"Good morning Andy." napalingon siya sa tumatawag sa kanya, kakalabas niya lang ng kubo at may dala siyang kape. "Oh Jimmy good morning din. Kape tayo." "Tapos na salamat. Hinahanap kita kagabi hindi ka na kasi bumalik." "Ah may inutos kasi si Congressman tapos saktong sumakit tiyan ko kaya umuwi na ako sensya na hindi ako nakapag-paalam." Alibi ni Andy. "Ayos lang yun hindi rin naman kami nagpagabi ng sobra kasi madaming gagawin ngayon, mag-aayos kami ng venue ng birthday ni Mayor maya maya konti mag-aagahan lang muna. Doon sa likod ng mansyon niya gaganapin sa may bandang pool area. Magkakabit ng mga malalaking tent at mga designs lalagyan din ng space para sa sayawan." "Wow nice sama ako diyan ng may magawa." "Sige pinuntahan talaga kita dito para sumabay ka na sa amin mag-ag

