Simula ng sumakay kami sa kotse ni Andy papuntang presinto ay hindi na siya nagsasalita hanggang sa nakauwi na kami sa condo ay ganon pa rin siya hindi ko na siya narinig na nagsalita. Tuwing kakausapin ko lang siya ay tatango or iiling lang ang isasagot niya sa akin. Andito lang ako sa likod ni Andy naglalakad na siya papasok sa kwarto niya pero pinigilan ko siya hinawakan ko ang braso niya at iniharap ko siya sa akin, hindi naman siya pumiglas pero nakatungo lang siya kaya hinawakan ko ang baba niya para makita ko ang mukha niya. Bakas sa mukha ni Andy ang pagod at malamlam ang mga mata nito. "What's wrong Andy?" i asked her just looking straight into her eyes, hindi pa rin siya sumasagot nakaharap ang mukha niya sa akin but her eyes is not looking at me. "If you feel guilty or sorr

