Chapter 3

1019 Words
Continuation of the story starts in 5 4 3 2 1 Oh. My. God. Nabangga ko si Clark na may hawak na tray ng mga pagkain. Puro spaghetti ang uniform niya. HALA! Patay ako. Anong gagawin ko?! "Hala! Diba siya yung vlogger?! Si Clark yun hala bakit puro siya spaghetti sa damit?!" "Lagot si Alice!" "Kasi hindi tumitingin sa dinadaanan eh apat na nga mata. Tss." "LAGOT!" everyone murmured and others shouted. Rinig kong sabi ng mga estudyante sa paligid. Si Clark vlogger? Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko at yumuko para pulutin yung mga basag na plato at baso. Kaya lang may biglang humablot sa braso ko. "You don't have to do that. Let the janitor do that instead." Siya yung nursing student na nag patawag kay ma'am Sanchez kanina  sa room namin. Bakit niya kaya ako tinutulungan? "Uhmm...kasalanan ko naman eh kaya okay lang." Lumingon ako kay Clark. Uhmm...ano...ah...C-Cla-rk, pasensya ka na hindi ko sinasadya." Sabi ko na nanginginig pa. Ngumiti siya sa'kin. Hayyss buti naman akala ko maga-...WAIT ngumiti siya?! Hindi siya nagalit?! Naku masamang pangitain baka kung ano ang nasa isip niya. Baka ipakain niya ako sa mga aso o di kaya ingudngod niya ko sa putik jusko marami pa kong pangarap ayoko pang mawala sa mundo. Hindi ko pa naman to katapusan diba? "Ayos lang. It's not a big deal.". Tapos tumalikod na siya at akmang maglalakad na nang hawakan ko siya sa braso. "Hindi ka galit? Pwede  naman akong bumawi sa'yo eh sabihin mo lang. Paraan ko yun ng paghingi ng tawad." Sabi ko sa kanya. Kasi naman kahit sino magagalit diba? Hindi ko tuloy alam kung sarcastic siya sa pagkakasabi niya ng "ayos lang" o kaya gagantihan niya ko. Huhuhu ngayon lang ako  nakagawa ng kahihiyan dito sa campus ahh hayyss... "I'll think about it." Sagot niya at matipid na ngumiti tsaka umalis na. Yung lalaki kanina nilapitan ako at tsaka ngumiti. "Hello, I am Timothy Enriquez. Nice meeting you." Masigla niyang sabi sa'kin samantalang ako heto halos mapanganga na sa mga nangyayari sa'kin. Kaya lang syempre ayoko naman siyang mapahiya kaya sinagot ko naman siya. "Uhh...uhhmm hello din. Ako naman si Alice Gomez. Nice meeting." Tapos inabot ko na ang kamay. Ayy... "Sorry, nice meeting you pala, nagkulang lang hehe" anubayan napahiya pa buisit. "Uhmm excuse me lang ha, pwede ko bang mahiram ang kaibigan ko. Mag uusap lang kami." Singit ni Mickey na ang sarap kurutin sa singit at sabihing "panira ka huwag kang magulo" Biglang tumahimik si Timothy at nakatitig lang siya sa'kin ano yun crush niya agad ako ang bilis naman hahaha joke lang asa pa ako. Napakurap ang mata niya at parang nahimasmasan. "Oh sure. Sorry I didn't know I'm interrupting you already. Okay 'til next time Alice bye." Pagpapaalam ni Timothy. Hinatak na ko ni Mickey. At habang pabalik kami sa room pinagsabihan niya na ako about dun sa nangyari kanina. "Girl, bakit naman hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Dapat alert ka at all times. Hayyss...buti nalang hindi siya nagalit at pinahiya ka kung hindi nako... Tapos babawi ka pa sa kanya baka kung anong ipagawa sa iyo non sige ka.Tapos nagpapacute pa kayong dalawa nung nursing student na yun sa isa't isa." Sabi niya sa'kin ng dere-deretso. Hindi ko na pinansin yung huling sinabi niya sa'min ni Timothy kasi nagtataka ako eh, bakit kaya sila parang ilag sa lalaking yun dahil ba vlogger siya? Marami ba siyang bodyguards sa paligid? Mayaman ba siya? Siya ba ang leader bg isang g**g? Mafia boss? "Mickey, may alam ka ba tungkol kay-" "Girl bili tayo ice cream! Ayun oh! Tara dali." Singit niya bigla. Kaya ayun, hindi na ko sinagot. Kainis naman sumabay siya di ko natanong. Uwian na kaya syempre uuwi na ko hahaha school at bahay lang naman ako, never ako gumagala gala muna bago umuwi kasi nga diba wala akong friends loner ako at syempre wala din akong panggastos noh sakto lang ang  baon ko. Si Mickey umuwi na may service yun ako? Commute lang dalawang sakay lang naman pauwi at papunta eh. Naglalakad ako sa side walk papunta sa terminal ng jeep. Biglang may humintong kotse sa gilid ko. Isang black Lamborghini. Ang ganda ng kulay kahit di ko favorite ang black ang ganda kapag yun ang color ng kotse at ang kintab pa. Hayyy...balang araw, makakabili rin ako niyan at mag aaral din ako magdrive. Shoot.. Masyado yata akong napatitig sa kotse nakalimutan kong papunta ako sa terminal ng jeep. Nakarating na ako sa bahay. Mano kay mama, si papa mamaya pa ang dating. "Anak kamusta ang first day of school?" Tanong ni mama na akala mo elementary palang ako na may mang aaway sa'kin hahaha "Mama as usual oka-" bigla kong naalala na hindi pala okay. Masyado akong nasanay sa mga nakaraang taon ko. Para hindi na magaalala si mama di ko nalang sasabihin. "Oh bakit napahinto ka? Hindi ba naging okay?" "Hindi po. As usual, okay naman po ma. Sige po bihis muna po ako." Pagsisinungaling ko. Natapos na kami kumain. Ako naghugas ng plato pagkatapos umakyat na ako para magreview nalang since wala namang pumasok na teacher kanina. Tamang browse lang ng mga pharmacy books ko hehe. Pagkatapos binisita ko ang f*******: account ko. Madalang lang kasi ako gumamit ng f*******: eh puro aral lang. Nag friend request sakin si Mickey. Inaccept ko na siya. Nag ala stalker muna ako hehe inistalk ko yung account ni Mickey. Katulad ko lang din puro shared post. Bumalik nalang ako sa newsfeed ko. Nakita ko ang UP spotted page at nakita ko ang picture ni  Timothy at nakatag siya sa post na yun kaya syempre inistalk ko syempre cute yun eh char. Sa totoo lang para siyang si Lee Min Ho ayy hindi hawig nga niya si Lee Min Ho kasi ang tangkad niya, payat siya pero maganda ang built ng katawan niya, tapos yung hair niya dark brown ang color kapag nasisikatan ng araw, ang ganda eyes niya parang almond haha tapos yung nose niya perfect kasi ang tangos ako kasi di gaano eh, yung lips niya ang pula parang ang lambot kapag hinawakan yung tipong newly baked mamon haha ayon basta in short gwapo siya at mabait. Browse ako ng browse sa timeline niya at mayroon akong hindi inaasahang makikita "I love you and I will always will, Timothy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD