"Hi Andy" napalingon siya ng may tumawag sa kanya, andito sila ni Jorge ngayon sa gym maaga silang nagigising para magehersisyo 4am pa lang ginising na niya si Jorge. Kasalukuyang nasa bench press si Andy at nagbubuhat ng 20 kilos na bigat na barbell. Nilagay niya muna ang barbell sa lalagyan at umupo, nasa kabilang bench press naman si Jorge at nagbubuhat ng 35 kilos na barbell.
Ang tumawag sa kanya ay ang babaeng receptionist ng gym, si Molly.
"Hello." she politely answer.
"Ah kasi binilhan kita ng breakfast, ako nga pala si Molly yung receptionist." inabot nito ang isang paperbag ng kilalang coffee shop, may hot coffee ito at sandwich.
"Bakit para saan to?" naguguluhan na tanong ni Andy.
"Ah eh kasi ang aga mo dito baka hindi ka pa nag-aagahan or nagkakape?" nahihiyang sagot nito.
"Sorry ah pero hindi ko to matatanggap kasi madami naman kaming maaga dito pero bakit ako ang binibigyan mo." diretsang sabi ni Andy at binalik ang paperbag kay Molly. Napakagat labi si Molly hindi niya alam anong isasagot sa sinabi ni Andy, lalo tuloy siyang napahanga dito ang suplada na parang ang mailap.
Humahanga kasi siya kay Andy.
"Ehh kasi humahanga ako sayo ang cool mo kasi tingnan." buong loob na inamin ni Molly.
"Wow ang gwapo mo Andy." narinig to ni Jorge kaya napakomento siya ng wala sa oras, napatigil tuloy si Jorge at gustong makita ang ganap ng dalawa.
Habang si Andy naman ay hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Ah okay ganon ba salamat sa paghanga mo, pero hindi mo naman ako kailangan bigyan ng pagkain. Salamat." para namang napahiya ng slight si Molly she just smiled to hide it, pero grabe pa rin dumoble ata ang paghanga niya kay Andy. Lagi niya kasi to inaabangan na pumasok ng gym, una pa lang niya nakita ito ang lakas na ng dating ni Andy sa paningin niya.
Pag nasa mission din kasi si Andy hindi siya basta basta kumukuha ng pagkain na bigay sa kanya especially sa mga taong hindi niya kilala.
"Andy." napalingon silang tatlo sa bagong dating. Si Congressman. Agad na tumayo si Andy at Jorge at binati ito.
"Goodmorning Congressman, bakit po ang aga niyo nagising?" tanong ni Jorge, naka gym attire si Congressman.
"Hindi niyo naman ako sinasama sa paggi-gym niyo."
"Maaga po kami gumigising 4am palang ginigising na ako ni Andy Congressman baka hindi mo kayanin ang ganoong kaaga." sumbong ni Jorge, sobrang antok pa siya ng ganong oras pero since dapat ayos na sila ng 7am ay dapat maaga talaga sila pumunta ng gym at least 2 hours dapat sila makapagehersisyo. 7:30am kasi ang usual na alis ni Congressman.
"Oo kaya ko yun pero wag araw araw. Andy isama mo naman ako sa schedule mo, bakit sila lang sinasama mo sa gym." nagtatampo na sabi ni Bon.
"Ah kasi may mga coach naman po kayo dito pero kung yan po gusto niyo walang problema sa akin ayusin ko po ang schedule natin lahat."
"Ayon sige may time pa ako 5:00am pa lang."
"Hi Congressman Good morning." Singit ni Molly.
"Oh Hi hindi kita kaagad napansin bakit andito ka?"
"Dinalhan ko po kasi si Andy ng maiinom at makakain pero ayaw niya tanggapin." napatingin si Bon kay Andy na kasalukuyang inaasar ni Jorge.
"Ang gwapo ng alaga mo boss, may tagahanga." ani Jorge, sinamaan naman siya ng tingin ni Andy.
"Talaga? Crush mo si Andy?" prangkang tanong ni Bon, Molly just nodded for three times to confirm. Natawa lang si Bon.
"Ang cool po kasi ni Andy, bawat galaw niya parang ang swabe kung lalaki nga lang siya grabe madami siguro ako kaagaw." kinikilig na sabi ni Molly.
Nagkatinginan lang si Congressman at Jorge, halata kasi ang kinang sa mga mata ni Molly habang nakatingin kay Andy samantalang ito si Andy ay wala lang ni walang reaksyon na mabakas sa mukha nito.
"Sorry Molly kailangan na namin bumalik sa ginagawa namin thank you ulit ah." slight na pagtataboy ni Andy dito, meron pa silang oras. Dapat 6am ay makabalik na sila at makapaghanda sa pagpasok ni Congressman.
Si Andy ang nagpresinta na magmaneho gusto niya makabisado ang mga daanan kung saan usual pupunta si Congressman, ngayon ay pupunta sila sa senado may reading sila ng ibang batas na pinasa ng ibang senador. Yung sa kanya ay nakapending pa rin pero nasa third reading na ito.
Pagdating nila sa sa Pasay sa building ng senado ay sinamahan ni Lucas si Congressman sa opisina ng isa sa mga senador, kumpleto sila ngayon dapat restday si Andy pero pass muna daw siya kasi first time niya makakapunta sa senado kaya gusto niya sumama bukas na lang siya magrerestday.
"Tol musta." si Jorge lumapit siya sa security ng presidente ng senado.
"Ayos lang Tol, may mga bago kang kasama ah."
"Oo Russ, Andy si Simon ang head ng security ng presidente ng senado."
"Hello good morning." ani Russ.
Kinamayan naman siya ni Andy, nakatingin kasi ito sa mga K9 na aso na nasa paligid.
"Anong pangalan nila?" umupo si Andy at pinantayan nito ang dalawang K9 na hawak ni Simon, habang hinihimas himas ang ulo nito at baba.
"Si Marikit yan babae at si t****k yung lalaki. Sikat kasi sila sa t****k follow niyo sila if may t****k account kayo." isang german shepherd si Marikit at Belgian Malinois naman si t****k.
"Ay sayang wala ako non hindi ako mahilig masyado sa social media eh." sagot ni Andy patuloy siya sa paghimas sa mga aso. Mababait ito, wala talaga balak si Andy gumawa ng social media kung hindi lang mapilit ang kuya niya para makapagvideo call naman daw sila. Ang kapatid lang niya ang friend niya sa f*******:.
"Simon halika na sa start na ng inspection." yaya ng isang kasamahan ni Simon.
"Pwede ba kami sumama?" hiling ni Andy.
"Sige common let's go."
"Pwede ba pahiram kay Marikit?" walang alinlangan na binigay ni Simon ang tali nito, nakangiti si Andy na naglalakad. Namimiss niya ang alaga nila dati sa kampo, si Rocky isang german shepherd din.
Pumasok na sila sa assembly hall para maginspeksyon bago pumasok ang mga senador at congressman. Isa isa inaamoy ni Marikit ang mga upuan at mesa bawat kanto ay inaamoy din nito. Iniinspeksyon din ni Andy ang mga ilalin ng upuan at mesa para makasiguro, bukod sa mga kanya kanyang security ng mga senador at congressman ay may sarili ding security ang assembly hall. Tumagal din sila ng trenta minutos sa pagiinspeksyon. Alas nuwebe pa naman ang start ng pagpupulong.
Lumabas na si Andy kasama ni Marikit, umupo muna sila sa lobby hindi niya kasi makita si Simon para masoli si Marikit.
"Ang good girl mo naman baby Marikit at ang very good mo. Sayang wala akong dalang treat para sayo next time dadalhan kita kayo ni t****k bibili ako pag nagkita tayo ulit ah." kinakausap niya si Marikit na tahimik lang na nakaupo, hinihimas himas niya ang aso habang nakatingin sa paligid.
"Andy." si Jorge.
"Ano balita?"
"Puntahan mo si Congressman don sa office ni Senador Olivar sunduin mo na." utos ni Jorge,
"Okay ikaw na muna bahala dito kay Marikit pag nakita mo si Simon ibalik mo na ah. Salamat mauna na ako."
Sa third floor ang opisina ng ibang senador, napili niya na maglakad na lang sa hagdan, nang may kasabay siyang nagbukas ng pintuan ng exit.
"Sige mauna ka na." isa itong lalaki na tantya niya ay nasa early thirties.
Nagsimula na siyang humakbang sa hagdan, nakikiramdam siya sa lalaki na nasa likod niya at nang pagliko niya kabilang hagdan ay naramdaman niyang hinawakan nito ang pang-upo niya.
"Bakit mo ginawa yun?" napatigil siya at hinarap ang lalaki.
"Hindi ko lang napigilan ang bilog ng pwet mo." anito na tipong nang-aasar pa ang kininditan pa siya. Agad na kinuha ni Andy ang kamay nito at mariin na inilagay sa likuran nito and pinned him to the wall.
"Mamimili ka ng mamanyakin mo." ang isang kamay ni Andy ay hawak ang isa pang kamay nito dahil ang kamay at braso ng lalaki ay nakaipit sa likod niya inipit ni Andy ang siko niya sa lalamunan nito nauubo ubo na ang lalaki sa hindi makahinga sa ginawa niya.
"Kung ibang babae kaya mong bastos bastusin hindi ako, kaya kitang lumpuhin at pilayan yang malikot mong kamay ngayon!"
Halos hindi na makahinga ang lalaking kaharap sobrang diin ng pagkakalagay ng siko ni Andy sa lalamunan nito.
"T-Tulong." impit na mahinang sigaw nito. Tinignan ng sobrang sama ni Andy ito bago inalis ang siko niya, pero bago umalis si Andy ay tinuhuran niya muna ito sa tiyan para hindi makasunod sa kanya, ubo pa rin ng ubo ito ng iwanan niya at pinagmumura siya habang nakaluhod sa sobrang sakit ng tiyan niya.
"You fcking b!atch damn! Magkikita pa tayo!"
Bago siya pumasok sa pintuan ay sinenyasan niya pa ito tinuro niya ang mata niya at tinuro din sa lalaki na ibig sabihin ay hihintayin ko pagkikita natin ulit.
Hinanap niya ang pintuan kung saan may nakalagay na Senator Olivar, bago siya pumasok ay kumatok muna siya naririnig niya na may nagtatawanan sa loob.
"Pasok." sagot ng nasa loob.
"Good morning po Senator, Congresman sinusundo na po kita call time na po."
"Senator Olivar eto pala ang bago kong bodyguard si Andy, Andy si Senator Olivar." nilahad ng Senator ang kamay nito para makipagkamay kay Andy.
"Nice meeting you po." bumalik na si Andy sa gilid ng pintuan tumayo na si Congressman.
"Uncle." napatingin si Andy na nasa likod ng pintuan sa taong bagong pasok.
"Oh Lander, buti nakarating ka." pagkasara niya ng pintuan nagulat si Lander ng makita ang nasa gilid ng pintuan.
"Sino tong babae na to Uncle? Secretary mo ba? Fire her now." galit na sabi nito. Tumaas ang isang gilid ng labi ni Andy at napailing, siya pa may ganang magalit ngayon.
"Bakit?" naguguluhan na tanong ng Senador pati si Bon ay nakatingin kay Andy.
"Bakit nga ho ba?" tanong din ni Andy kay Lander.
Hindi ito umimik. "Dahil ba hinawakan mo pwet ko, at hindi ka successful sa pangmamanyak mo?" nanlaki ang mga mata ng Senador.
"Bodyguard ko siya Lander, nakatikim ka ba ng sipa at suntok?" singit ni Bon.