Pinipigilan ko mapangiti, halata sa itsura ni Andy na inis na inis na siya sa paghahanap ng cellphone ni Thor. "Andy, bayaran mo na lang kaya para hindi ka na maghanap." suhestiyon ko sa kanya. "Saan naman ako kukuha ng ganon kalaki." she answered without looking at me. "Or ako na lang bibili for you." gusto ko na mapangiti pero baka bigla siyang tumingin sa akin. Ang cute niya kasi tignan, sinisipa sipa niya ang mga buhangin. "Wala akong pambayad kahit abutin ako dito ng umaga hahanapin ko pa rin yun." busy pa rin siya sa paghalukay sa buhanginan. "No need to pay me, basta ba pumayag ka na mag-date tayo." this time she looked at me, nakita ko na napabuntong hininga siya. "Kanina ka pa nangtritrip Congressman, hindi na ako natutuwa. Alam kong ako lang ang babae dito pero hindi nama

