Chapter 13

4017 Words
Chapter 13 Mysterious "Have you heard what happened to Alexis, Bea, and Lizzie?" Nakaupo ako sa aming classroom. Adrian and Sky went to the comfort room so I was left alone here. Maaga pa at wala pa ang ibang mga estudyante. Ang ilan ay nasa labas pa, ang iba naman ay nandito na rin sa loob tulad ko, at ang iba naman ay baka late at papunta pa lamang. Iilan lamang kami rito sa loob, but I can hear their conversation, at iisa lamang iyon. "Yeah, I heard their uniforms were burned?" Ani ng isang babae. They are in the first row of chairs and talking about what happened yesterday. "Oo, tinanong ko si Bea ang sabi niya ay kasalanan daw ni Lizzie and I also heard that they bullied Kristel again. Siguro ay pumalpak," ani ng isa at mahinang tumawa bago umiling habang nagbabasa ito ng libro. "That's okay. Deserve naman pala," komento ng isa. "No, that's unusual. Parang nasunog ang ibabaw ng kamay ni Alexis. May lapnos," ani ulit ng isa. They are my classmates but I don't even know their names. Siguro ay dahil wala pa naman akong isang linggo dito. Araw araw ay nag-oobserba ako sa paligid. Waiting for our enemies to come out in their shells. I was thinking and suspecting Ismael as he always acts weird and unusual for a normal person. Ngunit ang totoo ay wala kaming dapat pagkatiwalaan dito. We don't know who our enemies are. Hindi ngayon na maaaring nakaharap, nakausap, o baka nakasalubong na namin sila at wala pa kaming kaalam-alam. They are being silent, matapos ang pain nilang ginawa sa mall. I know they are finding and waiting for a perfect timing to attack again. "I asked her, ang sabi niya ay hinawakan niya kasi ang uniporme niya," pahayag ng isa. Napailing ako habang naririnig ang kanilang usapan. Everything that happened yesterday doesn't seem impossible. Mabuti na lang at may kakayahan kami na burahin ang memorya at alaala ng isang tao. Those three girls think that what happened to them was their fault and just an accident when it's not. "Kristel!" Umangat ang mga mata ko mula sa pananatili nito sa libro. Kristel didn't look at them, but her eyes went on me quickly and smiled happily na para bang ako ang unang hinahanap ng kanyang mga mata pagpasok pa lamang niya ng aming klase. I closed my eyes when I met her eyes, hoping that she would leave me alone after what happened yesterday. Sa itsura niya ay halata ko na makulit ito at hindi magpapa awat basta basta. "What happened to you ye--" "Cali," I didn't want to open my eyes anymore when I heard her speak in front of me. Now, I regret saving her from them. I had to use my power to threaten them and this is what I get, "Cali," ulit niyang tawag sa akin at niyugyog pa ang aking kamay sa lamesa. Bumuga ako ng hangin at walang choice na binuksan ang aking mga mata at nilingon ko siya ng blangko ang aking ekspresyon. Nahagip din ng mga mata ko ang mga kaklase namin na tinawag siya kanina na mga nakatingin sa amin at tila ba ay nagtataka sa biglaan na paglapit sa akin ni Kristel. "What?" I asked. I had to force myself to answer her. "Should I treat you later? Choose what you want to eat, it's on me! I'll also be with my best friend, Jamina! I told her about you, and she really wants to meet you and be our friend as well!" Mariin akong pumikit. This girl is really noisy. Gusto ko na lamang takpan ang magkabila kong mga tainga sa tuloy-tuloy niyang pagsasalita habang suot nito ang malawak niyang ngiti sa kanyang mga labi. "No," ani ko at umiling. Lumiit ang malawak niyang ngiti sa kanyang mga labi nang narinig nito ang aking pagtanggi. "Whatever, I'll still treat you! And you're our friend now, looking forward to being your friend and your friends' friend!" Masaya itong tumalikod at nagpunta sa kanyang upuan. Sandali akong natulala at hindi makapaniwala sa kanya. Bumuga ako ng hangin nang makita ko na masayang-masaya ito. I hate her. I hate noisy people. You will never get peace from them. In our world, a noisy person will only bring you near to death, that's why I extremely hate people like that. Napailing na lamang ako. She doesn't know what's waiting for them if she still forces me and my friends to be their friends. Pagkakaibigan o buhay nila, that's how it works. We're not normal, and they are normal. We can never be friends with them. We are the death they are waiting for. Natigilan ako nang pumasok sa loob si Jaice at sa likuran nito ay kasunod si Ismael na may nginunguya ulit. His appearance speaks arrogant, it's all over his face. Nagtama agad ang mga mata namin ni Jaice nang pumasok ito sa loob. "Good morning, Cali!" Ngunit agad din naman iyong naputol nang dumating at pumasok si Andrew kasabay ng pagsipol ng kanyang mga kaibigan at ang pagtawa nila nang gawin iyon ni Andrew. Muli akong bumuga ng hangin. Siya na ang pangalawang tao na sumisira ng araw ko ngayon. I can't believe these people are bothersome. "It's not good because I saw you already," ani ko. Nagtawanan ang buong klase nang marinig nila ang aking sagot. Lumiit agad ang ngiti sa mga labi ni Andrew nang marinig iyon mula sa akin. Luminga ako sa paligid at wala pa rin sila Adrian at Sky. They will just pee and yet they are still not here. Gaano ba karami ang ihi nila para magtagal sila ng sobra? I don't want to be left alone here, these people are irritating me already. "Cali naman! I have cupcakes for you!" Nilabas nito ang isang kahon at nilapag sa aking mesa. Bumungad sa akin ang mga parang tinapay na may magandang disenyo. Kunot noo ko iyong tiningnan sa kabila ng panloloko ng mga kaklase namin. I pretended knowing that food kahit ang totoo ay ngayon pa lang ako nakakita nito. "I don't eat cupcakes," I sounded like a normal person. That's what he called it. At ayokong mahalata nila na hindi ko alam ang pagkain na ito. Lalo pa at hindi ko alam kung sino ang aming mga kalaban. Maaaring isa sa kanila ay kalaban namin at nagpapanggap lamang tulad namin. "Rejected ang isang Andrew!" Pang-aasar ng iba sa kanya. Nagkibit balikat si Andrew at tila ba ay hindi man lamang pinanghihinaan ng loob at mas lumawak pa ang ngiti sa kanyang mga labi. "Not when you taste this. My Mom baked that, it's from our business," pahayag niya bago niya ako kinindatan kasabay ng pagtunog bell sa buong paaralan. Mabilis na pumasok lahat ng estudyante sa kanilang mga kwarto at nagpunta sa kanilang mga upuan sa klase. Dumating na rin sila Adrian at Sky na mga nagmamadali. "Where have you been?" I asked. Ngunit ang kanilang mga mata ay huminto sa cupcakes na bigay ni Andrew. "Woah, it looks delicious," ani Adrian. "Those are cupcakes," ani ko. Tumaas naman ang kilay ni Sky at tila ba ay hindi inaasahan na alam ko ang tawag doon. I rolled my eyes to him. "I heard it from him, but it's my first time seeing this food," mahina kong pahayag. He chuckled at me, "It's sweet, let's eat that later," mahina rin niyang saad. Napailing na lamang ako. Habang tumatagal ay padami ng padami ang mga tao na nangungulit sa akin. Una ay si Andrew, ngayon naman ay dumagdag pa si Kristel. I hate this. The class started to Ms. Cruz. Now, she discussed the government for our subject POLGOV. It's an interesting topic, at buong klase namin ay nakinig ako sa kanya. After her, sumunod ang klase namin na puro numero. Many of my classmates find it hard at panay ang reklamo sa aming guro na lalaki. Tiningnan ko ang board na punong-puno ng mga numero na may kahalong letra. Marami sa kanila ang naghihikab habang ang guro namin sa harap ay patuloy sa pagtuturo at pagsulat sa board. "D*mn, this view is making me feel anxious," ani Adrian habang napi pikit-pikit. "I hate math since before," komento naman ni Sky na sinusumpa na ang natatanaw na mga nakasulat sa board. "Okay, who wants to answer on the board?" Pinagpag nito ang kanyang mga palad at pinagmasdan kaming lahat. Mabilis na yumuko ang lahat umarte na may ginagawa kahit na ang totoo ay wala naman. Napailing siya at mahinang tumawa. "Come on, luma na iyan. I always see you guys doing that," aniya at humalakhak, "I'll call three people to answer this," aniya at tinuro ang board. Umikot ang mga mata niya at tila ba ay nag-iisip ng tatawagin sa amin. "F*ck, I'll just use my power to vanish if I got chosen," mahinang saad ni Adrian. "This scares me more than death," ani Sky habang patuloy sila sa pagpapanggap na nagsusulat kahit na hindi naman. "Kristel, Jaycee, and Andrew! Come on answer these problems," nagdiwang ang lahat nang tawagin ang tatlo. Akala mo ay nakaligtas sila sa isang panganib. Mabilis na ngumiwi si Andrew na mukhang binagsakan ng langit at lupa nang tawagin ang pangalan niya. Ngunit si Kristel ay tumayo agad at nagsimula ng mga sagot sa board. I know she's smart and she doesn't feel nervous at all. "That's easy to you," ani Ismael at tinapik si Jaycee na kalmado lamang na nag martsa papunta sa board. Nakabulsa ang mga kamay nito nang nagpunta doon ay naiwan ang isang kamay na nakabulsa nang nagsimula siyang magsagot. "Are you waiting for Christmas, Andrew?" Nagtawanan ang lahat. Nagkakamot ng ulo ito at walang choice na tumayo para sagutin ang isa. Pinapanood ko ang pagsasagot nilang tatlo, at masasabi ko an si Andrew ang walang kaalam-alam sa kanyang sinasagutan. Kristel looks confident with her answer, at siya ang unang natapos ngunit mabilis din siyang sinundan ni Jaycee na wala man lamang bakas ng hirap sa kanyang mukha. Bumalik sila sa kanilang mga upuan at naiwan si Andrew sa harap na wala pa rin sagot. Tiningnan ko ang mga sagot nila. Kunot noo kong tiningnan ang sagot ni Jaycee at Kristel. "Tama na iyan, sa haba ng sinagot nila sure akong tama," ani Sky at tumawa. Tiningnan ko ang libro kung saan naroon ang tinuro ng aming guro. "I don't think so," I stated while still looking at their answers. The numbers they wrote are right. But the signs they wrote are not right at all. It's in the rules written in this book. "What? How did you know?" Tanong ni Sky. "Just sit down, Andrew. You'll take a year to answer that," ani ng aming guro at nagdiwang agad ang mukha ni Andrew nang paupuin na siyang ulit. Nagtawanan lamang sila sa kanya, "Now, do you think Kristel's answer is right?" Tanong niya sa aming lahat. "Yes, sir!" Confident na sagot ng lahat. "No," ani ko matapos silang sumagot. Napunta lahat ang kanilang mga mata sa akin at maging sila Jaycee ay nilingon ako. Tumaas ang kilay ni Kristel at nagtataka akong tiningnan. Nagulat din ang aming guro at bakas ang pagkakaroon niya ng interes sa hindi ko pagsang-ayon, "It's not right," dugtong ko. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. "Paano naging mali?" Tanong niya sa akin. His eyes are challenging me right now. Bumuga ako ng hangin at tumayo. "Cali, what are you doing?" Adrian said, ngunit hindi ko iyon pinansin. "She wrote positive sign when it should be negative," pahayag ko at tinuro iyon. Natahimik silang lahat sa oras na iyon, "It's easy to answer, but the signs are confusing," pahayag ko pa at sinalubong ang mga mata ni sir. Tumango-tango siya at alam ko na sumasang-ayon siya sa akin, "Jaycee's answer was wrong as well," pahayag ko kaya't muli nila akong nilingon. "What?" Ismael asked, at tila ba ay pinagtatawanan pa ako. Hindi ko iyon pinansin at sa halip ay tiningnan ko si sir. "He wrote negative sign when it should be positive. It's in the rules, kapag mali ang sign mali na lahat," pahayag ko at naupo. Nagbubulungan sila at tila ba ay iniisip pa rin ang aking mga sinabi. Nagtama ang mga mata namin ni Jaycee nang naupo ako. Gumuhit muli ang ngisi sa kanyang mga labi bago nagsalita si sir. "She's right," ani Sir. Malawak siya sa aking ngumiti, "They wrote a wrong signs. I'm amazed, Ms. Alvarez," aniya at pumalakpak. His eyes really looked conceited to me. Bumuga lamang ako ng hangin. That's nothing. That's what everyone should learn in this school. Tumunog ang bell hudyat na oras na ng tanghalian ng lahat. Agad na tumayo ang lahat na tila ba ay iyon ang kanina pa nila hinihintay na senyales. "See you tomorrow," ani Sir bago lumabas. Bumuga ako ng hangin at kinuha at inayos na ang mga gamit ko. The students came back creating their own worlds again. "I'll really think you're normal," mahinang pahayag sa akin ni Sky. Hindi naman ako nagsalita at nagpatuloy lang sa aking ginagawa, "Kahit minsan ay wala akong naintindihan na lesson sa math, maliban sa addition at subtraction. Sa division at multiplication nga bobo pa," aniya at mahinang tumawa. "I think I'm with you, Sky," utas ni Adrian. Napailing na lamang ako sa kanila. "Let's just go out and eat, okay?" Ani ko sa kanila. Sumaludo pa si Sky sa akin bago sila tumawa. Unti-unti ng nawawalan ng laman ang aming room at maingay na naman ang paligid sa mga estudyante na nagkalat at may kanya-kanyang mga usapan. Wala silang pakialam sa kanilang paligid at may sari-sariling mga mundo. "Cali!" We were about to leave when Kristel appeared in front of me wearing her wide smile on her lips. I'm starting to find that smile of hers annoying. "I said no, Kristel." Pahayag ko sa kanya. "You know her, Kristel?" Sky asked. Mukha naman na kilala niya si Kristel dahil tumango rin ito agad sa kanya. "Oo, she saved me yesterday from the bullies here," aniya at ngumiwi. "What? She did?" Sky asked, pagkatapos ay nagtataka ang mga mata akong tiningnan. "Hi, I'm Adrian," mabilis kong binaba ang kamay ni Adrian nang akma niya iyong itaas tulad ng ginagawa ng mga normal na tao dito sa mundo na ito. Bumuga ako ng hangin at tiningnan si Kristel. "I saved you and did the right thing. I'm not asking for anything. Libre o hindi, not even friendship. That's all," ani ko at nagkibit balikat. Pakiramdam ko ay na konsensya ako nang balutin ng lungkot ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako. "That's mean, Cali," ani Sky ngunit hindi ko siya pinakinggan o kahit nilingon. Wala akong balak bawiin iyon, I was serious. I'm not doing this just because I don't want another friend, o ayoko ng normal na taong kaibigan. I'm doing this to push her away from danger o sa kamatayan. I don't want to involve innocent people in the mess that we even brought here from our world. Kaya ngayon pa lang ay mas mainam na gawin ko ito. They don't know what will happen if we become friends. Bumuga ako ng hangin at nag martsa paalis, leaving her hanging there. I would rather gulp my conscience rather than pushing her to death that she could never imagine. "Cali," tawag ni Sky. Ngunit hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagpunta sa cafeteria sa kabila ng mga estudyante na nagkalat sa paligid. Hindi naman na siya nangulit pa sa akin hanggang sa dumating kami sa cafeteria. Bumungad sa amin ang napakahaba na pila sa cafeteria at ang mga estudyante na maiingay. Bumuga ako ng hangin at pumunta sa lamesa kung saan naroon si Crystal at Shaheal at nakatingin din sa mahabang pila. Tinitingnan ko pa lang ang haba ng pila ay naiinip na ako. "That line is killing me," ani Shaheal. "I'm starving," ani Crystal. Binaba ko ang cupcakes na bigay ni Andrew kanina sa aminv lamesa. Nagsilbi iyong liwanag sa kanilang mga mata nang makita iyon. "Cupcakes!" Sigaw ni Shaheal. "From Andrew?" Crystal asked after seeing the small and thin paper on the top of it. Kinuha ko iyon at nilukot na. "Andrew's family business is a cake shop. They have the most scrumptious cake and bakeshop in the world!" Pahayag ni Shaheal at excited na binuksan iyon. I remember what he told me earlier. Na masarap daw iyon at gawa pa ng kanyang ina. "Let's eat this first," ani Adrian at nag kanya-kanya na sila ng kuha. Bumuga ako ng hangin at kumuha na rin ng isa. I got curious about what he said to me and also, I'm starving to death right now. Nang nalasahan ko iyon ay tama nga si Sky kanina. It's really sweet, ngunit hindi iyon sobra at tama lamang ang tamis. Namangha agad ako sa lasa. This food is delicious, tama nga ang kanyang sinabi. I couldn't agree more with Shaheal right now after tasting the cupcakes. Maging ang pagkain dito sa kanilang mundo ay perpekto at walang kupas. Ilang sandali pa ay natigilan ako ng may lumapag na mga pagkain sa aking harapan. Lahat kami ay natigilan at mabilis na umangat ang aming mga mata. "Kristel," I said as I saw her. Matipid niya akong binigyan ng ngiti sa kanyang mga labi. "I told you that I will treat you, I'm keeping my promise," aniya. Bumuga ako ng hangin habang ang mga mata nila Crystal at Shaheal ay nagtatanong na sa akin. "It doesn't matter to me if you did it or not," pahayag ko sa kanya. "I'm not doing this to pay you back from saving me, I'm doing this because I want you to be my friend," marahan pa siyang ngumiti at sinilip sila Crystal, Shaheal, Sky, at Adrian na nasa aking mga tabi rin, "I want all of you to be my friend with my best friend," aniya at bumuga ng hangin. "Jamina?" Shaheal said and chuckled. Tumango naman si Kristel. Mukhang kilala ni Shaheal si Kristel pati na rin ang best friend nitong tinutukoy. "You don't know what you're asking," seryoso kong saad sa kanya. Bumuga ako ng hangin at sandaling tiningnan ang maraming pagkain niyang binili para sa amin, "Thanks for this, and I hope this is the last time you do this," pahayag ko sa kanya. Natigilan siya at muling nakaramdam ng kalungkutan. Marahan siyang tumango bago nag martsa paalis. "What's that, Cali?" Crystal asked. "How did you know her?" Shaheal asked instead. "I helped her," ani ko. "That was really mean, Cali," ani Sky. Malamig ko siyang binalingan ng tingin. Sa tingin niya ba ay gusto kong sabihin iyon sa kanya? He doesn't know what he's saying either. "We can't be friends with normal people," ani Crystal na nakakapag pahinto sa kanya. Habang si Shaheal ay mukhang alam na iyon at hindi na nagulat pa. Marahan naman na tumango si Adrian. "If I accept her and let her to be our friend, para ko na rin siyang binigyan ng sarili niyang kamatayan," pahayag ko at diretso siyang tinitingnan, "Being friend with these normal people is giving their death early, that's why we can't be friends with them. I don't want to see them dying in the hands of evil," pahayag ko pang muli. "But you can be friends with them by hiding everything that they should not know," pahayag niya. Bumuga ako ng hangin at sandaling pumikit bago sinalubong ang kanyang mga mata ngayon sa akin. "Then that's not friendship at all," utas ko, "Friendship is about being true to each other, not hiding yourself, especially your identity that they should know," diretso kong pahayag sa kanya. Tila ba ay napagtanto niya ang lahat ng aking sinasabi. Even if we want to be friends with them, we can't. Marami na ang mga buhay na nakasalalay sa aming mga kamay. We can't let these innocent lives be in danger just because we chose to be their friends. "Let's not talk about it, lalo na at nasa public tayo," ani Shaheal sa amin. Hindi na ako kumibo at kinain na lang namin ang binigay ni Kristel. I feel bad for what I did, but I have left with no choice at all. If I'm only a normal person just like her, I will probably say yes to her and be her friend. "Hey, I heard what happened to the three students who burned their uniforms," pahayag ni Shaheal. Ang mga mata nito ay sinasabi na kung sino ang may gawa non. Alam kong batid niya na ako ang may gawa ng apoy na iyon sa tatlong babae kahapon. "Don't tell me it was you?" Adrian said. Nagkibit balikat naman ako at hindi sila binigyan ng eksakto at diretsong sagot. It's obviously me. Alam ko na malalaman nila agad na hindi iyon aksidente lamang. "It's probably her, it's fire," ani Crystal at umiling-iling. "You burned one girl's hand and burned their uniforms while they were wearing it," mahinang pahayag sa akin ni Sky. "I helped Kristel. They pour a red water to her at mabaho talaga iyon. I also let her borrow my blazer, that's why my one blazer is missing," paliwanag ko sa kanila. "That's why she wants to be your friend," ani Adrian at mahinang tumawa. Lumapag ang isang nakabote na drink sa aking harapan. Natigilan ako sa pagkain at tumaas ang aking mga mata mula sa kamay na naglapag nito doon. Ang akala ko ay si Andrew ang bubungad sa akin, ngunit sa gulat ko ay hindi si Andrew ang ang tumambad sa akin kung hindi si Jaice. Nagtagpo ang mga mata namin at binigyan ako nito ng isang ngisi sa kanyang mga labi bago nito binulsa ang isa niya pang kamay. "What are you doing, Jaycee?" Tanong ng isang babae sa kanyang likuran. Dumako ang mga mata ko sa kanyang mga kasama na walang mga emosyon na nakipag palitan sa amin ng mga tingin. Tiningnan ko ang nilapag nito sa aking harapan at walang emosyon siyang tiningnan. "I'm giving this to you," aniya at hindi pinansin ang mga kasama niya. "And why?" I asked. Nakipag palitan ito ng tingin sa akin at hindi agad sinagot ang aking tanong sa kanya. "Because I want to," aniya. That moment, while we were both eyeing each other, pareho naming binabasa ang mga mata ng isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga matang iyon. Pakiramdam ko ay misteryoso ito na hindi ko maintindihan. "Okay," ani ko ay sinadya ko na hindi magpasalamat sa kanya. Tumalikod ito at agad na sumunod ang kanyang mga kaibigan sa kanya. Ngayon ko lamang siya nakitang kasama ang mga iyon. Ang lagi kong nakikitang kasama niya ay si Ismael na halata naman na puno ng kayabangan sa kanyang katawan. "Him again," ani Crystal at napailing. "Kaklase namin ang dalawang iyon," ani Shaheal at tinutukoy ang isang lalaki at babae na may nakalagay sa mga tainga. "They are all new here," ani Sky habang pinagmamasdan pa rin ang kanilang grupo. Nanatili ang mga mata ko sa kanila. Isa isa ko silang pinagmamasdan at hindi ko maiwasan na magkaroon ng pagtataka at ideya sa aking isipan. Jaycee, he looks mysterious. At si Ismael, he's my number one suspect here. Hindi siya mapagkakatiwalaan, at hindi ako makukumbinsi agad na isa nga siyang normal na tao tulad ng mga narito. They all looked normal just like the students here. Ganoon ang una kong tingin kay Jaycee nang magtagpo ang aming mga landas sa mall. Ngunit ngayon na pinagmamasdan ko siya kasama ang mga taong ito, pakiramdam ko ay hindi lamang siya ang misteryoso. He's not the only one who's mysterious. Ang dalawang babae, at si Ismael pati na rin ang isa pang lalaki, I'm starting to feel something that might be true. We are all hiding in our shells as we play hide and seek. We don't know each others' faces, at tanging mga kapangyarihan lamang namin ang impormasyon na mayroon kami. Bumuga ako ng hangin. They are all mysterious just like the enemies hiding their identities. clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD