bc

AMPON NG BILYONARYO

book_age18+
338
FOLLOW
3.8K
READ
billionaire
powerful
heir/heiress
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa limang inampon ni Senior Antonio Altaverano, si Jenny ang napili niya. Dinala siya sa Russia at doon pinakasalan nang bongga.

Sa simula, takot na takot siya sa may edad at powerful na bilyonaryo. Ngunit unti-unting nagbago ang lahat— minahal siya nito nang tapat, itinuring siyang reyna sa sarili nitong teritoryo at mahal na mahal na rin niya ang asawa kahit malaki ang agwat ng kanilang edad.

Subalit hindi matanggap ni Louisse Altaverano na halos kasing-edad niya ang naging pangalawang asawa ng kanyang ama. Kaya gumawa siya ng paraan upang sirain ang lahat at kasabwat niya ang Ninang Claudia na matagal nang may pagtingin sa ama niyang Senior.

Isang gabi, nagising na lamang si Jenny sa isang silid na may katabing ibang lalaki!

Nagalit nang husto si Senior Antonio.

Hindi siya pinakinggan nito kundi ikinulong siya, pinahirapan, at sa huli — ipinalit kay Claudia.

Tuluyang nadurog ang puso ni Jenny. Lalo pa’t buntis siya sa anak nila ni Senior Antonio.

Paano siya makakatakas sa kamay ng makapangyarihang asawa? Saan siya pupunta upang iligtas ang sarili at ang batang dinadala niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Takot na takot si Jenny habang isa-isa silang tinitingnan ng masungit na si Aling Gilda. Matalim ang mga mata nito habang maingat nitong kinikilatis ang bawat isa sa kanilang limang dalagang nakatayo sa harapan nito. Kung titingnan ang porma ni Aling Gilda —ang mukha nitong may makapal na make-up, ang mga taingang may suot na gold earrings, ang makapal na kilay na maayos ang pagkakagawa, at ang leeg na may dalawang mamahaling kuwintas—maaaring isipin ng sinumang makakakita sa kanya na siya ang tunay na may-ari ng malaking bahay na tinitirhan ng limang ampon. Si Aling Gilda ang nagsisilbing mata at tagabantay sa loob ng bahay. Siya rin ang inatasan na magbibigay sa kanilang mga pangangailangan lalo na ang kanilang allowance para sa pag-aaral. Masungit ito at halos palaging galit, kaya naman siya ay takot sa katiwala ng bilyonaryo. Muli nitong sinipat nang mabuti ang kanilang mga suot upang matiyak na maayos ang mga suot nila. "Pagdating ni Senior Antonio, babatiin ninyo siya at kailangang lagi kayong nakangiti. Ayaw ng Senior na nakasimangot ang isang babae. At kung isa-isa kayong ipapatawag at kakausapin, dapat maging malambing kayo sa kanya dahil siya ang taong umampon sa inyo at nagbigay ng lahat ng kailangan ninyo." Malakas ang boses na sabi ng babaeng katiwala na si Aling Gilda. Walang isa man sa kanilang lima ang sumagot. Tahimik lamang silang nakatayo habang hinihintay ang pagdating ng bilyonaryong nag-ampon sa kanila. At sa kanilang lima, si Jenny ang pinakabata. Siya ay 18 pa lamang ang edad. At samantalang ang apat niyang kasama ay nasa 25 pataas na ang mga edad. Huminga nang malalim si Aling Gilda bago muling tumingin sa kanilang lima. "At tandaan ninyo ito. Dumating na ang oras na matagal nang hinihintay ng Senior. Si Senior Antonio Altaverano ay isang kilalang tao sa buong Asya. At siya'y diborsiyado sa kanyang asawang Amerikana limang taon na ang nakaraan." Nagkatinginan silang lima. Ngunit sa kanilang lahat, si Jenny ang mukhang pinakakabado. "Ngayong araw, pipili na si Senior Antonio sa inyong lima." Patuloy ni Aling Gilda. Biglang nanlamig ang buong katawan ni Jenny. Siya ang huling na-ampon at nakarating sa bahay na iyon. Dalawang taon na siyang naninirahan doon, ngunit hindi pa niya kailanman nakita ang bilyonaryong nag-ampon sa kanila. Hindi niya rin maintindihan kung bakit tila excited pa ang apat niyang kasama sa posibilidad na sila ang mapili na maging asawa ng bilyonaryo kahit na matanda na ang lalaki. Pero naisip niya na baka dahil lang sa yaman ng lalaking nag-ampon sa kanila kung bakit gusto ng mga ito na sila ang pipiliin ng bilyonaryo. Pero siya? Parang hindi na siya makahinga sa tuwing naiisip niyang magiging asawa niya ang isang lalaking mas matanda sa kanya, lolo na at uugod-ugod kahit na marami pang pera. "Sa inyong lima, isa lamang ang pipiliin niya. Kung sino ang magustuhan niya, siya ang dadalhin niya sa sarili niyang pamamahay. Isang marangyang pamamahay kung saan magiging reyna kayo dahil siya ang Hari." Patuloy na salita ni Aling Gilda na napataas pa ang kilay. "Sana ako na lang ang mapili ni Senior Antonio," masayang sabi ni Kathy, ang isa sa mga ambisyosang ampon ni Senior Antonio. "Ako, okay lang kahit dalawa pa tayong piliin ng Senior. Dalawa tayong mag-aalaga sa kanya at magiging babae niya," excited namang sabi ni Salome na ngumiti. "Eh, kaya lang ay isa lang talaga ang pipiliin," sabi naman ni Eunice. Saglit na tumigil si Aling Gilda habang pinakikinggan ang pag-uusap ng mga ampon. Pagkaraan ng ilang segundo ay muli itong nagsalita. "Sigurado ako na isa sa inyong apat ang pipiliin ng Senior para maging asawa niya." Hinagod nito ng tingin ang apat bago napunta ang mga mata nito kay Jenny. "At ikaw, Jenny... bata ka pa. Kaya siguradong hindi ka pipiliin ni Senior Antonio. At..." Sinipat nito ang dalaga mula ulo hanggang paa. "Kulang ka rin sa pag-aalaga sa sarili mo." Nakahinga nang maluwag si Jenny. Kahit paano, nakaramdam siya ng kaunting ginhawa dahil sa sinabi ni Aling Gilda. Biglang natahimik ang buong paligid dahil wala nang nagsalita. Ngunit ramdam ng lahat ang tensyon habang hinihintay nila ang pagdating ng bilyonaryong nag-ampon sa kanila. Sa simula ay hindi alam ni Jenny sa pagdating niya na pipili ang bilyonaryo na mapapangasawa sa mga ampon nito sa huli. Nalaman niya huli na lang. Ngunit ngayon lamang niya tunay na naramdaman ang pagkatakot. "Kapag kayo ang napili, wala nang dahilan para tumanggi," malamig na pagpapatuloy ni Aling Gilda. "Kaya simula ngayon, ipakita ninyo sa Senior ang inyong pinakamagandang asal. Maging maayos, magalang at higit sa lahat, huwag ninyo siyang bibiguin." Napayuko si Jenny. Hindi niya alam kung ano ang higit na dapat niyang maramdaman—takot ba o pangamba. Dalawang taon na siyang nakatira sa bahay na iyon. Sa buong panahong iyon, itinuring niya si Senior Antonio Altaverano bilang taong nagligtas sa kanya mula sa kahirapan, kahit hindi pa niya ito kailanman nakita. Ngunit ngayong araw, sa wakas ay makikita na niya ang lalaki. Ilang sandali pa ay narinig nila ang tunog ng isang sasakyang huminto sa labas. "Parang nandito na si Senior Antonio Altaverano," sabi ni Aling Gilda. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ni Jenny. Samantala, ang apat niyang kasama ay tila lalo pang naging excited. Naghihintay lang sila. Hanggang sa biglang bumukas ang malaking pinto ng bahay. Napatingin silang lahat sa pintuan. At nakita nila ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit ang unang pumasok. Seryoso ang mga mukha habang maingat na tinitingnan ang paligid. Mga bodyguard pala ito ng bilyonaryong dumating. Sumunod ang dalawa pang bodyguard at nanatili sa magkabilang gilid ng pintuan. Agad na tumahimik si Aling Gilda, pati na ang apat na babaeng ampon na kasama niya ay hindi na gumalaw. Ilang segundo pa ang lumipas bago pumasok si Senior Antonio. Napatingin si Jenny sa lalaki at nabigla siya sa kanyang nakita. May edad na ang bilyonaryo, ngunit hindi niya inaasahang ganoon pa rin ito katikas. Matangkad ito, malapad ang balikat at maayos ang suot na mamahaling itim na suit. Maawtoridad ang dating, Mestiso ang mukha, matangos ang ilong, makapal ang kilay at gwapo pa rin kahit may edad na! Sa likuran nito ay may dalawa pang bodyguard na tahimik na sumusunod. May dalawa ring nanatili sa may pintuan habang ang iba ay maingat na nakapuwesto sa paligid ng kanilang amo. Doon lalo naunawaan ni Jenny kung gaano kayaman at kapangyarihan ang lalaking nag-ampon sa kanila. Hindi niya maiwasang mapatitig kay Senior Antonio. Ito ang unang pagkakataong nakita niya ang bilyonaryo! Sa isip niya, akala niya ay isa itong mahina at uugod-ugod nang matanda. Ngunit hindi pala. Sa halip, mukha itong isang lalaking kayang mag-utos na laging sinusunod. Dahan-dahang tumingin si Senior Antonio sa apat na dalagang babaeng ampon niya. Seryoso ang mukha nito habang isa-isa silang kinikilatis. "Magandang hapon po, Senior Antonio," halos sabay-sabay na bati ni Aling Gilda at ng apat na dalagang ampon maliban kay Jenny na halos hindi kayang ibuka ang bibig. Ngumiti silang lahat. Tahimik lamang na pinagmasdan ni Antonio ang apat na dalaga bago unti-unting napunta ang tingin nito kay Jenny. Napatingin din si Jenny rito. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata, agad na napayuko si Jenny. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya at takot. Mas lalo lamang bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil hindi agad inalis ni Senior Antonio ang tingin sa kanya. Nanatili itong nakatingin kay Jenny nang ilang segundo. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang damit bago muli siyang napayuko. Naalala niya ang sinabi ni Aling Gilda. Malaki ang posibilidad na hindi siya piliin ng Senior dahil bata pa siya. At sana ay totoo iyon. Dahil kahit matikas, gwapo at makapangyarihan ang lalaking nasa harapan niya, hindi pa rin niya maiwasang matakot kay Senior Antonio Altaverano. Lalo na sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay parang hindi na siya makahinga. At sa unang pagkakataon, naisip ni Jenny na baka mali si Aling Gilda.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.2K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.7K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.0K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
14.6K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.6K
bc

In Bed With Kuya Red

read
52.7K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook