Lumipas ang mga araw at lingo pero hindi ko pa rin malaman sino ang mga amo ng mga pulis na iniimbestigahan ko hanggang sa nalaman ko kagabi na nilipat na sila ng ibang lugar. Hindi ko alam if nakakatunog na sila na nagiimbestiga ako or sadyang tactic lang yun para wala ng iba pang lumabas na ebidensya. Andito kami sa opisina ni Congressman, simula ng pagtripan niya ako sa resthouse nila consistent pa rin siya sa pang-iinis sa akin. Katulad ngayon, kung dati sa labas lang ako ng opisina niya nagbabantay pinagawan niya ako ng desk niya dito sa loob. Mapapatampal na lang ako sa noo ko, dahil para siyang timang na laging nakangiti, hindi ko alam if ano ba tinira nito at parang laging sabog. "Congressman eto na po inorder niyo." ang sekretarya niya kakapasok lang at may hawak ng plastic ng

