bc

Chasing A Prince Trilogy (COMPLETED; ENGLISH-TAGALOG)

book_age0+
16.4K
FOLLOW
93.4K
READ
possessive
opposites attract
second chance
friends to lovers
arrogant
manipulative
drama
comedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

You're The Puzzle Of My Heart

Unchain My Heart

Silent Commitment***

First crush, first love, at first heartbreak—iyon ang definition ni Jennifer kay Ryan Mercado. High school pa lamang siya nang unang beses siyang mahumaling dito. Silently proclaimed na sa klase nila ang damdamin niya para dito at tanging ito ang hindi nakakapansin sa bagay na iyon. Pero akala lang pala niya iyon. Dahil nang gabing plano na niyang magtapat dito ng damdamin niya ay inunahan na siya nito. Binasag na nito ang puso niya bago pa man siya nakapagtapat dito. May ibang babae na raw itong gusto, at nakikita lamang nito sa kanya ang babaeng iyon kaya siya nito nilalapitan. Nang bumalik si Jennifer sa Pilipinas mula sa pagtatrabaho niya sa Japan ay parang pinaglaruan uli siya ng tadhana. Nagkrus uli ang mga landas nila ni Ryan Mercado. Malawak ang Maynila, pero bakit doon pa ito nagpakalat-kalat malapit sa teritoryo niya? At ang higit na nakapagpapabagabag sa kanya, mula nang magkaharap sila ni Ryan ay hindi na siya nito tinantanan pa. Saan man siya pumunta ay palagi itong umaaligid sa kanya. Bumaligtad din ang mundo niya nang tanungin siya nito kung puwede pa ba siya nitong ligawan. Bakit kasi kung kailan may boyfriend na siya ay saka lamang nito naisip iyon?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
“JENNY, ikaw muna ang um-attend ng meeting para kay Paul.” Kabababa lamang ni Jennifer mula sa kanyang silid nang maulinigan niyang nagsalita ang kanyang Ate Janice. Pasalampak na umupo siya sa silya sa harap ng mesa at nagsimulang lantakan ang kanyang almusal. Wala na ang iba pa nilang kasama sa kanilang kaharian. Malamang na nagsialisan na ang mga iyon nang maaga para sa kanya-kanyang gawain para sa araw na iyon. Mula nang umuwi siya galing Japan ay wala na siyang ginawa kundi ang magpakalat-kalat na lang sa mga mall at makipagkita sa mga dating kaibigan. Kapag hindi naman busy ang boyfriend niya na si George Ryan, ito naman ang pinag-uukulan niya ng atensiyon. Malapit na kasi itong sumakay sa barko bilang chief engineer. Kaya sinusulit na nila ang mga sandaling puwede silang magkasama. Hindi magkapareho ang estado ng pamumuhay nila ni George at ayaw sa kanya ng mga magulang nito, dahil ano lang ba siya? Dati lang siyang receptionist sa isang hotel sa Japan na natipuhan ni George dahil sa kanyang angking kagandahan nang magbakasyon ito sa Japan. Hindi na siya nagpakipot pa noon, dahil hindi niya ugaling magpakipot kung gusto rin naman niya ang isang lalaki. At dahil minsan lang siyang may matipuhan—at nagkataong gusto rin siya nito—hindi na nagdalawang salita pa si George Ryan. Dalawang linggo lang ang pinadaan niya at boyfriend na niya ito. Ano ba ang malay niya na isa iyon sa mga bagay na ikadidismaya ng pamilya ng binata sa kanya. Gayunman ay itinuloy pa rin niya ang pakikipagrelasyon kay George hanggang sa hilingin nito sa kanyang umuwi na siya sa Pilipinas para maipakilala sa pamilya nito. Dahil gusto niyang baguhin ang pagkadisgusto sa kanya ng pamilya ng nobyo ay sinunod niya ito—kahit ang kapalit pa niyon ay wala na siyang trabahong babalikan sa Japan. Hindi na niya inisip ang magiging konsekwensiya ng gagawin niya, mapatunayan lang niya sa pamilya ni George kung ano ang kaya niyang iwan para sa nobyo. Pero sa halip na gumanda ang impresyon ng mga ito sa kanya, lalo pa iyong napasama. Inisip ng mga ito na kaya siya umalis sa trabaho ay dahil inaasahan na niyang ang kasintahan na ang bubuhay sa kanya. “Such a gold digger!” walang-habas na paratang ng mga ito sa kanya. Kung hindi lang siya sinuyo ng kasintahan ay talagang bibitiw na talaga siya sa relasyon nila. “Pagpasensiyahan mo na sila. Ang mahalaga, nagkakaunawaan tayo at alam mong mahal kita. Hindi naman sila ang pakikisamahan mo, kundi ako,” sabi sa kanya ni George. Pero hindi niya yata kakayanin na sa habang-panahon ay ganoon ang treatment ng mga ito sa kanya—kung sakaling maging mag-asawa na sila ni George. Sa kabilang banda, lagi niyang iniisip ang ginagawang pagpupursigi ni George maisalba lamang ang kanilang relasyon. Kaya naman kahit paano, nagkakaroon pa rin siya ng lakas ng loob para ipaglaban ang relasyon nila ng nobyo. “Bakit ako pa, Ate? May lakad ako ngayon,” reklamo niya rito. “Wala namang kuwenta `yang pupuntahan mo. Maglalakwatsa ka lang kasama ni Azi. Samantalang ako, kailangan sa flower shop ngayon dahil marami kaming orders na kailangang asikasuhin. Bakit ba kasi hindi ka pa maghanap ng trabaho mo nang hindi ganyang inaaksaya mo lang ang oras mo sa mga walang-kuwentang bagay?” sermon na naman nito sa kanya. Tama nga naman ito. Wala talagang kuwenta ang mga pinaggagagawa niya sa araw-araw. Pero hindi ibig sabihin niyon na kaya siya walang trabaho ay dahil tamad siya o hirap na matanggap sa trabaho. Sa katunayan, napakaraming trabaho ang puwede niyang pasukan dahil dalawang course ang natapos niya—Business Management at Tourism. Kaya lang, pinili niyang sundin ang nais ni George. Huwag na raw muna siyang mag-apply ng trabaho dahil gagawan nito ng paraan na magkasama sila sa pagsakay sa barko. Iyon nga lamang, baka abutin pa nang ilang buwan bago siya nito maisama. Mauuna muna itong umalis sa isang linggo, at tatlong buwan ang kontrata nito sa barko. “Alam mo naman na sinusunod ko lang ang gusto ni George. Gusto ko rin naman na magkasama kami sa trabaho,” pangangatwiran niya sa kapatid. “`Ayan na nga ba ang ayaw ko sa lalaking `yan. Hindi pa kayo mag-asawa, kinokontrol ka na. Paano mo pa mababago ang image mo sa pamilya niya, kung pati trabaho mo ay siya pa ang mag-aasikaso? Lalo mo lang pinatutunayan sa kanila na tama sila ng iniisip tungkol sa `yo.” “Gusto lang ni George na magkasama kami.” “Ewan ko sa `yo. Basta sinasabi ko na sa `yong disagree ako sa plano ninyong iyan. Mabuti pa, ikaw muna ang humawak ng flower shop natin sa Maynila.” “Ate, nandito tayo sa Rizal, `tapos itatapon mo `ko sa Manila? Paano na kami magkakasama ni George niyan? Nandito lang din ang tinutuluyan niya. Tatamarin na `yon na magbiyahe araw-araw.” Ang Villanueva Flowers and Souvenirs ay may ilang branch na rin sa kalakhang Maynila at ang buong pamilya niya ang nagma-manage niyon. Doon sila kumukuha ng ikinabubuhay nila. Sa simula’t sapul, iyon na ang kinamulatan nilang negosyo ng mga magulang nila. Iyon ang nagtaguyod sa kanilang apat na magkakapatid, kaya malaki ang malasakit ng buong pamilya sa negosyo nilang iyon. Ganoon din naman siya. Sa katunayan, ang kinita niya sa Japan ay idinagdag niya sa puhunan ng negosyo nila upang mas mapaunlad pa iyon. Sa kasamaang-palad, wala sa paghahalaman ang linya niya. Nasa paglipad sa kung saan-saang lugar ang nais niyang gawin sa buhay. In short, nais niyang maglagalag habang kumikita, kaya nga Tourism ang kursong kinuha niya. Sa kasamaang-palad, sa pagiging hotel receptionist ang kinabagsakan niya sa pagpunta sa Japan. Manloloko kasi ang recruiter na nakuha niya. Gayunman ay nagpapasalamat na rin siya dahil hindi napariwara ang kagandahan niya roon. Nang imungkahi sa kanya ni George na magtrabaho na lamang siya bilang manager sa isa sa mga restaurant sa barkong sasakyan nito—dahil may background din naman siya sa business management—ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Kahit anong trabaho, basta’t makakapaglagalag siya ay papatusin niya. Pero siyempre, kasama na rin doon ang isiping magkakasama sila ng kanyang nobyo. Minsan ay napapaisip din si Jennifer, ano ba talaga ang mayroon si George Ryan na nakapanghalina sa kanya kaya niya naisip na sagutin ito agad? Ang pagiging seaman ba nito na sa tuwina ay dahilan kung bakit nakakapagkuwento ito sa kanya tungkol sa mga lugar na napuntahan na nito? O ang pangalan nitong “Ryan”? Lahat yata ng lalaki na may kalakip na pangalang “Ryan” ay palaging may hatid na kakaibang pakiramdam sa kanya. Bakit? Iyon ay dahil sa nag-iisang lalaki na nakapagpadama sa kanya ng kakaibang damdamin—way back during her high school days—na hindi niya maramdaman kay George Ryan. Minsan, gusto pa rin niyang pagdudahan ang sarili kung ano ba ang estado ni George sa puso niya. Para kasing hirap ang kalooban niya na banggitin sa harap nito ang mga salitang “I love you.” Was it possible that her heart had already run out of love just because the only person she happened to love had thrown her heart away like a piece of trash? Nah, imposible! Mahal ko naman si George Ryan. And it wasn’t because his name reminded her of Ryan. At bakit ba naiisip ko na naman ang impaktong Ryan Mercado na `yon? I’m through with loving him! Matagal ko na siyang binura sa buhay ko. “Hindi ka niya mahal,” naulinigan niyang saad ng Ate Janice niya. “Alam ko!” paasik na tugon niya rito. “Alam mo?” naguguluhang tanong nito sa kanya. “Alam mo na hindi ka mahal ni George? Eh, bakit ka pa nagpapatuloy sa relasyon ninyo?” “Ha? Ano’ng sabi mo, Ate? I’m not talking about George, I’m talking about—” Bigla siyang napahinto. Kung saan-saan na pala naglakbay ang diwa niya. Hindi nga ba at si George ang topic of disccussion nila ni Ate Janice? Bakit ang tungkol sa hinayupak na si Ryan “Mambabasag ng Puso nang May Puso” Mercado ang nasa isip niya? “What I’m trying to say is, paano mo nasabing hindi ako mahal ni George?” bawi niya. Mataman siyang tinitigan nito na tila ba may nais pa itong sabihin pero sa huli ay hindi na rin nito itinuloy. Alam na niya kung ano ang iniisip nito. Marahil ay nahulaan na nito kung saan na naman naglamyerda ang magulong pag-iisip niya. Alam ng Ate Janice niya ang lahat-lahat tungkol sa kanya. They were the closest siblings in the family and they share almost everything. “Kung sinasabi mong tatamarin lang ang boyfriend mo na magbiyahe mula Rizal hanggang Maynila para magkasama kayo, aba, mag-isip ka na, dahil ibig sabihin lamang n’on ay hindi ka niya gano’n kamahal. Ang totoong nagmamahal, hindi kailanman mahahadlangan ng distansiya. Kahit nasaan ka pa, gagawa at gagawa dapat siya ng paraan para lang mapunta—” “Hep!” pigil niya sa tangka nitong paglilitanya sa kanya. “Nauunawaan ko na, Ate. Nauunawaan ko na. Na kahit ano’ng sabihin ko, hindi pa rin ako mananalo sa `yo. So, kailan mo ba ako balak ipatapon sa Maynila?” “Sa isang araw na. Mahirap naman kasi na ibang tao pa ang mamahala roon gayong wala ka namang importanteng pinagkakaabalahan sa buhay. Sa ngayon, um-attend ka na lang muna ng meeting sa school ng pamangkin mo. Malamang na tungkol lang iyon sa graduation ng mga bata,” utos pa nito. Kahit kailan talaga ay napakatamad ng ate niya na um-attend sa mga parents meeting sa school. “Okay. Anong oras?” tanong na lamang niya. “Ten AM.” “Ten AM?” Napatingin siya sa relong pambisig. “Nine-thirty na, ah.” “Kaya nga magmadali ka na riyan.” Naiiritang sinulyapan niya ito. Hindi man lang siya nito inabisuhan nang mas maaga. Ano ba ang akala nito sa kanya? Si Wonder Woman? Na sa isang pitik lang ng mga daliri ay magagawa na niya ang mga pinapagawa nito? Mabilis na niyang tinapos ang almusal at nag-ayos para pumunta sa school ng pamangkin. NAKATAYO si Jennifer sa labas ng classroom ng pamangkin niyang si Paul. Hinihintay na lamang nila na matapos ang pagbibigay ng instruction ng guro sa mga bata kung saan lang puwedeng maglaro ang mga ito habang nasa meeting silang mga guardian. At dahil sa kawalan ng magagawa ay pinagtuunan na lang muna niya ng pansin ang sahig na nalalatagan ng magandang uri ng floor tiles. Alam niyang hindi kayang tanggalin ng flat shoes niya ang tiles pero patuloy pa rin siya sa pagduldol ng kanyang paa roon. At nang hindi sinasadyang mapadulas ang pagduldol niya at eksakto pang may dadaan ay may natisod siya. “Naku, sorry, Miss. Pasensiya ka na.” Tinulungan niyang makatayo ang babaeng natisod niya. “Jennifer?” Napatutok ang tingin niya sa mukha ng babae. Napakaimposible na hindi niya ito makilala o ang kahit na sinong may kinalaman kay Ryan. Grr! Ryan na naman! Ang akala niya ay nakalimutan na niya ang pagsintang-pururot niya para sa lalaking iyon. Pero bakit ngayong nakatagpo lang siya ng isa sa mga taong may napakalaking kaugnayan dito ay hindi na agad niya maunawaan ang sarili? “Oh… Hi, Rachel. A-attend ka rin ng meeting?” tanong niya rito. Pilit niyang pinakaswal ang boses na para bang walang epekto sa kanya na makita uli ang dating kaibigan at pinaka-close na pinsan ni Ryan. “Oo. Dito ba nag-aaral ang anak mo?” tanong nito. Anak ko? Mukha na ba akong may anak? Mabilis niyang sinipat ang sarili sa one-way mirror na nagsisilbing pinto ng isang opisina na katabi ng classroom ng pamangkin niya. Narinig niya ang pagtawa ni Rachel. Napansin marahil nito ang inakto niya. “Maganda ka pa rin, girl. Huwag kang mag-alala. Hindi pa halatang may anak ka na. `Katunayan, mas gumanda ka nga ngayon kaysa noong—” “Hoy, Rachel. Talagang maganda ako at mukhang walang anak dahil wala naman talaga akong anak. Pamangkin ko ang ipinunta ko sa meeting na ito,” nakasimangot na putol niya sa sasabihin pa sana nito. “Binibiro ka lang, pikon ka naman agad. Pareho tayo, pamangkin ko rin ang ipinunta ko rito. Uy, kumusta ka na raw sabi ni Ryan,” dere-deretsong sabi nito. Bigla ay nawala sa tamang huwisyo ang puso niya tulad nang madalas mangyari kapag nakakarinig siya ng tungkol kay Ryan. Parang nagwawala iyon sa lakas ng kalabog sa loob ng dibdib niya. Pero mabilis din niyang naibalik sa tamang huwisyo ang isip niya nang mapansing kuntodo ang pagngiti ni Rachel. Noon niya naunawaan na ginu-good time lamang siya nito. Paano siya kukumustahin ni Ryan kung gayong aksidente lang ang pagkikita nila ni Rachel? “Excuse me? Wahna ako care sa pinsan mo, `no?” nakataas ang isang kilay na sabi niya rito. “Weh? Bakit ka nagpa-flash?” panunudyo pa sa kanya ni Rachel. “Mukha ba akong inidoro?” “Hindi naman. Ikaw lang naman `yong laman,” tumatawang sagot nito. Inambaan niya ito ng suntok, pero tumawa lang ito at tinampal siya sa braso. “Na-miss kita, friend. As in!” impit na tiling sambit nito. Natawa si Jennifer sa inakto ng kaibigan. Nailalabas lamang niya ang ganoong ugali sa mga malalapit lamang niyang kaibigan noon. At isa si Rachel sa mga iyon. Nawalan lamang sila ng communication dito noong magkolehiyo na sila. Lumipat na kasi siya ng university na pinasukan. Bagaman sina Rachel at Ryan, maging ang kaibigan pa nilang si Azinnett ay nanatili sa university kung saan sila nagtapos ng high school. Nagdesisyon siyang lumipat na ng school dahil sa hindi kanais-nais na pangyayari noong nasa high school sila. Gusto na talaga kasi niyang makalimot, lalo na at walang kamatayan ang panunudyo ni Rachel sa kanila ng pinsan nitong si Ryan. Hanggang sa lumalim nang lumalim ang damdamin niya para sa pinsan nito, na sa huli ay wala rin namang magandang naidulot. “Ako rin, bruha. Na-miss kita, akala mo ba?” nakangiting saad niya. “Ano ng balita sa `yo? May asawa ka na?” “Baka naman ang gusto mo talagang itanong ay kung ano na ang balita kay Ryan at kung may asawa na siya?” nakangiting hirit pa nito tungkol kay Ryan. “Hay naku! Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng ito. Tigilan mo na nga ako. Matagal ko nang nakalimutan ang pinsan mong `yan. `Saka may boyfriend na ako.” “Ay, sayang naman,” palatak nito, kapagkuwan ay tiningnan siya nang mataman. “O? Para saan naman `yang tingin na `yan?” nakataas ang isang kilay na tanong niya rito. “Sigurado ka ba? Baka bumalik ang pagsintang-pururot mo sa pinsan ko kapag nakita mo uli siya. He’s as handsome as ever. Hindi pala, mas guwapo pala siya ngayon.” Alam kong guwapo ang pinsan mo, pero utang-na-loob, tama na ang pangbi-build up mo sa amin at baka umandar na naman ang kabaliwan ko. Nakalimutan ko na siya! Napabuntong-hininga siya. All right! I haven’t forgotten him yet. But I’m trying to. “Guwapo rin ang boyfriend ko,” sabi na lamang niya. “Okay, sinabi mo, eh. Saan ka nagtatrabaho ngayon?” tanong nito. “Wala. Pakalat-kalat lang ako sa paligid,” sagot niya. Pero hindi niya matiis na mawala nang tuluyan si Ryan sa tsismisan nila ni Rachel. Kaya naman kahit alam niyang lalamunin siya ng lupa kapag sinabi niya ang laman ng isip ay itinuloy pa rin niya. “Ano’ng trabaho niya ngayon?” “Nino?” painosenteng tanong pa ni Rachel. Grr. “Si Ryan,” simpleng tugon niya. Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Rachel pagkasambit niya sa pangalan ng pinsan nito. At talagang naiinsulto siya sa reaksiyong iyon nito. Wala na siyang kawala, huling-huli na siya nito. Kasasabi pa nga lang niya na wala na siyang pakialam sa hinayupak na pinsan nito pero hayun siya at hindi napigilan ang sariling magtanong ng tungkol kay Ryan. Eh, bakit ba? Masama ba’ng mangamusta nang walang malisya? “Tumigil ka na nga sa pagtawa mo riyan. Nagmumukha ka nang baliw,” angil niya rito. “Sagutin mo na lang ang tanong ko, parang hindi ka kaibigan niyan, ah.” “Kaibigan mo ako, kaya alam ko ang totoo,” nakangising saad nito. “`Ayun, nagma-manage siya ng sarili niyang business sa Maynila. Sole owner siya ng isang hindi kalakihang electronics trading,” kapagkuwan ay sagot nito, habang pinipigil pa rin nito ang sarili sa pagtawa. Teka, Maynila? “Hmm… Good for him,” kaswal na sabi niya. And for me. Mukhang posibleng magkasangga ang mga landas namin, ah. Sandali nga Jennifer Villanueva, hindi ba’t kasasabi mo lang kanina na nakalimutan mo na siya? Pero mukhang ang isinisiksik niya sa isip sa loob ng walong taon ay taliwas sa totoong idinidikta ng kanyang puso. Dahil hayun na naman ang pagwawala ng puso niya sa kanyang dibdib pagkatapos makarinig ng tungkol kay Ryan. Pero sa sandaling magsangga uli ang mga landas nila ni Ryan ay posibleng mabaligtad uli ang mundo niya. Tulad noong nasa high school pa lamang sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.8K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.8K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

A Night With My Professor

read
498.0K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook