Ang kaniyang dahilan

388 Words
“Maghiwalay na tayo.” Mga salitang napakasakit pakinggan. Daig pa yung sinasaksak ang puso ko. Inangat ko ang aking kamay para hawakan siya at magmakaawa. “Bakit naman?” Pagpipilit ko pa. “Maaayos naman natin ito diba?” Iniisip ko kung saang punto ako nagkulang. Ano ba ang ginawa ko kung bakit siya makikipaghiwalay sa akin? Larawan kami ng napakaperpektong relasyon. Pero bakit naman ang dali sa kaniya na kalimutan ang lahat? Na hindi niya ba naisip yung aking nararamdaman? Na kahit lalaki ako ay nasasaktan din? Hindi niya magawang tumingin sa aking mga mata. At pinili nitong ibaling ang tingin sa malayo. “Ayuko na sa iyo, James Carl.” Na kung saan ay hindi ko naman matanggap ang kaniyang pinagsasabi. “Iyan lang ba ang dahilan mo? O may iba ka nang mahal? O di kaya ay…” Agad niyang pinutol ang sana ay pagsasabi ko. “Bakit? Dapat ba may dahilan?” Hindi ko naman napigilan ang aking sarili na sigawan siya. “May iba ka na ba?” Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga salitang lumabas sa aking mga labi. Umaasa ako na sana ay iba ang aking iniisip. “Wala akong iba! Bahala ka na nga!” At hindi siya nagdalawang isip na iwan ako. Parang nanigas ako sa aking kinatatayuan. Napatingin sa isang maliit na kahon na nasa aking bulsa. Sa luob nun ay singsing, na kung sana sa araw na ito ay hihingiin ko ang kamay niya bilang maging araw at gabi ko hanggang sa aing pagtanda. Pero mas pinili niya pang iwan ako. Iniwang mag-isa hanggang sa unti-unting pumatak ang ulan. Maya’t maya ay tumunog ang cellphone ko. Kahit mabasa man ng ulan ay kinuha ko iyon at napatitig ako. “I am enaged to Ezekiel.” Pagbabasa ko pa sa caption niya sa isang post nito. Bulong ko pa sa aking sarili, “yung hinala mo noon James Carl ay totoo.” Napatingala ako sa kalangitan habang nakikiayon ang ulan sa aking nararamdaman. Pagpapangako ko pa, “hinding-hindi na ako magmamahal.” Ginugol ko ang aking sarili sa pagtrabaho. Sumikap ako hanggang sa maabot ko kung nasaan ako ngayon. Wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin nila sa akin. Kasi kailan man ang pagmamahal at pag-ibig na sinasabi nila ay hindi naman totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD