas.  He had missed his family very much. Sana lang ay magkaroon siya ng privacy at tahimik na bakasyon. Nais niyang magkaroon ng normal na buhay kagaya ng dati kahit na sandali lang. Alam niyang mahirap iyong makamit dahil sa kasikatan ng buong banda niya, ngunit patuloy pa rin siyang umaasa. Pagsakay niya sa isang van ay hindi siya mapakali sa excitement. Hindi na siya nagpasundo sa pamilya niya dahil nag-alala siya na maraming mga reporter at fan na sasalubong sa kanya. Hindi man niya inasahan na ganoon karami ang darating,  tama ang naging desisyon niya. His family guarded their privacy. Hindi sanay na nakukunan ng larawan ang mga ito. Kahit na matagal na siya sa propesyon na iyon ay hindi pa rin sanay ang mga ito.  Lalong lumapad at tumamis ang ngiti niya nang marating niya ang mansiyon na naging tahanan na niya mula pa noong binatilyo siya. Halos lundagin niya ang pagbaba ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang front door. Nakatayo lang siya roon at tila hinihintay niyang kusang bumukas ang double doors. Nai-imagine niya ang paglabas ng isang magandang babae mula roon. She would be wearing her sweetest smile. Her eyes would be full of happiness. She would be very happy to see him home. He was certain she would run and launch herself at him. He would twirl her around as he laughed. Unti-unting nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Bumukas ang pinto ngunit hindi ang inaasahan niya ang lumabas mula roon upang salubungin siya.  “Welcome home, bro!” masiglang bati sa kanya ni Adler.  Ngumiti siya nang pilit. “It’s nice to see you again, Adler.” Isang taon lang ang tanda nito sa kanya at madalang niya itong tawaging “Kuya.” Hindi niya ipinahalata sa kapatid niya na bahagyang nabawasan ang kaligayahang nararamdaman niya. He would never see her again. Hindi na siya nito muling sasalubungin kagaya ng palagi nitong ginagawa tuwing uuwi siya ng bansa. Hindi na niya makikita uli ang magandang ngiti nito. Tanging sa alaala na lang niya makikita ang makinang at puno ng buhay na mga mata nito. She would never emerge from that door again. Maryse was gone—for good. Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa nagmamaliw ang pangungulila niya rito. Buhay na buhay pa rin sa puso niya ang mga alaala nito. Habang-buhay na itong mananatili sa puso niya. Halos hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang kapatid niya. “You look good,” anito nang akbayan siya. Hindi niya maiwasan ang mapabuntong-hininga. “I miss her. Siya ang madalas na sumasalubong sa `kin tuwing umuuwi ako.” Hindi rin niya napigilan ang kanyang sarili sa pagsasabi niyon. Bumalatay ang matinding lungkot sa mukha ng kapatid niya. “I miss her every minute of everyday.” Humugot ito ng malalim na hininga. Pilit nitong pinasigla ang anyo at tinig nito. “Let’s go in. Mama’s excited to see you.” Magkaakbay na pumasok sila sa loob ng mansiyon. “So, what’s up with you?” kaswal na tanong niya kahit na alam na niya ang isasagot nito sa kanya. “Same old, same old,” was his standard reply to that question. Alam niyang mahirap para sa kapatid niya na umakto na okay lang ito ngunit ang totoo ay hindi. “Great! I’m getting married.” Napahinto siya sa paglalakad. Sigurado siyang nagkamali lang siya ng dinig sa sinabi nito.  “A-ano uli?” naninigurong tanong niya. Tinitigan siya nito sa kanyang mga mata. “I’m getting married.” Kulang ang sabihing nagimbal siya nang makum-pirmang hindi siya pinaglalaruan ng pandinig niya. Natulala siya rito. Tila may pinasabog na bomba ang kapatid niya sa mismong ulo niya. Hindi niya mapaniwalaan na magagawa nito ang bagay na iyon kay Maryse. It had only been two years! Hindi naman niya inaasahan na habang-buhay na lang nitong ilulugmok ang sarili nito dahil sa pagkawala ni Maryse. Ngunit hindi rin naman niya inaasahan na makakahanap kaagad ito ng kapalit ni Maryse. Hindi niya alam kung ilang taon ang nais niyang lumipas bago ito makatagpo ng panibagong pag-ibig, ngunit masyadong maaga ang dalawang taon! “You are so not!” mariing sabi niya. Tinitigan nito ang mukha niya. Mayamaya ay bigla itong natawa nang malakas. “I got you there.” Relief flooded over him and left him weak. He had only been kidding. Of course! Hindi magagawa ni Adler ang bagay na iyon kay Maryse. Binatukan niya ito. “Hindi magandang biro, bro. It’s not funny at all. You got me all nervous, and scared, and jealous for Maryse.” How could there be someone out there who can replace her in Adler’s heart? In his heart? Kahit paano ay natuwa rin siyang makita na kaya nang magbiro ni Adler. Tila hindi na ito gaanong nalulungkot. “Jokes are half-meant, bro,” anito sa makahulugang tinig. Marahas niyang itinulak ang dibdib nito. “Hindi mo na ako maloloko,” natatawang sabi niya. “Mama! I’m home!” masiglang sigaw niya habang nagtatatakbo papasok sa loob ng bahay. Ayaw muna niyang pakaisipin ang sinabi ng kapatid niya. Kauuwi lang niya at kailangan niyang i-enjoy ang bawat minuto ng pananatili niya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD