Chapter 5

725 Words
Isang linggo na ang lumipas simula nung nakita ko yung picture sobrang nasaktan ako until now naman masakit pa din. Ay oo nga pala hindi ko pa nakukuwento. Si Timothy kasi may ibang kasamang girl. Actually nakakainggit kasi ang ganda nung babae ang puti niya, long hair siya na color dark brown tapos mukha siyang artistahin, feeling ko matangkad din kasi malapit siya sa height ni Timothy eh matangkad din yun. Nakaakbay si Timothy kay dun sa girl at nakangiti sila pareho sa pagkakatand ko ang angalan niya ay Crystal. Girlfriend niya kaya yun? Nakakasad naman taken na pala ang crush ko. "EARTH TO ALICE!!!" "HUH?! Anong nangyari ba't ka sumisigaw?!" "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? Anong nangyari sa'yo at tulaley ka dyan? Ang lalim ng iniisip mo." "Ahh akala ko naman kung ano na. Wala naman nagkakabisado lang ako." Nandito kami ngayon sa field pero syempre nakasilong kami sa ilalim ng puno. "Ikaw talaga kanina pa ko dada ng dada dito tapos hindi ka pala nakikinig." "Ayy sorry naman. Ano ba yung sinasabi mo?" "Ang sabi ko, after ng prelims natin gala tayo. Sige na please." "Oo naman sige." First time ko to noh bakit ako hihindi? I mean first time happy gala with a friend. "Yehey!!! Sabi mo yan ha no bawian. Bale ang balak ko pumunta tayong mall at manood ng sine okay ba yun?" "Oo ba sige." Natapos na ang quiz namin and guess what? Nakaperfect kami ni Mickey. Sabi na matalino din ang isang to eh. "Okay, since we still have 15 minutes, I'll ask you a question then I will pick one here in your quiz sheets a while ago and that someone will answer my question." Sabi ni Mr. Marquez professor namin sa Pharmaceutical Toxicology. "Ms. Francisco." Tumayo si Marga na mukhang kinakabahan. "It is a regulatory agency that proposed to classify human carcinogens based on weight of evidence criteria." Hindi makasagot si Marga kaya nagsalita ulit si prof. "Are you doing an advance reading Ms. Francisco? Because this question is just a basic question that you pharmacy students know. I told you last time to always make an advance reading kasi nakagawian ko na ang magparecitation ng ganito." "Ms. Gomez, do you know the answer?" Dahan dahan akong tumayo dahil hindi ako ganon kasure sa sagot ko. "Uhmm sir, the answer is Environmental Protection Agency po." I said. "Okay very good Ms. Gomez. Sit down." Weh tama ako? Hehe thank you Lord akala ko mapapahiya ako eh. Pagkatapos ng klase lunch na kaya heto kami ni Mickey papunta sa canteen para kainin ang baon namin. Nang makahanap ng mauupuan kumain na kami dahil nastress sa quiz kanina. Habang kumakain kami, bigla nalang may tumiling mga babae. "HI PAPA CLARK THE VLOGGER PA FS NAMAN AKO. BE MINE!!!" "CLARK SHOUT OUT MO NAMAN AKO SA VLOG MO PLEASE!!" "ANG HOT MO!" "IKAW DIN NOAH ANG GWAPO MO!" "AKIN KA NALANG NOAH!!" Nakita ko ang pag irap ng bruha hahaha...kung wala lang ako rito baka nakisigaw na din siya sa Noah na yun. Yung Clark at Noah naman feeling nasa alapaap dahil puro compliments ang naririnig nila. Sus if I know niyayabang na nila yan syempre PROUD tss. Bumalik na kami sa room ni Mickey. Then dalawang oras lang ang lumipas uwian na. As usual nauna na si Mickey at ako maglalakad papunta sa terminal. Sa shortcut ako dumaan kasi kapag doon sa main road siksikan na ang mga tao. At least diti mangilan ngilan lang ang mga tao. Habang naglalakad ako ng tahimik kinuha ko ang payong ko mainit kasi. Pagkakuha ko biglang may humablot sa braso ko at dinala ako sa madilim na eskinita at tinakpan ang bibig ko para hindi ako makasigaw. "Hmmmpp...hmmmpp!!" Kikidnapin niya ba ako? Jusko eh ba't ang bango naman ng kidnapper na to? Yun na ba ang uso ngayon? Sinandal niya ako sa pader at ikinulong ako gamit ang dalawang braso niya. Medyo may konting liwanag dito kaya naaaninag ko na ang mukha niya. Binukas sara ko ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa taong nakikita ko ngayon. "Gusto mong bumawi 'di ba?" Bakit ganon parang ang husky ng boses niya ngayon? Tumango nalang ako kasi wala na eh nasabi ko na. Hindi ko naman ugali ang bawiin ang nasabi na. "Then it settled. Sunday, 11:00 a.m. sa MOA." Sunod sunod na sabi niya at umalis na bigla. Parang kanina lang namin pinaguusapan ni Mickey ang pagpunta sa mall ah. Anong gagawin namin sa MOA ng Clark na yun? Pupunta ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD