Chapter 10

1468 Words
"Bakit napakaseryoso ng mukha mo?" tanong ni Russ kay Andy pagkatapos ihatid si Congressman sa assembly hall. "Bakit kelan mo ba ako nakita na nakabungisngis?" naupo si Andy sa waiting area at seryoso pa rin nakatingin lang ng diretso. "Ay sabi ko nga eh." natatawang sabi ni Russ. "Supalpal ka na naman kay Andy ah." pang-aasar ni Lucas. "Sanay na ako diyan pre." mahinang nagtawanan lang ang dalawa nilingon kasi sila ni Andy. Paisa isa sila nagbreak, matagal daw kasi ang meeting dito ni Congressman minsan inaabot na ng gabi. Lagpas alas dose na nagbreak si Andy. Papunta na siya sa canteen ngayon, pumili siya ng iba't ibang ulam libre din sila dito naglakad na siya papunta sa pinakasulok na mesa para kitang kita niya ang buong paligid. Nasa kalahati na siya ng kinakain niya ng alam niyang may papalapit sa kanya sa gilid niya ito dumaan. "Can i join you?" hindi niya ito nilingon at mas binilisan ang pagsubo ng mga natitirang pagkain niya hindi niya ugali magtira ng pagkain kaya kahit gusto niya ng umalis ay hindi pa niya magawa. "Tapos na ako." hindi niya pa rin ito nililingon. Tumayo na siya at palakad na palayo ng hawakan siya nito sa siko niya, tinignan niya ng masama ang kamay nito. "Diba sabi ko sayo wag mo akong hahawakan?." marahas ni inalis ni Andy ang siko na hawak nito. "Andito ako para magsorry." ani Lander, patuloy na naglakad si Andy. "Suplada ka ah. May araw ka rin sa akin. I can get whatever i want b!atch." mahinang sigaw ni Lander sapat lang para marinig ni Andy hindi siya lumingon para sagutin ito nagpatuloy lang siya sa paglalakad. "Andy anong meron?" si Jorge, kumukuha ito ng kape ng makita niya si Andy na kausap si Lander. "Nakita mo naman diba?" masungit na sagot ni Andy. "Anak ni Congressman Olivar yun, pamangkin din ni Senator Olivar." tinapunan lang ng mabilis na tingin ni Andy si Jorge at binuksan na ang pintuan ng canteen. Hinabol naman siya ni Jorge. "Ano nangyari don? Bakit ka niya nilapitan?" curious pa rin na tanong ni Jorge. "Hinipuan niya ako kanina nagsosory siya okay na ba?" "Hala! Nabiktima ka rin pala ni Lander kilalang tirador ng mga chicks yun, sabi nga what he wants he can get it." "Pwes hindi ako." Kanina pa tambay sila Andy dito sa waiting area, ilan beses niya nakikitang padaan daan dito ung Lander at lagi siyang tinitignan tuwing napapadaan ito. Alas kwatro ng lumabas si Congressman. "Team, wala na ako lakad pupunta tayo sa hospital yung dinalaw ko noong nakaraan." papunta sila ngayon kay Cham, dadalaw si Bon matagal na din yung huling punta niya "Yes Congressman ako na magmamaneho." prisinta ni Russ. "Daan muna tayo ng MOA bibili ako ng pasalubong." malapit lang ito mga 10mins drive. Palabas na ang kotse nila sa from senate hall papuntang Roxas Blvd na main road ng may pumutok na baril. "Yung gulong natin sa harap ang tinira." ani Russ. Agad na lumabas si Andy sakto pagbaba niya may motor na nasa gilid ng kotse nila, hinarang niya ito. "Emergency lang magkita tayo sa pinakamalapit na police station." walang nagawa ang may-ari ng motor ng balyahin na siya ni Andy paalis ng motor niya. "Russ take over, siguraduhin mong safe si Congressman. Pakiexplain na lang don sa kinuhaan ko ng motor. Nakikita ko pa ang suspect." "Andy! Anong ginagawa mo?" si Congressman inagaw ang tube earphone ni Jorge. "Hinahabol ang suspect." kaswal na sagot ni Andy dito. "Bumalik ka na dito baka mapahamak ka." "Babalik lang ako pag kasama ko na ang bumaril ng gulong ng kotse mo. Lucas please take over alisin mo na ang earphone kay Congressman." ayaw pa naman niya ng magulo pag may hinahunting siya. "Teka lang kinakausap pa kita." "Congressman sorry kaya na po ni Andy yun." rinig ni Andy na sabi ni Russ. "Kayo mga lalaki pero bakit si Andy ang nasa labas? Ano kayo display lang dito?" galit na galit na sabi ni Congressman. Mabilis ang pagikot ikot ng kamay ni Andy sa gas ng motor, nakatutok siya sa motor na nasa harap kung saan nakasakay ang bumaril sa gulong ng kotse ni Congressman. Ilang traffic enforce na ang pinapara siya pero pinapakita niya lang ang ID niya na she's working for a Congressman sabay sibat na. Paiba iba ito ng linya at singit ng singit sa mga sasakyan. Mas lalong binilisan ni Andy, swerte na niya lang at magandang uri ng motor ang naagaw niya. "Tumigil ka!" sigaw niya ng gahibla na lang ang layo niya sa suspect. Lumipat na naman ito ng linya nang makarating sila sa isang tulay. Kinuha ni Andy ang baril na nakatago sa gilid niya sinigurado niya na mababaril nito ang likuran na gulong, sumampa ang motor ng suspect sa gutter ng tulay kaya nakakuha ng tyempo si Andy at agad niyang binaril ang gulong nito, natumba ang motor kaya biglang tumalon ang suspect sa ilalim ng tulay. Agad na pinark ni Andy ang motor sa gilid at tumalon medyo mataas ang tulay napapalibutan nito ng tubig at sa gilid ay saktong laki ng kalsada, pagbaba niya mula sa tulay nakita niya medyo iika ika ang suspect mukhang panget ang pagkalanding nito mula sa tulay, siya kasi ay gumulong pag kababa niya para hindi lahat sa paa niya ang weight ng pagkakatalon niya. "Team, iniwan ko ang motor sa taas ng tulay along with the suspect's motorcycle. Call for back up to trace the motorcycle's owner." "Sabi ng tumigil ka na eh." sigaw ni Andy sa suspect. Napailag ako ng lumingon siya sabay pinaputukan ako ng tatlong beses. Buong lakas ko siyang tinakbo, nang malapit na ako ay nagslide ako papunta sa kanya at pinatid ang paa niya. Agad kong sinalo ang mga kamay niya at pinilipit ito ng sobrang lakas. "Argghhh puta ang sakit" ungot niya dahil pabalya ko siyang pinadapa umupo ako sa may pwetan niya dahil kumakawag kawag pa siya at hinawakan ko pa ang isang kamay niya para ilagay sa likod kasama ng isa pa niyang kamay. HInanap ko ang posas na tinatago tago ko, at pinosasan siya. "Pakawalan mo ako!" nagpupumiglas pa rin ang lalaking suspect. "Bakit mo ginawa yun?" matigas na tanong ko. "Wala akong alam." "Kung wala kang alam hindi ka tatakbo ng tatakbo pag sinabihan na kitang tumigil." "Pulis ka ba huh? Anong karapatan mong posas posasan ako?" "May karapatan ako hindi kita hahabulin kung wala." "Mali tong ginagawa mo hindi ako ang bumaril." "Kahit anong denial mo madaming ebidensya." "Suspect captured, need police back up below the bridge 500 meters away." balita ni Andy sa tube earphone niya. "Hoy Andy! Okay ka lang ba?" singit ni Congressman. "Sasama muna ako sa police station kayo na bahala kay Congressman." "May gumagawa na ng gulong, will follow you there." si Congressman na naman ang sumasagot. Naririnig ko na ang wang wang ng sasakyan ng pulis backup. Tumayo si Andy at inalalayan ang ang suspeck na makatayo ng andito na ang mga police. Sumaludo siya sa mga ito at agad na pinakita ang ID niya. "Working for Congressman Manlapas sir." ang laki ng ngiti ng tatlong pulis na nasa harapan ko. "Very good job, ikaw lang mag-isa tumugis dito?" tanong ng isang pulis. "Yes sir." "Wow good job talaga." sabi ng isa pang pulis. "Good job talaga, muntik ng mabali ang braso ko." singit ng suspek. "Nice one, hindi naman ito magiging bodyguard ni Congressman kung wala tong ibabatbat." "Sakote ka ngayon, gagawa ka lang ng kagaguhan hindi mo naman kaya?" sabi ng pangatlong pulis ng nilapitan ang suspek. "Sasama po ako Sir." "Tara." pag-akyat sa tulay ay sumakay na ulit siya sa motorsiklo ay nagconvoy na lang sa sasakyan ng mga pulis. May naiwan na isang pulis don para magimbestiga don sa nasirang motorsiklo ng suspect. Pagdating sa police station ay agad na ininterogate ang suspect at pinincturan, naghihintay si Andy din sa may-ari ng motor. Kumukuha siya ng tubig ng narinig niya si Russ. "Andy." napalingon siya sa mga papasok kumpleto sila kasama si Congressman. Ang sama ng tingin ni Congressman kay Andy. "Tignan mo itsura mo bakit ba kasi ang ikaw ang sumugod." galit na galit na bungad ni Congressman. "Ano ba itsura ko Jorge wala kasing salamin dito." sagot ni Andy. "Ayan ang gulo gulo ng damit mo ng buhok mo, may galos ka ba tama ng bala?" ani Congressman. "Relax Congressman natural lang gugulo buhok ko ang damit ko dahil nakipaghabulan ako sa suspect pero wala naman ako galos kahit isa, i'm doing fine. Kaya kung pwede po doon ka na po sa magiinterview sa inyo to file a case." sinenyasan ko si Russ na paalisin na si Congressman sa tapat ko. Ang dami kasing dada parang babaeng putak ng putak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD