Chapter 8: Jealous

503 Words
Chapter 8: Jealous Nandito ako ngayon sa kotse ni Benj. Ngayon na ang start ng plan namin, sana talaga mag work. "We're here." Anunsiyo ni Benj. Kinakabahan ako shet. "Let's go." Kahit kabado push na 'to. Paglabas namin ng kotse ay samin ang tingin ng lahat. Benj intertwined our hands, kaya tinignan ko siya. Tinignan din niya ko at ngumiti bago bumulong. "Sumabay ka na lang." Sabi niya at tingin ulit sa unahan. Nagumpisa na kaming maglakad at chin up pa rin ako kahit gusto ko ng yumuko. Kinagat ko ang labi ko at nakitang malapit na kami sa room. Wala na talagang atrasan. Nang matapat kami sa room lahat nakatingin samin, pati si Jacob na masama ang tingin sa kamay namin. Kinabahan ako sa tingin niya. "I'll pick you up later okay?" May ngiting matamis sa labi ni Benj ng sabihin niya yun. "Okay. Drive safely." I said at ngumiti din sa kaniya. "Okay. Punta ka na sa upuan mo." Sabi niya at hinalikan noo ko. Nagtilian naman mga babae sa room. Ngumiti ako at tumalikod na sa kaniya at dumiretso sa upuan ko, pero bago makaupo ay tinignan ko sa gilid ng mga mata ko si Jacob, parang may dumaang emosyon sa mata niya. Selos? Sana tama ang nakita ko. Umupo ako at tinignan si Benj at kumaway. Kumaway din siya at umalis na. "Loka, anong meron sa inyo? Ikaw ah, di ka nagsasabi." May himig na pagtatampo sa boses ni Iya. "Kaya nga. Kwento ka naman." Intriga ni Tine. "Mamaya." Sabi ko at nag focus sa unahan dahil dumating na first subject namin. ——————— Recess na at naka bili na rin kami ng pagkain. Tss, badtrip lang kasama ni Jacob yung Renée. Magsama sila. "So kwento na." Sabi ni Tine. Kaya kwinento ko mula sa umpisa hanggang sa plano namin ni Benj. "Okay na kayo?" Tanong ko tumango naman sila kaya kumain na ko. Rinig ko ang tawanan sa kabilang table which is table nila Jacob. Tss, oo na selos na ko. Bwiset. "Una na ko." Maikling sabi ko at umalis sa upuan namin, tinawag ako nina Tine at Iya pero hindi ko pinansin. Sakto may tumawag sakin. Si Benj, napangiti naman ako agad. "Hello, Benj?" Sagot ko ng nakangiti sa tawag, sa mismong tapat ng table nila Joshua pero nilagpasan ko lang yun at medyo natahimik ang lugar nila. Don't care. "How's your day?" Tanong ni Benj. "Okay naman." Nakangiti kong sagot. "Turn around." Nagtaka naman ako kaya tumingin ako sa likod. Natawa ako at pinatay ang tawag. "Nag effort ka pang tumawag ah?" Sabi ko. "Wala lang. Tara." Nagtaka naman ako. "Saan?" Taka kong tanong. "Date. Namiss kita eh." Sabi niya at tumawa. "Tara." Sabi ko at sumabay na sa kaniya. Pero may nakita akong isang tao na nagtatago sa isang puno malapit samin. Nakita ko ang selos at sakit? O imahinasyon ko lang. Ang hirap umasa. Hindi pa kami nag-uusap mula kahapon. Umalis na kami at pumunta sa favorite place namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD