so natulog nako pag tapos non ,
————
Kinabukasan…
“ hi phia goodmorning , ready mo na yung requirements mo sa school kase mag eenroll kana mamaya”
“ okay po tita , aalis po ba kayo?”
“ yes , hindi na kita masasamahan sa school , pero magkasama naman kayo ni matthew kase same school kayo ng papasukan”
“ okay po tita ingat po kayo”
Okay kinakabahan ako sana naman okay ung magiging bagong school ko , sana makapag adjust ako agad sa bagong tao at environment.
Naligo nako at nag ayos . Nahihiya din ako kase wala akong mga bagong damit dito .
Lumabas nako ng bahay at inantay ko si matthew sa harap ng bahay nila . Tapos napansin ko ung mommy nya na palabas .
“ hi ikaw ba si phia ?”
“ ah opo” sagot ko
“ hello I’m matthew’s mom , antayin mo si matthew palabas na sya”
Grabe ang yaman nila matthew tapos ang bait pa ng mommy nya ,
“ hello phia !” Bati ni matthew
Ngumiti lang ako tapos tumango
“ lets go sakay ka na”
“ ha? Ayos lang mag cocommute nalang ako”
“ alam moba pano papunta ?”
“ uhm hindi eh”
speechless ako dito
“ sumakay kana phia” sabi ng mommy ni matthew
So sumakay na ko at umalis na kami , habang nasa sasakyan kami nagpatugtog si matthew ng mga old school music infareness pareho kami ng taste ng music so nag vibe lang kami habang nasa biyahe .
“ ah matthew transfer kaba sa sandiego?”
San diego is ung name ng school namin , and yes mga mayayaman nag aaral don
“ nope , don nako since highschool”
And bigla syang ngumiti
“ bakit?” Tanong ko
“ wala im just excited after how many months makikita kona din si alexa”
“ alexa ? Sino yun?”
“ my one and only” nakangiting sabi nya
“ wow ha so i chika mo na anong kwentong alexa mo”
Nagtawanan kami tapos sabi nya …
“ basta u will see”
Bumaba na kami tapos pumunta na kami sa admin , nag enroll nako and ayon magkaklase kami ni matthew,
Umalis saglit si matthew para mag cr , naiinip ako so sinundan ko sya sa cr
Hanggang sa nakita ko napaka gandang babae sobrang perfect from head to toe .
So pag lingon sabay paglabas din ni matthew sa banyo ,
——
“ hi alexa!” Bati ni matthew
Nagulat ako ung magandang babae na tinutukoy ko is ung alexa na kinukwento sakin kanina ni matthew
“ oh hello math” bati ni alexa
“ you’re so beautiful parin”
“ and you’re corny paden”
Tinitignan ko lang sila and grabe ung face ni matthew ibang iba sya halatang gustong gusto nya si alexa
“ u wanna hang out?” Sabi ni alexa
“ sure pero may kasama ko “
“ who?”
So kinabahan nako kase ipapakilala ako sheesh
“ here , phia come here”
Lumapit ako nahihiya ako shet
“ ah hello “ bati ko
“ r u a new student? Or r u matthew’s girlfriend? Tanong ni alexa
“Ha? Oo new student ako , hindi ko din boyfriend si matthew”
Grabe ka alexa friend lang kami
“ alexa this is phia my neighbor, and also my bestfriend”
Shocks nagulat ako , bestfriend pala na kami
“ and phia this is alexa my ex girlfriend “
Ahhhhhh so ex mo pala matthew haa
“ I don’t have time today eh so maybe next time nalang tayo lumabas with you bestfriend” sagot ni alexa
“ o sure bye!” Sagot ni matthew
Umuwi na kami kase masama din ung pakiramdam ko , nag ayos nako ng gamit kase sa isang araw pasukan na .
Habang nagaayos ako ng gamit sa kwarto tinawag ako bigla ni tita
“ phia” tawag ni tita
“ bakit po?”
“ halika aalis tayo mamimili tayo ng bagong mga gamit at damit mo”
Ano papayag ba ako? Hindi ba nakakahiya ???
“ uh wag na po tita okay pa naman po yung mga gamit ko at damit ko”
“ alam mo phia magandang school yung papasukan mo , para hindi ka ma huli kelangan mong makibagay”
“ ano pong ibig nyo sabihin?”
“ kelangan mo mag ayos , bibilhan kita ng make up bagong sapatos bagong damit”
“ nakakahiya naman po tita”
“ ano ka ba wala akong anak kaya ikaw nalang ang anak ko ha ??”
Nagingilid ung luha ko kase ngayon ko lang naramdaman na parang may totoo akong mama ,
Naisip ko nga na may reason din talaga lahat , iniwan ako ni mama at di nag asawa si tita para sya ang gagabay sakin .
Niyapos ko lang si tita habang naiyak
“ phia what’s wrong? Bakit ka naiyak?” Tanong ni tita
“ wala po sobrang masaya lang po ako”
“ mula ngayon tita mommy na tawag mo sakin ha ?”
“ opo” sagot ko habang naiyak
Nagbihis nako tapos umalis na kami ni tita para mamili ng mga gamit at damit ko ,
asa mall na kami , nakapamili na kami pina ayusan nya rin ako ng buhok .
“ wow , phia u look niceee” bati ni tita
“ thankyou po talaga titaa” sagot ko
Umuwi na kami tapos inayos kona lahat ng pinamili ko , at mga gamit ko kase sa isang araw pasukan na kami .
Nagtext sakin si matthew para magpasama sa friend nya so lumabas nako at inantay kona sya
“ omg phia i look different “ sabi ni matthew
“ anong u look different ka dyan”
“ ang ganda mo!”
“ alam ko maganda talaga ko no”
Umalis na kami at pumunta sa kaibigan nya .