CHAPTER 19: CHRISTMAS PARTY

1055 Words
Sa bawat sulok ng university ay ramdam ang saya at excitement ng nalalapit na Christmas party. Ilang araw pa lang bago ang event, abala na ang lahat sa paghahanda — mula sa dekorasyon, pagkain, hanggang sa mga kasuotan. Para sa mga estudyante, ito ang pinakaabangang gabi ng taon. Isang gabi kung saan posibleng magbago ang lahat. Hindi mapakali si Bhem habang nakaharap sa salamin. Suot ang pulang off-shoulder dress na pinili nina Daphne at Lora, pakiramdam niya ay sobra itong revealing para sa panlasa niya. Haplit na hapit sa katawan, bawat kurba niya ay halatang-halata. Parang gusto na lang niyang magtago sa dorm. Pero sabi nga ng dalawang bruha niyang kaibigan, minsan lang ang ganitong pagkakataon — at kung may isang taong dapat matauhan ngayong gabi, si Jack ‘yon, ang kanyang Mr.Hater . Pagdating sa venue, halos mabingi si Bhem sa ingay at hiyawan ng mga estudyante. Christmas lights ang nagbigay liwanag sa buong hall, habang ang malaking Christmas tree sa gitna ay tila centerpiece ng isang fairy tale scene. Kumbinasyon ng saya, ingay, at kilig ang bumalot sa buong lugar. Sa isang sulok, agad niyang napansin si Jack. Suot ang dark green na polo, bahagyang nakatupi ang manggas kaya kita ang toned nitong braso. Natural lang ang hitsura, pero sapat para mapa-second look si Bhem. Nagtagpo ang tingin nila. Isang segundo lang sana, pero parang huminto ang oras. Mabilis na umiwas si Bhem at nagkibit-balikat, pero hindi niya napigilang mapangiti nang bahagya, palihim pa siyang kumagat sa daliri. Maya-maya, inanunsyo ng host ang unang game ng gabi — Blindfolded Guess the Partner. Magkakapareha ang lahat at kailangan nilang hanapin ang isa’t isa gamit lang ang pandama. Wala pang laro, pero nagdarasal na si Bhem na ‘wag siyang mapunta kay Jack. Pero tila sinwerte siya sa malas. “Unang pares — Jack at Bhem!” Sigawan at hiyawan ang bumalot sa paligid. Halos lahat ay tila sabik panoorin ang dalawang mortal na magkaaway na pinipilit itanggi ang kung anong namamagitan sa kanila. Piniringan ang mga mata at nagsimula ang laro. Palpak sa umpisa — may nasagi si Jack na ibang babae at may nasipa si Bhem na ibang lalaki. Pero sa huli, sila rin ang nagtagpo. “Alam ko ‘yan. Matigas na braso,” bulong ni Bhem habang nakahawak sa braso ni Jack. “Palibhasa sanay kang nananakit,” sagot naman nito. Tawanan ang lahat nang alisin ang blindfolds. Pero sa likod ng sagutan nila, hindi naitago ang ngiting pilit nilang nilulunod. Kasunod nito ay isa pang laro — Mistletoe Dare. Simpleng mechanics — may mistletoe sa gitna ng dance floor, at ang sinumang mapili ay kailangang manatili sa ilalim nito kasama ang kanilang napiling partner. Sa malas o swerte ni Bhem, si Jack na naman ang itinadhana sa tabi niya. “KISS! KISS! KISS!” sigaw ng mga estudyante. Hindi pa man nakakapag-react si Bhem, may biglang tumulak kay Jack papalapit sa kanya. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mga mukha. Malinaw niyang nakita ang pagkalito sa mga mata ni Jack — parehong emosyon na alam niyang nasa kanya rin. Parang saglit na tumigil ang paligid, tila silang dalawa lang ang naiwan sa buong hall. Pero bago pa may mangyari, sumingit si Daphne, sabay tawa. Ang moment ay nauwi sa tawanan. Pero sa kabila ng ingay at biruan, hindi mabura sa isip ni Bhem ang titig na ‘yon ni Jack — may kung anong hindi niya mabasa, o ayaw niyang basahin. Nang magsimula ang slow dance para sa mga couples, walang nagawa si Bhem nang itulak siya ni Lora palapit kay Jack. Walang imikan nang una, pero kinalaunan, siya na rin ang bumigay at sumunod sa pag-akay nito sa mabagal na tugtog. Hindi man nagsasalita, nagsasabi ang mga kamay ni Jack. Banayad ang hawak sa kanya, parang sinasabing, “Relax ka lang, hindi kita pababayaan.” At sa kakaibang sandaling iyon, naramdaman ni Bhem ang init ng kamay nito sa likod niya — mainit, pero hindi nakakailang. Nakakapanatag, sa kabila ng lahat. Walang pasaring, walang asaran, walang pang-aasar. Sila lang at ang tugtog ng Pasko. Bumulong si Jack. Mahina lang, halos hindi marinig. “Baka mahulog ka.” Napakagat-labi si Bhem. Kung alam lang nito, matagal na siyang nahuhulog — pilit lang niyang binabalewala. Pagkatapos ng sayaw, exchange gift naman ang sumunod. Tanggap-tanggap lang, tawa-tawa lang. Pero habang busy si Bhem sa pagbubukas ng gift mula kay Daphne, may isang maliit na kahon ang inabot sa kanya — galing kay Jack. “Para sa’yo,” simpleng sabi nito. Binuksan niya ang maliit na kahon. Isang silver charm bracelet, may maliit na book pendant. Simple, pero may kurot sa puso. “Para maalala mo kung gaano ako kakulit,” sabi ni Jack, hindi makatingin ng diretso. Napatigil si Bhem. Hindi niya alam kung anong isasagot. Pero sa loob-loob niya, may maliit na ngiting pilit niyang tinatago. Habang patapos ang gabi, unti-unti nang umuuwi ang iba. Pero sina Jack at Bhem, natira sa gilid, tahimik na nag-uusap tungkol sa kung ano-ano — walang direksyon, pero walang katapusan. Parang lahat ng awkwardness at ilangan ay nawala na. Parang sila lang ang tao sa buong hall. Hindi nila namalayang sina Daphne at Lora ay tahimik na lumayo, nagtatago sa likod ng Christmas tree. “Bes, mission accomplished na tayo,” bulong ni Daphne. “Tama ka. Pero parang sila, hindi pa nila gets,” sagot ni Lora. At sa dulo ng gabing puno ng sorpresa at kilig, may isang bagay na malinaw kay Bhem — hindi na lang simpleng inis o asar ang nararamdaman niya kay Jack. Hindi na lang basta selos, hindi na lang basta rivalry. At sa bawat ngiti at titig na palihim nilang pinapakita sa isa’t isa, may isang bagay na pareho nilang tinatago. Pero hanggang kailan? Di pa nila mabatid kong hanggang saan ang paglihim sa isat isa ?, hanggang saan ang pagiiwas ? Pero isa lang ang siguradong sigurado sila ang namamagitan sa kanila ay hindi na basta basta ,hindi na gaya noon ka simple may sipa na may impact na para sa kanila , naitatago man ng kanilang mga mukha ngunit hindi kanilang mga damdamin at kilos . Ang gabing ito ang naging daan upang mawala ang awkwardness na nararamdaman ng dalawa , halos dina nga nila napansin ang oras na lumilipas na pala. To be continued.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD