Chapter 8

1142 Words
Sinalubong ni Russ si Andy pagbaba ng ring, binigyan niya ito ng towel at tubig. "Ginalingan mo naman, namimiss mo na ba makipagbakabakan?" bulong ni Russ kay Andy. "Hindi naman." naglakad na sila kung saan nakaupo si Congressman at Lucas. "Magpalit na tayo." utos ni Congressman. Nagpuntahan na sila sa banyo para magpalit. Paglabas ng mga lalaki ay andon na si Andy na naghihintay sa kanila nakajogging pants na ito, malaking tshirt at baseball cap. "Lucas sa Timog tayo doon tayo sa paborito kong restaurant sagot ko ang dinner niyo." ani Congressman pagkasakay nila sa sasakyan. Tuwang tuwa si Lucas at Russ sa narinig samantalang si Andy ay tahimik lang at nakalumbaba sa may bintana ng sasakyan. Isang seafood restaurant ang paboritong restaurant ni Congressman, pagbaba nila ay nagpahuli muna si Andy magiinspeksyon muna siya sa labas si Russ na ang bahala sa loob maginspeksyon. Pagkatapos maginspeksyon ni Andy ay agad na siya pumasok at tumingin pa rin sa paligid, medyo magaling ang memorya niya sa mga mukha iniisa isa niya tignan ang mga tao sa bawat mesa habang naglalakad ng mabagal. Hanggang sa narating niya ang mesa nila nasa pinakadulo ito at medyo mataas itong napwestuhan nila may tatlong baitang na hagdang ang tangkad kesa sa mga nakadine-in sa baba. "Pili na kayo sky's the limit." ani Congressman pagdating ng waiter. Agad kasi na tinransfer ni Norman ang perang napalunan niya sa pustahan sa bank account niya, fifty thousand din yun. Hanggang nakaalis sila kanina ay hindi pa rin matanggap ni Norman na magaling ang kasamang bodyguard, kahit siya rin naman ay hindi naniniwala noong una pero unti unting pinapatunayan ni Andy na madami siyang ibubuga. He's starting to be at ease, na pag andiyan mga tao niya feeling safe na siya at syempre tutulong din siya kaya mag-aaral din siya para rin mapagtanggol niya din ang sarili niya. "Congressman totoo ba? Baka salary deduction ah?" excited na tanong ni Russ. "Yes order lang kayo kahit madami kahit hanggang bukas magtake out na kayo." excited na naghahanap ng oorderin si Lucas at Russ, naguusap pa ang dalawa na dalhan si Jorge ng makatikim naman. Samantalang si Andy ay papalit palit ang tingin sa menu at sa paligid, hindi pwede magtiwala lalo na at nasa public place sila. "Andy anong order mo?" tanong ni Congressman. "Sinigang na hipon lang po at kanin. Russ, kailangan may nakaabang don sa may bandang hagdan hindi tayo pwede lahat nakaupo. Salit salitan na lang." "Sige ako na lang." ani Russ. "Congressman don lang po ako banda muna sa may entrance." paalam ni Andy. "Dito ka lang Andy si Lucas na lang don." request ni Congressman. Napatingin naman saglit si Andy kay Bon at tinignan din si Lucas kung okay ba to sa sinabi ni Congressman. "Sige Andy ako na bahala don sa may entrance." sagot ni Lucas. Pumwesto na si Russ at Lucas si Bon at Andy na lang ang natira, nakatayo ito at nagmamasid sa paligid hindi kasi siya komportable lalo na madaming tao sa restaurant. "Mahirap ka siguro maging girlfriend, kung saan saan ka kasi nakatingin." Bon said out of nowhere, pinagmamasdan niya kasi si Andy habang naghihintay ng order. Sinulyapan lang saglit ni Andy si Bon at nagpatuloy sa pagmamasid. "May boyfriend ka ba or manliligaw Andy?" tanong ni Bon. Napapailing lang si Andy, bored na ata ang boss niya kaya kung ano ano ang itinatanong medyo matagal kasi ang order nila dumating. "Uy Andy bakit hindi ka sumasagot?" "Siguro wala noh? Sabagay kahit ako nakakatakot kang maging girlfriend lakas mo manuntok at manipa." pang-aasar ni Bon. Hindi pa rin siya sinasagot ni Andy. Sinusulyapan lang siya ni Andy pag nagtatagpo ang paningin nila at nginingitian ito ni Bon, pero si Andy seryoso lang at walang reaksyon na mababakas sa itsura nito. "Congressman ito na po ang order niyo." isa isa ng nilalapag ang mga pagkain. Naupo na si Andy, nagsign of the cross bago kumuha ng pagkain. "Kain na tayo Congressman." alok ni Andy, tumango lang si Bon at kumuha na ng crab. "Kuha ka pa ng ibang ulam Andy." tinuro ni Bon ang iba pang ulam na nakahain. "Okay na po ako Congressman papupuntahin ko naman si Lucas dito para siya naman ang kumain." nagpunas na ito ng bibig niya at tumayo, wala pang five minutes ay tapos na ito sinundan na lang niya ang naglalakad na paalis na si Andy. Mahirap din palang kasama kumain si Andy sa labas ang bilis kumain ni hindi pa nga siya nakakasubo nagbabalat pa lang siya ng crab niya. "Congressman." si Lucas. "Upo ka na at kumain na." hindi katulad ni Andy na sobrang bilis kumain, umabot naman ng mga kinse minutos si Lucas bago nagpaalam para palitan si Russ. "Russ kain ka na medyo bagalan mo lang ah ang bibilis nila kumain hindi ko pa na-eenjoy ang pagkain ko si Andy nabusog kaya yun wala pang five minutes tapos na." "Ganon talaga yun Boss, seryoso po kasi lagi sa trabaho yun lalo na seguridad ang pinaguusapan ang pananaw niya kasi isang maling hakbang mapapahamak lahat. Lalo na sa madaming tao po, hindi napapakali yun, lahat pwede maging suspect para sa kanya." "Matagal na ba kayo magkatrabaho?" "Opo. matagal na din." "Buti okay lang sa boyfriend niya na ganito trabaho niya.?" natatawa si Russ sa tanong ng boss niya, kumuha muna siya inumin bago sumagot. "Wala po boyfriend yun, walang nagtatangkang manligaw." "Bakit tomboy ba siya?" curious na tanong ni Bon. "Hmm parang hindi naman po, dedicated kasi siya sa trabaho hindi ko pa siya nakikita na may kadate pero hindi ko sure hindi ko rin naman siya araw araw nakikita noon. Bakit po pala boss?" nabigla si Bon sa balik na tanong ni Russ. "Wala curious lang ako sa mga tao ko, baka kasi makasagabal kung may boyfriend siya syempre delikado tong trabaho niya. Ikaw ba may girlfriend?" "Wala din po Congressman, single and ready to mingle po ako hehe." "Magsimula ka na bukas, ikaw naman nakarestday bukas." nagtatawanan lang ang dalawa habang naguusap, si Congressman at Russ kasi ay parehong palabiro kaya madami sila napapagusapan hindi katulad ni Andy at Lucas medyo seryoso sa buhay. Matagal din nagusap si Russ at Congressman hanggang maubos na ang pagkain na inorder nila, dumating na rin ang take out nila. "Andy done with the bill out, ready to exit." signal ni Russ sa tube earphone nila. "Copy, securing the passage now going to exit." sagot ni Andy. "Naglalakad na kami palabas. Secured." si Lucas naman. Nakangiti si Bon ng makita si Andy na nagbubukas ng pintuan, hindi naman to nakauniform pero parang ang astig pa rin nitong tignan. "Lucas ako naman magmamaneho." agad na inagaw ni Andy ang susi sa daliri ni Lucas at pumasok na sa kotse. Iniiwasan niya ang boss niyang madaming alam, ang daming tanong sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD