Hi , this is my first ever story na ginawa so expect nyo ng may grammatical errors hehe
18 years old na ako ngayon araw syempre malungkot kase hanggang ngayon nag-aantay padin ako na babalikan ako ng mama at papa ko , 2 years old iniwan nila ako sa lola ko kase magttrabaho daw sila sa abroad para bigyan ako ng maganda buhay , pero hanggang ngayon wala kaming natatanggap na padala o kahit anong balita galing sa kanila , yung lola ko nga pala hindi sya ang tunay na nanay ng mama ko inampon lang ng lola ko ang mama ko noon dahil hindi sya magka anak , kaya naisip ko ganon lang nya kadali iwanan ang lola ko kase hindi nya tunay na nanay ang lola ko . Ang hindi ko maintindihan , bakit ako na sarili nyang anak eh nagawa nyang iwanan .
“ apo ko happy birthday , halika bumangon ka nagluto ako ng paborito mong spaghetti “ bati ng lola ko.
Nangingilid yung luha ko kase ramdam na ramdam ko yung pagmamahal sakin ng lola ko.
“ thankyou lola , mahal na mahal ko kayo “
Bumangon nako tapos kumain na kami ng lola ko
“ phia , apo , tumawag sakin ang tita martha mo kagabi , may regalo sya sayo “
“ ano po yun lola ?”
“ pupunta ka ng manila at doon ka mag aaral , pag aaralin ka nya ng kolehiyo doon”
Grabe sobrang saya ko ang buong akala ko wala nakong pag asa na makapag aral dahil sa hirap na din ng buhay
“ talaga lolaa! Pero hindi po ba nakakahiya ?”
“ alam mo apo , walang nakakahiya doon , basta pagbutihan mo lang , tumulong ka din sa mga gawaing bahay doon pag wala kang pasok”
“ so lola don din ako titira sa bahay ni tita ?”
“ oo naman , magbabait ka ha magsipag ka para walang masabi sayo ,”
“ pero lola? Paano po kayo? Sasama po ba kayo sakin?”
“Nako apo hindi walang magbabantay ng bahay na ito , hindi ko din kaya mag adjust sa manila dahil matanda nako , bibisitahin nalang kita pa minsan minsan doon”
Nalungkot ako bigla , hindi ako sanay ng wala ang lola ko sa tabi ko ,
“ ayoko na umalis dito nalang ako mag aaral lola ,ayoko iwan ka dito”
“ talaga ikaw bata ka , wag mo akong intindihin andyan naman ang mga pinsan mo babantayan nila ako “
“ pero lola malulungkot ako pag di ko natitikman ung masarap mong luto “
“ hay nako phia apo , magandang opurtunidad na ito para sayo , i grab mo na to ha”
Nakakalungkot man pero tama si lola eto na yung chance ko na makapag aral at sa manila pa kaya i ggrab kona to!
———
So this i the day ! Aalis nako at luluwas na ng manila , kinakabahan ako sana maging maayos lahat pag punta ko don .
Bumiyahe na ako at sinundo ako ng tita ko sa terminal ng bus sa manila .
“ phia! “ sigaw ni tita martha
grabe yaman pala neto ni tita ang ganda ng sasakyan , lalo tuloy akong kinabahan
“ uh hello po tita “
Bumaba sya ng sasakyan at tinulungan nya ako na ilagay sa likod ng sasakyan lahat ng dala ko .
Habang nasa loob ng sasakyan nag simula na syang kauspin ako
“ phia kamusta ang lola mo?”
“ ayos naman po kayo po ba kamusta po kayo dito , grabe no tita ang ganda talaga dito sa manila”
“ oo maganda talaga dito pero minsan na kaka stressed din “
Humaba ung usapan namin hanggang sa napunta kami sa topic about sa mama ko
“ uh tita nung bata ba kayo ni mama close po kayo?”
“ sa totoo lang phia noon close kami halos buong nangyayare sa mga araw natin sinasabi namin sa isat isa , namimiss kona nga ang mama mo eh”
Naiyak ako nakakaiyak kase ako di ko man lang narinig boses ng mama ko
“ buti pa kayo tita nakasama nyo mama ko ,ako miski boses hindi ko po narinig, bakit nya po kaya ako iniwan?”
“ alam mo phia nagtataka nga rin kami ni nanay , bat biglang umalis si ate at di ka na binalikan, hanggang ngayon di ko din alam ang dahilan eh “
Pinunasan ko ang luha ko dahil ayokong magmukang kawawa .
Tumahimik ako hanggang sa makarating kami sa bahay nila tita
“ halik phia eto ang magiging kwarto mo , ayusin mo na ung mga gamit mo tapos bumaba ka na at kakain tayo .”
“ ah opo tita thankyou po”
hanggang ngayon malungkot pa din talaga ako ,
bumaba nako tapos kumain na kami ,
“ phia , halika may ipapakilala ako sayo “ - sigaw ni tita
“ ah wait lang po tita patapos na po ako kumain”
Syempre nagmadali ako kumain kase curious ako kung sino ung ipapakilala ni tita
“ tita bakit po?”
“ phia eto si matthew anak ng kaibigan ko , matthew eto si phia pamangkin ko “
“ ah hello matthew “
“ hello phia “ sagot ni matthew
Curious padin ako bakit pinakilala sakin to ,
“ so kaya ko pinakilala sayo si matthew dahil gusto ko magkaron ka ng kaibigan dito , mag gala kayo “ sabi ni tita
Grabe to si tita ang speed nahihiya pako tita gala agad .
“ hi so can we be friends?” - sabi ni matthew
“ ah hehe sure “
“ o sya dyan muna kayo magliligpit lang ako ng plato “ sagot ni tita
So ayon amg awkward kase nahihiya kami pareho sa ako na ung unang nag reach out no :)
“ ah hello matagal ka ng nakatita dito?”
“ yup actually bata pa lang ako dito na kami na sstay”
“ ahh ako kasi di pa talaga ko sanay dito sa manila nakakapanibago kase probinsyana ako”
“ uhm do u want to go with me ? Chill lang tayo where do u want to go? moa? Bgc? Where tell me .
Mami bat naman nag eenglish to btw ang cute nya ha parang sarap tropahin
“Ah siguro dito nalang ako sa bahay hindi kase ako mahilig mag aalis eh”
“ okay so don’t be shy ha just tell me if you wanna go around , sasamahan kita”
So nagkwentuhan na kami about experiences in life , na ikwento ko din sa kanya yung about sa parents ko , sobrang komportable namin sa isat isa .
“ oh it’s 7 pm na pala may gagawin pa ko e see u around badi”
Wow badi? So may callsign na tayo agad matthew ha
“ taray badi yan ba tawagan natin?”
“ yup actually yan ung tawag ko sa mga friends ko , so bye !”