Umamin ang suspect na kaya niya nagawa yun sa kotse ni Congressman ay dahil nahingi sila ng tulong sa opisina ni Congressman pero hindi sila pinapansin pero hindi ito alam ng Congressman kasi lahat ay dumadaan muna sa sekretarya niya.
Pinuntahan ito ni Andy pagkatapos ng imbestigasyon, nakayuko ito habang nakaupo sa sahig nasa loob na ito ng kulungan kasama pa ng ibang nakakulong.
"Anton." tawag ni Andy dito, tumingin ito at malungkot siyang sinilayan.
"Bakit? Masaya na ba kayo na napakulong niyo ako mas lalo na akong hindi makakakuha ng tulong para sa anak ko."
"Tinanong mo ba sa sarili mo yan bago ka gumawa ng mga hakbang mo? Ang dami pwedeng ikaso sayo pa sayo bukod sa ginawa mo kay Congressman, driving without license, carrying gun without license alam mo ba kung ilan taon ka pwede makulong?"
Napahagulgol ito sa mga sinabi ni Andy.
"Ano magagawa ko mababaliw na ako, nadengue ang anak ko hindi ko alam saan ako kukuha ng pambayad sa hospital ngayon nangangailangan pa siya ng dugo pero wala rin ako makuha gulong gulo na utak ko."
"Pero hindi solusyon ang ginawa mo naging mas malaki pa tuloy problema mo."
"Pasensya na isa lang naman ako ama na lahat gagawin sa anak niya pero mali talaga ginawa ko hindi ko na maibabalik."
Medyo matagal silang nagusap, tinawag na siya ni Russ para makaalis na.
"Congressman." tawag ni Andy dito pagsakay nila sa sasakayan. Nakakunot pa rin ang mga noo nito, inis pa rin sa ginawa ni Andy.
"Baka ho pwede tayong pumunta sa hospital kung saan nakaconfine ang anak ng suspect gusto ko lang sana iconfirm kung totoo ang sinasabi niya."
"Kailangan ba pa yun?"
"Eh kung hindi po sa inyo okay mauna na po kayo umuwi susunod na lang ako." pabukas na sana ng pintuan ng kotse si Andy ng hawakan nito ang braso niya ni Congressman.
"Ayan ka na naman aalis ka na naman mag-isa. Halika na pumunta na tayo sa sinasabi mong hospital." iritadong sabi ni Bon.
Andito na sila sa parking lot ng hospital.
"Ako na lang po papasok." prisinta ni Andy
"Hindi na sasama ako." ani Bon, sumama na rin sila lahat, pagdating palang nila sa helpdesk ng hospital ay pinagkakaguluhan na si Congressman ang daming nagpapapicture dito na mga staff pati mga tao na andito sa lobby. Nakatutok naman ang tingin nila Russ, Jorge at Lucas sa paligid habang kausap ni Andy ang receptionist inaalam kung saan ang room ng anak ni Anton.
Sinamahan sila ng isang nurse sa isang kids ward sa third floor, nagulat ang mga andito puno ang sampung kama ng mga pasyente kasama ang mga nag-aalaga sa mga ito.
"Congressman." hiyaw ng mga magulang ng mga bata at agad na nilapitan siya.
"Ayun po sila sa dulong higaan mam." sabi ng nurse kay Andy.
"Hello po magandang gabi kayo po ba si Mrs Garcia asawa ni Anton?" bungad niya sa babaeng nakaupo sa gilid, tulong ang batang babae na nakahiga at may oxygen.
"O-opo andito po ba kayo ni Congressman para sa hinihinigi naming tulong? Napuntahan na po ba kayo ulit ng asawa ko nakailang balik na po kasi siya don hindi po niya makausap daw si Congressman salamat at pinagbigyan niyo kami? Nasaan na po siya?" sunod sunod na tanong nito.
"Ako nga po pala si Andy, isa sa mga bodyguard ni Congressman."
"Salamat naman po nadinig ang mga panalangin ko na matulungan kami para madugtungan ang buhay ng anak ko po." umiiyak na sabi nito tumayo ito at niyakap ako ng sobrang higpit. Niyaya muna ni Andy itong lumabas para makapag-usap ng wala masyadong tao na makakarinig.
"Pasensya na po Mrs Garcia, pero may sasabihin ako. May ginawa pong hindi maganda ang mister niyo, mas pinili niyang maging mapusok dahil sa kakaisip saan siya kukuha ng pera ng tulong para sa anak niyo. Dahil sa maling desisyon niya nakakulong na siya ngayon." dineretsa na siya ni Andy doon din naman papunta ang usapan nila.
"Huh." hindi makapaniwala na sabi nito sa narinig. Nasa likod na ni Andy si Congressman at iba pa nitong bodyguard.
"Misis binaril niya ang gulong ng kotse ko, buti na lang hindi kami ang pinatamaan niya. Well bulletproof naman ang kotse ko pero he still caused us harm." ani Congressman.
"Hindi magagawa ng asawa ko yun Congressman, responsable at mabait si Anton." gulong gulo pa rin si Mrs Garcia.
"Totoo po yun Misis, etong isang magaling kong bodyguard ang humabol sa asawa mo habang tumatakas, pinagbabaril niya rin siya habang hinahabol siya ni Andy." kwento ni Congressman.
"Hala! Bakit nagawa ni Anton yun paano na kami ng mga anak namin, siya lang ang inaasahan namin wala akong trabaho may sakit pa tong anak ko. Parang mababaliw na rin ako."
"Maging matatag po kayo, hindi pa po huli kailangan niyo maging matatag para sa pamilya niyo. Tutulong po ako sa makakaya ko, magdodonate po ako ng dugo ko kailangan daw po ng anak niyo."
"Kami din po magdodonate din kami dugo." nagprisinta na rin sila Jorge, Russ at Lucas. Nakatingin si Bon kay Andy na inaalo pa rin si Mrs Garcia na walang tigil sa paghagulgol.
"Sige sige ako na bahala sa hospital bills." hindi napigilan na yakapin ni Mrs Garcia si Congressman.
Nakipagcoordinate si Andy sa nurse na magdodonate sila ng dugo ngayon, pati si Congressman ay napilitan na rin sumama. Nakahilerang nakahiga na silang apat at sinisimulan ng kuhaan ng dugo.
"Bibigyan po namin kayo ng blood donor card, first time niyo po bang magdonate ng mga dugo?" tanong ng isang nurse sa kanilang apat.
"Hindi po meron na po kami niyan ni Andy twice a year po kami nagdodonate ng dugo." si Russ ang sumagot.
"Talaga tol." hindi makapaniwala na tanong ni Lucas.
"Oo tol may benefits din naman ang pagdodonate ng dugo, bukod sa makakatulong ka na sa kapwa mo para rin sa sarili mong katawan may magandang dulot din daw to sabi sa amin noon."
"Totoo po iyon madaming benefits ang pagdodonate ng dugo para mapalitan din po ang dugo sa katawan niyo ng bago, it can also reduce your risk of developing cancer, lower your risk of suffering a heart attack, can reduce harmful iron stores, can help your liver stay healthy." explanation ng isa pang nurse.
Pagkatapos nilang magpahinga ay umalis na sila at nagdesisyon sila na magdrive thru na lang sa isang fast food restaurant at dumeretso na sa condo. Nagpasama si Congressman na kumain sa condo unit niya, after that ay nagpaalam na rin ang tatlo na pupunta na sa sarili nilang unit.
"Andy." tawag ni Bon, nakaupo pa rin ito sa dining at humihigop ng tsaa.
"Bakit po?" paalis na sana siya papasok ng kwarto niya para magpahinga.
"Alam bo bang ayaw ko ng ginawa mo kanina?"
"Opo kanina mo pa pinaparamdam at sinasabi sa akin."
"Paano kung napahamak ka don, babae ka pa naman ikaw pa ang nauuna na sumugod."
Napailing ng lihim si Andy, hindi niya maintindihan kong ano bang mali sa ginawa niya. Bodyguard siya nito kaya trabaho niya ang siguraduhin na ligtas ito at ilayo sa kapahamakan.
"Ano po ba ako dito Congressman?"
"Bodyguard ko." mabilis na sagot ni Bon.
"Alam niyo naman po siguro ang trabaho at tungkulin ng isang bodyguard diba?"
"Aba syempre."
"Eh bakit po kanina pa pumuputok ang buche mo? Kung mamatay man ako sa pagliligtas ko sayo ginawa ko lang trabaho ko, kaya please Congressman wag na wag niyo po ako bubungangaan lalo na pag nasa engkwentro ako." napasandal ng madiin si Bon sa sinabi nito.
"Ganyan ka katapang? Handa ka mamatay para sa akin?"
"Yes Sir, yan po ang sinumpaan kong tungkulin." taas noong sabi niya sabay iniwanan na si Bon.
Pagod na siya para makipagdiskusyunan pa.