Pag tapos makipag usap ni matthew sa friend nya nagyakag na ko umuwi .
“ badi tara na gusto ko na umuwi” sabi ko
Umuwi na kami and sobrang pagod ako ha di ko alam bakit .
———
So umaga na at first day of class kona ngayon , sobrang kinakabahan ako and at the same time excited!
“ goodmorning phia kain kana, and btw this your allowance for a week”
“ goodmorning tita mommy , thankyou po, hindi po ba masyadong malaki to?”
“ sakto na yan “ nakangiting sabi ni tita mommy
Kumain nako tapos umalis ,
Sinabay ako ni tita mommy hanggang school .
Hinanap ko yung room ko 204 sa sobrang laki ng school antagal ko bago nahanap.
At eto na nakita ko na , umupo nako sa middle side ako umupo tapos may pumasok nang ibang students.
“ omg hi girls how’s your vacation in america?” Sabi ng isang student na pumasok .
Grabe ang big time talaga ng mga tao dito .
Inaantay ko si matthew nasan na kaya yon,
Biglang may nanggulat sakin
“Hoooiy” sigaw ni matthew
“ ano ka ba nagulat ako ha “
Biglang may tumabi sakin na 2 girl
“ hi new student?” Nakangiting bati ng isang girl
“ uhh oo hi” sagot ko
“ I’m angel”
“Hi im kath”
Grabe ang bait nila so eto magpapakilala na din ako
“ ako naman si phia” Sagot ko
“ so from now on we’re besties na ha” nakangiting sabi ni kath
“ yess na ffeel ko na we have the same vibes” sagot naman ni angel
“ ooohhhh may friend na agad si badi ko?” Mapang asar na sabi ni matthew
“ hi math so kilala mo din si phia?” Tanong ni angel at kath
“ yup we’re bestfriends! And neighbor ko sya”
“ ahh akala ko new girl mo nanaman eh” mapang asar na sabi ni kath”
Grabe na feel ko agad na magiging masaya ko ngayong schools year ko dito sa san diego ,
Habang naguusap usap kami pumasok si alexa and ung mga friends nya
Grabe sobrang ganda nila
“ hi alexaaaa” bati ni math
“ oh hi math” sagot ni alexa
Tinignan ako ni alexa at nginitian muka naman syang mabait .
“ ganda no” sabi ni kath sakin
“ ah oo nga eh lahat sila ang ganda , lahat kayo ang gaganda nyo”
“ don’t me nga , pero yang si alexa iba talaga yung dating nya , isa ang parents nya sa may ari ng school na to so isa talaga sya sa mga bigtime dito sa school”
“ isa? So ibig sabihin marami silang bigtime talaga dito?” Tanong ko kay kath
“ yes and u will see” nakangitin sabi ni kath sakin
Biglang pumasok ung 3 gwapong lalaki , as in super gwapo
“ omg hi Noah!!!! ”
“ hi nathan!!!! ”
“ hi harry!!”
Sigaw ng iba kong kaklase
“ sila ang the big 4 kasama si alexa” nakatulalang sinabi ni kath
Nakatulala lang ako at this point kase nakaka star’s truck talaga sila
“ ang parents nila ang founder ng school na to” sagot ni angel
“ si noah ang pinaka big time sa apat na yan”
“Si alexa at noah at couple sa university nato” Sagot ni kath
“ kaya kung sino man ang magpapansin kay noah binubully talaga ni alexa” sagot ni angel
Dumating na yung prof namin kaya nag si upuan na ang lahat
“ Hi class this is a new and fresh year to every one , is any transfers here?” Bati ng prof namin
Tumayo agad at nagpakilala
“ hi I’m Sophia De jesus from Rizal , Galing ako sa Probinsya ng Mindoro , Call me phia nalang for short”
“ So bakit ka nag transfer dito?” Tanong ng prof ko
“ nabigyan po kase ako ng chance ng tita ko na makapag college dito sa manila at makapag aral dito sa san diego” sagot ko
Ngumiti lang yung prof kaya umupo nako.
Nagsimula ng mag start yung klase
“ okay any thoughts about being poor and being rich , what is the privilege of being rich?”
Tumaas ng kamay si alexa
“ sir being a rich you can do a lot, you can buy the things you want to buy, you can study at the school you want , and specially u can do whatever u want because you have a lot of money , and i think that is the privilege of being a rich and have a lot of money” nakangiting sagot ni alexa
Tumayo ako at sumagot
“ sir ang isang pagiging mayaman po ay isang privilege talaga , pero mas magiging magandang pribiliheyo ito kung yung blessings na meron ka is isshare mo sa iba , like u can donate , u can help homeless people , at yung pagiging mahirap naman po , hindi naman po lahat ng tao is gusto na maging mahirap sila . Sadyang bilog lang po talaga ang mundo, kaya nga magsikap diba po? Hanggang sa makamit mo den ung pangarap mo , and may privilege din maging mahirap , kase pag mahirap ka lahat ng blessings na matanggap mo kahit maliit lang , sobra ipapasalamat mo na yon , mahirap man o mayaman , pantay pantay lng po yan , prehas may privilege” sagot ko
“ so what are u trying to say ,? My answer is wrong?” Tanong ni alexa
“ hindi dinagdagan ko lang yung sagot mo “sagot ko kay alexa
Tumahimik ang lahat at umupo na kami parehas
“ very good answers to the both of you,u have a different perceptions i like it!” Sagot ni sir
—ringgggg—-
Nag ring na yung bell , kaya nagtayuan na ang lahat at nag paalam na si sir.
Naiwan ako sa room kasama si kath at angel , naiwan din si alexa at friends nya
“ bida ka no?” Banat ni alexa
“ ha ?” Sagot ko
“ yes bida ka , u have a choice kanina para di na sumabat sa sagot ko , pero sumagot kapa talaga”
“ ano naman masama don? Any thoughts nga , ayun ung thoughts ko, gusto ko lang ilabas”
“ why? Because you’re a poor? So kinontra mo yung sagot ko kase mahirap ka ?”
Nagulat ako sa sinabi ni alexa , hindi ko akalain na ganto yung ugali nya .
“ oo mahirap lang ako , anong kaso don? Wala naman akong ibang sinabi about sa pagiging mayaman mo?” Sagot ko
“ ooh what ever ! Kaya pala nakiki bestfriend ka kat math siguro para mahawaan ka ng ka sosyalan”
Umalis na sila at nakatulala padin ako
Napaiyak ako kay angel at kath
“ wag ka ng umiyak”
“ bat ganon kath anong nagawa kong mali? Anong nasabi ko?”
“ wala phia okay? Ganan lang talaga si alexa , ayaw nya ng may sumasapaw sa kanya”
Lumabas na kami at pumunta sa cafeteria,