Tahimik ang umagang ‘yon sa bahay, na parang may kakaiba. Si Mommy, na kadalasan wala namang pakialam kahit alas-dose na ako umuuwi, biglang naging sobrang protective.
“Mag-ingat ka, anak. Mamaya, ipapasundo na lang kita,” sabi niya, at may lambing sa boses niya na hindi ko sanay marinig.
Napahinto ako, isang paa nasa loob pa ng sapatos. Mommy? Papasundo? Aba, dati nga, kahit maglakad ako pauwi sa dilim, deadma lang siya. May kutob akong may nagbubulong sa kanya ng kung ano.
Pero wala nang oras para mag-overthink. Late na ako. “Sige po, Mommy. Bye!”
Paglabas ko ng bahay, pakiramdam ko medyo gumaan ang hangin. Pero ‘yung tanong kung bakit bigla siyang ganun — nanatili sa utak ko.
Pagdating sa school, andun na sina Lora at Daphne, pero halata sa aura nila na parang may namatay. Wala ‘yung usual nilang kakulitan.
“Good morning!” Masigla kong bati, kahit ramdam kong off ang vibe.
Isang pilit na ngiti lang ang sagot ni Daphne, bago siya huminga nang malalim — at bigla na lang bumaha ng luha.
“Bhem! Nakipag-break si Gab! Wala na akong silbi sa mundo!” hikbi niya na parang bida sa soap opera.
Pinipigilan ko sanang matawa, pero may lumusot na ngisi. “Besh, lalaki lang ‘yan. At kung tama ang pagkakaalala ko, ikaw ang unang nagtaksil. Hello, karma?”
“Grabe ka!” lalong humagulgol si Daphne, mukha nang panda sa smudged makeup niya.
Si Lora, umiling-iling lang, halatang sawa na sa drama. “Mag-library ka na lang kaya, Bhem. Para di mo na makita ‘tong eksena dito.”
Hindi masamang suggestion. Mas okay pa magbasa mag-isa kesa maging instant guidance counselor. “Sige, good idea. Enjoy niyo ‘yan.”
Tahimik sa library — tamang sanctuary para sa kalmadong morning. Amoy papel at marahang yabag sa sahig. Perfect. O akala ko lang.
Nagbabrowse ako sa shelves nang may librong nakuha ang atensyon ko. Nasa mataas na shelf, kaya napilitan akong umakyat sa maliit na hagdan.
Paabot na sana ako, nang may biglang sumungkit sa libro.
Nagulat ako, nadulas ang paa ko, at bago ko pa ma-process ang nangyari — bumagsak ako paatras.
Pero imbes na matigas na sahig, may sumalo sa akin.
Mainit. Matigas. Braso.
Pagdilat ko, ang unang mukha kong nakita — si Jack Lee. Ang buhay kong malas. May pa-ngiti pang nakakaloko.
“Miss Beautiful, okay ka lang?” may pang-aasar sa boses niya, pero may bahagyang pag-aalala rin sa mata.
“Kita mo bang okay ako?” irap ko.
Tumawa siya nang mahina, parang hangin lang. “Grabe naman. Tinulungan ka na nga, galit pa.”
Umangat ako mula sa dibdib niya, pilit tumayo. “Ikaw kasi! Kung di mo inunahan ‘yung libro, edi sana di ako nadisgrasya.”
“Kalma lang, Miss Beautiful.” Tinaas niya ang libro sa taas ng ulo ko. “Akin na ‘to.”
Naningkit ang mata ko. “Ako ang nauna.”
“Ako ang unang nakakuha.” Naka-ngisi pa rin ang gago.
“Alam mo, Jack, hilig mo talagang mang-asar.”
“Sa’yo lang.” Lumapit siya ng konti. “Siguro nga… tadhana na ‘to.”
Pumulupot ang mata ko sa sobrang pag-roll. “Tadhana ng mukha mo.”
Nagkapisikalan kami sa libro — hawak niya, hawak ko rin. Hanggang sa sabay kaming nawalan ng balance.
Diretso sa sahig. At si Jack Lee? Bumagsak mismo sa ibabaw ko.
Ramdam ko ang init ng katawan niya sa damit ko. Ilang pulgada lang ang pagitan ng mukha namin. Sa unang pagkakataon, napansin ko ang maliit na peklat sa kilay niya, ang bagsak ng buhok niya sa mata, at ang amoy niya — mint na may halong hindi ko maipaliwanag na amoy-lalaking nakakabighani.
Humihinga siya sa pisngi ko. Dapat itinulak ko na agad, pero isang segundo akong natulala.
Tapos, biglang bumalik sa utak ko kung sino siya.
“Umalis ka sa ibabaw ko!” singhal ko, sabay tulak sa balikat niya.
Ngumisi siya, parang enjoy na enjoy sa reaksyon ko. “Ang cute mo pag naiinis.”
“Gusto mo isigaw ko na harrasment ‘to?”
Doon lang siya umatras, nagpagpag ng uniform na parang walang nangyari. Pero ang libro? Hawak pa rin niya.
“Akin na ‘to.” Nag-wink pa ang gago.
“Hayop ka.”
“At least, naiisip mo pa rin ako.” At ayun na siya — paalis na, iniwan akong nagngingitngit at… bahagyang nanginginig.
Kinabukasan, akala ko tahimik na. Pero pagpasok ko pa lang sa classroom, ramdam ko na agad ang tingin niya.
Nandun na si Jack Lee, naka-sandal, braso nakapulupot sa dibdib, at ‘yung paborito niyang ngisi nasa mukha na naman. Pilit kong di pinansin.
“Good morning, class!” masiglang bati ni Sir Bambi.
Sabay-sabay kaming nag-“Good morning,” pero halatang walang gana.
“Pupunta tayo sa library ngayon,” sabi ni Sir.
Sabay-sabay din ang reklamo ng buong klase.
“At,” dinugtungan niya, “kakampi niyo ang katabi niyo.”
Dahan-dahan akong lumingon. Ayun na nga — si Jack Lee, nakangisi.
“Swerte natin, partner,” bulong niya.
Siniko ako ni Lora sa tagiliran. “Bhem, bagay kayo! Grabe kilig ko!”
Sinimangutan ko siya. Wala akong oras sa kabaliwan nila. Kailangan kong maghanda sa isang oras na kasama ang pinaka-epal na nilalang sa buhay ko.
Lumapit si Jack, inilapag ang isang libro sa desk ko — yung librong pinag-awayan namin kahapon.
“Required reading natin,” bulong niya, mababa ang tono. “Gusto mo basahan pa kita, Miss Beautiful?”
“Tumahimik ka at magbasa ka na lang.”
Pero kahit kunwari focused ako sa page, ang utak ko — naguguluhan na naman.
Kasi kahit gaano ko siya kaiwasan, may kung anong humahatak sa akin pabalik sa kanya.
Kaya di matiis ni Bhem ang nararamdaman nyang yon kaya para maka pag labas ng nararamdaman ehh nag paalam siya sa teacher nila na pinaunlakan naman nito habang paalis siya sa kinauupoan ehh napa Tanong pa SI Jack sa kanya na ginantihan lang niya ng taray face niya .
Sa comfort room niya nilabas Ang sama ng loob sa kupal nayon , kinakausap ni Bhem ang Sarili niya habang nakaharap sa salamin , super dami niyang sinabi room Ang hindi niya alam ehh nasa loob pala ng cr Ang dalawa niyang OA na kaibigan na halos mawalan na ng hininga sa kakatawa sa mga pinagsasambit ni Bhem ,
Kaya lubos ang gulat niya ng lumingon siya para pumasok na rin sa Cr at makapag bawas na , ang haba ng mga ngiti ng dalawa na walang sinasabi habang naglakad palabas ng Cr , tatanongin pa sana ito ni Bhem kaso nakalabas na Ang mga ito .
Kaya grabi naman Ang mga thoughts niya sa sarili sa pagiisip na lahat ng sinabi niya ay narinig ng dalawa at baka makarating iyon sa kupal na yon .
to be continued.......