Chapter 3

1186 Words
Anton Smith: Can we see each other? Natigilan si Sheila nang mabasa niya ang chat ni Anton. Kasalukuyan siyang nasa farm niya at nagpapakain sa mga manok. Ilang araw na rin silang nagkakausap ni Anton mula noong magkakilala sila sa dating site. Nagpalitan na sila ng PeysBuk account para roon magkausap ng maayos. Syempre, dummy account ang ibinigay niya. Magaan ang loob niya sa binata, pero gusto lang niya mag-ingat. Nakagat niya ang kanyang labi at pinag-isipang maigi ang sinabi nito. Tinigil niya ang pagsasaboy ng patuka at tumayo ng maayos. SheyBom: Where? Anton Smith: Anywhere you want. I want to see you now. Kung gusto mo puntahan kita sa inyo? Napangiwi si Sheila. “Sure ba ‘to?” Napaisip siya. Ilang araw pa lang silang nagkakausap, pero sa chat pa lang. Technically ay wala pa siyang pagkakakilanlan dito. Kaso… “Teka nga.” SheyBom: I'll think about it. Ipinasok na niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tinapos ang pagpapakain sa kanyang mga alaga. Sumakay na siya sa kanyang motor at nagpunta sa bahay ng kaibigan niya. Hindi na siya nagtawag pa at dere-deretsong pumasok sa loob ng bahay nito.  “Vang– Ay, na saan ‘yon?” Napakunot ang noo niya nang makita niyang wala si Vangie sa tindahan nito kahit bukas. Hindi ito na alis sa loob kung bukas ang tindahan. “Na saan kaya. Vangie!” tawag niya. Pumasok siya sa loob ng bahay nito at pumunta sa kusina pero wala rin ito roon. Kaya naman ay pumanik na siya sa silid nito. “Vangie may sasabihin ako – Ay putangina!” Agad siyang napatalikod nang makita niyang nasa kwarto si Vangie at may nakapatong sa kanya. “Sheila! Bakit hindi ka kumakatok?!” sigaw ni Vangie. Mabilis nitong tinulak si Bert na nasa kanyang ibabaw pa. Natatawa namang lumayo si Bert kay Vangie. “Malay ko bang andito ‘yang fafa mo.” Iniikot ni Vangie ang kanyang mga mata. “Lumabas ka na!” Muling humarap si Sheila at pinamaywangan ang kaibigan. “Sorry naman! Ikaw na may ka-s3x!” aniya at lumabas ng kwarto. Nagmartsa papunta sa sala at doon naghintay sa kaibigan. Pakiramdam niya ay bigla siyang na pag-iwanan. Ang kanyang kaibigan ay mayroong ng boyfriend at muli nang na didiligan. Kahit madiligan na lang sana. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang mga yabag ng kaibigan niya. Kasunod nito si Bert na kasintahan nito. “Ano? Bakit kasi hindi ka kumakatok?” inis na tanong ni Vangie. Namumula pa ang mukha niya dahil sa labis na hiya. Sino bang hindi? Eh na huli sila na may ginagawang Milagro. Iniikot lang ni Sheila ang kanyang mga mata. “Eh sino ba kasi nagsabing magk4ntutan kayo? Tanghaling tapat oy!” "Bunganga mo talaga!" Tumawa si Bert. “Doon muna ako sa tindahan.” Sinundan ni Sheila ng tingin ang kasintahan ni Vangie. Ang swete talaga ng bruhang ‘to. Agawan ko kaya? napailing si Sheila at bahagyang natawa. Kahit ilang beses pa siyang iwanan ng lalake, h’wag lang ng kaibigan. Tumabi si Vangie sa kanya. “Ano bang kailangan mo at sumugod ka na naman dito?” “Wow ha? Purket dito na rin nakatira ‘yang jowa mo hindi na ako pwedeng pumunta rito? Nakakapangtamo ha?” “As if naman mapipigilan kita?” Ngumiti si Sheila at dumikit pa sa kaibigan. Tama ito. Kahit naman pagbawalan siya nito ay pupunta pa rin siya. Alam din naman niyang hindi siya matitiis ng kaibigan niya. “Ano kasi. May itatanong sana ako.” "Ano?" Bumuntonghininga si Sheila at nag-iwas ng tingin sa kaibigan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan iyon. Pagkatapos ay ipinakita niya rito ang pag-uusap nil ani Anton. “Ha? Sino ‘to?” takang tanong ni Vangie habang binabasa ang conversation ng dalawa. “Si Anton, nakilala ko sa dating site. Gusto na niyang makipagkita sa akin.” Tumaas ang kilay ni Vangie. “Dating site?” Tumango-tango si Sheila. “Oo nga. Ano sa tingin mo? Makikipagkita ba ako sa kanya?” Huminga nang malalim si Vangie. “Sheila. Ako pa talaga tinanong mo ha? Malamang hindi! Paano kung killer ‘yan? Edi mawawala ka na lang nang hindi namin nalalaman?” Na iikot ni Sheila ang kanyang mga mata. Tama ang kanyang hinuna, hindi papayag ang kaibigan niya. Sa kanilang dalawa talaga ay ito ang parang nanay, at siya naman ang pasaway na anak. Pero maganda. “Eh, gusto ko lang naman ano. Alam mo na? Hindi lang naman ikaw ang tigang dito.” “Sheila! Magtigil ka. Hindi ako papayag. Mamaya patayin ka niyan.” “Graba ka naman sa patay. Pero pwede naman, basta sa sarap niya ako papatayin.” Na iawang ni Vangie ang kanyang bibig. Napailing na lamang siya at hindi makapaniwalang tiningnan ang kaibigan. “Kung ano-ano talaga ang na iisip mo.” Bumuntonghininga si Vangie. “Bahala ka. Alam ko naman na hindi ka magpapapigil eh.” Lumabi si Sheila. “Ang totoo kasi, na iinggit lang naman ako sa ‘yo. May bebe ka na, ako wala. Kahit manlang magdidilig sa akin, kahit ‘yon lang.” “Sheila. Hindi ko rin naman in-expect na darating pa sa akin si Bert. Tsaka ano ka ba? Ikaw mawalan?” Hinampas ni Sheila ang braso ng kaibigan. “Wala ah! Magsa-sign up ba ako kung meron?” “Ah ewan. Ako kinakabahan sa ‘yo eh. Bakit diyan ka pa naghanap ng lalake? Teka, tanungin ko si Bert baka may kakilala siya.” "Hoy! H'wag na! May Anton na ako." “Bakit? Kilala mo na ba talaga ‘yan? Nakita mo na?” “Sa picture,” tugon niya. "Nag-video call na kayo?" Kumibot-kibot ang labi ni Sheila. Nakausap na niya ito sa tawag. Ang gwapo nga ng boses nito eh, ang lalim at ang seksi pakinggan. Pero ni minsan ay hindi pa sila nag-video call. "Hindi pa." “Oh? Tapos gusto mong makipagkita? Gusto mo ba talagang mamatay?” Iniikot ni Sheila ang kanyang mga mata at tumayo. Nagparoo’t parito sa sala ni Vangie. “Mabait naman siya eh.” “Sa chat, pero hindi sa personal.” “Wala naman akong balak jowain, Vangie. Titikman ko lang.” Napailing-iling si Vangie sa sinabi ng kaibigan. Kahit kailan talaga ay napaka adventurous nito. Pati lalake ay gustong suongin. “Bahala ka nga. Kailan kayo magkikita?” Nagkibit ng balikat si Sheila. “Wala pa. Hindi ko pa nakakausap ng maayos. Tinanong muna kita.” “Tinanong mo pa ako. Bakit? Nakinig ka ba sa akin?” Muling umupo si Sheila at tumabi sa kaibiga. "Sorry na. Mag-iingat naman ako." "Kapag ikaw talaga mamatay, ililibing na lang kita." Natawa si Sheila sa sinabi ng kaibigan. Sa lahat ng desisyon niya ay alam nito. Hindi naman siya nag-aalala na masamang tao ito. Hindi naman siya tanga para hindi mag-ingat. Sana nga lang ay totoong tao ito at hindi kagaya sa mga na uuso ngayon na scam lang o fake account. Kalma ka lang, Sheila. Madidiligan ka rin. © 07 – 23        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD