bc

Ikaw at Ako Pa Rin Pala Ang Tama

book_age18+
676
FOLLOW
1.9K
READ
family
HE
fated
lighthearted
mystery
affair
like
intro-logo
Blurb

Magiging tama ba ang pagmamahalan na sa simula pa lang ay mali na?

Si Aicel ay pamilyado na ng mapagdesisyunan niya na mag-abroad para magtrabaho doon upang maitaguyod niya ang kanyang mga anak. Hindi kasi siya nabiyayaan ng isang responsableng asawa.

Sa abroad nakilala ni Aicel ang binatang si John Mar na kasamahan niya sa trabaho. Naging close sila sa isa't isa dahil na rin sa magkaedad sila at nagkakasundo sa mga bagay-bagay. Hindi nila pareho namalayan na nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa

Mapapaglabanan kaya ni Aicel ang pagkahulog ng kanyang damdamin kay John Mar? Magkakaroon kaya sila ng happy ending kung masalimuot ng kwentong pag-ibig nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
PART ONE - TIN'S POINT OF VIEW CHAPTER 1
It's a Saturday. Wala akong pasok ngayon sa work ko kaya chill lang akong nakaharap sa laptop ko. Wala din kaming lakad ni boyfriend Edward ko kaya mega browse browse lang sa internet ang beauty ko ngayon. Beep. Beep. Tunog ng cellphone ko. One text message received ang nag appear na prompt sa screen ng cellphone ko. Agad ko itong dinampot para maview ko ang nareceive na text. Ice: Mareng Tin, saan ka? Text sa akin ni Mareng Ice ko. Aicel ang real name niya. Cel usually ang itinatawag sa kanya ng mga bagong kakilala but yung mga close sa kanya like me, Ice ang tawag namin sa kanya. Ice as in yelo. Ice as in ice cream. Me: Here sa bahay, Mare. Agad kong reply sa kanya. Ako nga pala si Celestine. Tin naman ang nickname ko. Bunso ako sa tatlong magkakapatid na puro babae. Ako na lang ang naiwang nakatira dito sa Pilipinas. Sina Ate ko ay nasa Canada na kasama ang mga parents namin. May mga boyfriend na sila doon kaya wala na silang balak magsettle down dito sa Pilipinas. Matagal na nila akong pinapapunta doon pero ayoko. Mas gusto ko pa din ang buhay dito sa Pinas saka syempre hindi ko din maiwan si Boyfriend Edward ko. Bukod sa work ko as an office clerk ay ako ang tagapangasiwa sa mga house for rent at room for rent ng parents ko pati na ng ibang properties namin dito sa Bulacan. Ang kasama ko lang sa 2-bedroom townhouse na tinitirahan ko ay isang kasambahay na matagal ng namamasukan sa amin na pamilya na ang turing namin. Si Ice naman ay kumare ko. Nag-iisang anak lang siya at pareho ng patay ang parents niya. Ninang ako ng dalawa niyang anak. Dati kaming magkakatrabaho nina Ice at ng asawa niya na si Dexter sa isang internet provider company dito sa Bulacan. Naging close kami ni Ice at kung magturingan ay higit pa sa magkapatid. Nang maging magasawa sila Dexter at Ice ay lumipat ng trabaho si Dexter. Nang mag 5 years naman si Aicel sa dati naming work ay napagdesisyunan niyang magabroad sa isa sa mga isla ng Papua New Guinea kasi nga siya lang ang nagtataguyod sa pamilya niya. Hindi kasi siya nabiyayaan ng isang responsableng asawa. Oo, may work si Dexter pero mas madalas pang humingi ito kay Ice kaysa magbigay. Magbigay man e inuunti unti din ang paghingi kay Ice at madalas ay abunado pa ang kaibigan ko. Ten years ding nagwork sa abroad si Ice. Pero dahil sa hindi niya maturn down ang alok ng tita niya na tumao na lang siya sa lending business na itinayo nito ay nagdecide na si Ice na umuwi na for good dito sa Pinas. Saka lumalaki na din ang 2 anak niya na mas kailangan na din ang guidance nang isang ina lalo na sa studies nila. Halos mag 3 months na din siyang nandito sa Pilipinas at nagmamanage ng lending business ng Tita niya. Beep. Beep. One text message received. Ice: Papunta na ako diyan. Me: Ok, Mare. Dumiretso ka na lang sa room ko. Reply ko ulit sa kanya. Mga 30 minutes after ay may kumatok nga sa pinto ng kwarto ko. Expected ko na na si Ice ang kumatok kaya hindi na ako nagulat na siya ang makita ko ng buksan ko ang pinto ng kwarto ko. Namumula ang mga mata niya at tila galing sa matinding pag iyak. Agad siyang yumakap sa akin at laking gulat ko ng humagulgol ng iyak si Ice. Ngayon lang siya umiyak sa akin ng ganito. Mas madalas kasi na ako ang umiiyak sa kanya. I have known her to be a strong woman kaya sa kanya ako madalas humihingi ng payo at madalas kong iyakan pag may problema kami ni Boyfriend Edward ko. "Mare, bakit? Halika ka nga muna dito sa loob. Umupo muna tayo." Iginiya ko siyang umupo sa kama ko habang patuloy pa din siya sa pag-iyak. "Ano bang nangyari, Ice? Nag-away ba kayo ni Pareng Dexter?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya. Imbes na sumagot ay inabot ni Ice sa akin ang envelope na dala niya. Pinunasan ang mga luha niya at pinilit ang sarili na tumahan. Agad kong kinuha ang papel na nasa loob ng envelope. Biopsy results ni Mareng Ice. Unusual kasi ang menstruation niya bago pa siya umuwi ng Pilipinas. Isa din yon na dahilan kaya nagdecide na siyang umuwi for good. Every two weeks daw kasi siya kung mag mense noong nasa abroad pa siya saka buo buo pa yung mense na lumalabas sa kanya kaya nagpatingin siya sa isang OB Gyne a week after ng pagbalik niya dito sa Pilipinas. Nung una ay ayaw pa niyang kumunsulta sa doctor pero dahil nga alarming na ang mense niya saka naging anemic na nga siya at madalas nahihilo kaya napilitan na siyang magpatingin. May nakitang thickening of the uterus at polyps nung nagpa ultrasound siya kaya isinuggest ng OB niya na iparaspa siya at ipabiopsy yung nakuha sa uterus niya. After niyang maraspa ay tumigil ang abnormal menstruation niya pero nabanggit niya sa akin two weeks ago na bumalik na naman sa pagiging abnormal ang mense niya. Malakas na naman daw ito. Kaya sabi nga niya kukunin niya yung biopsy results niya sa OB na nagraspa sa kaniya. At eto na nga yung results ng biopsy niya sa harap ko. Hindi ko naiintindihan yung ibang mga findings na nakasaad sa papel na nasa harap ko pero nashock ako sa nabasa kong findings sa pinakaibabang bahagi ng result. EARLY STAGE OF STAGE 4 CANCER OF THE UTERUS. "Ice, ano to? Totoo ba to?" Naramdaman kong naluluha na din ako. May tila sumaksak sa dibdib ko. Niyakap ko ang kaibigan kong si Ice na nagumpisa na namang umiyak. In between her sobs, pinilit niya akong sagutin. "Oo, Tin. Kakagaling ko lang sa doktor. Dito na nga ako dumiretso sa inyo. Hindi ko pa kayang umuwi sa amin. Ikaw pa lang ang nakakaalam." "Baka naman nagkamali sila ng findings sayo, Ice? Magpasecond opinion ka muna." Ani ko habang pilit kong pinipigilang umiyak dahil gusto kong magpakatatag para kay Ice. "Ipinabasa ko na din yan sa ibang OB Gyne, pareho lang ang sinabi nila. Totoo ang findings na nasa biopsy. Inirefer na nila ako sa oncologist." Umiiyak pa din niyang tugon sa akin. "Ano daw ang pwedeng gawin? Chemo or radiation or kahit ano para mawala or magamot yang condition mo?" Umiiyak na din ako. Naaawa ako sa kaibigan ko. "Total hysterectomy daw then chemo pero ayoko na, Tin. Tutal sabi nung oncologist na nakausap ko, magchemo man daw ako, I got 4 to 6 months to live na lang. May possibility na kalat na daw ang cancer cells sa internal organs ko." Ani ni Ice na hindi na mapigilan ang pagiyak. "Hindi naman pwede yung ganoon na aayaw ka na lang basta basta, Ice. Susuko ka na lang ba ng ganun ganun na lang?" Umiiyak akong tanong kay Ice. "Ayoko mang sumuko, Tin, pero wala naman akong perang ipangtutustos sa treatment ko. Wala naman akong pagkukunan." Lalong humagulgol ng iyak si Ice. Natahimik na lang ako habang umiiyak si Ice. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya para gumaan ang loob niya. Naaawa ako sa kaibigan ko. Wala naman talaga siyang mahihingan ng tulong. Ulila na siyang lubos at wala namang kapatid. Mga tita at mga pininsan lang ang mga kamag-anak niya na kadalasan ay ayaw niyang gambalain pag nangangailangan siya financially dahil ayaw ni Ice na maipamukha na naman sa kanya na mali ang desisyon niyang magpakasal kay Dexter. Sa umpisa pa lang kasi ay ayaw na ng mga partido ni Ice sa napangasawa niya. Bukod din kasi sa pagiging iresponsable ay may attitude problem pa ito. Maski din naman ako ay ayoko din kay Dexter kaso yun nga mahal siya ni Ice kaya sinuportahan ko na lang si Ice nung nagdesisyon siyang magpakasal kay Dexter. Mabait naman kasi si Dexter noong nililigawan niya si Ice pero yun pala may tinatagong pangit na ugali. Nung mag asawa na sila ni Ice saka lumabas ang tunay na personality ni Dexter. Ilang beses na ding ginusto ni Ice na hiwalayan si Dexter pero hindi niya magawa dahil sa mga anak niya. Mahal kasi ng mga anak niya si Dexter. Kaya di bale na siya ang masaktan at mahirapan, huwag lang ang mga anak niya kaya hindi natuloy na makipaghiwalay si Ice noong bago pa siya mag abroad. Saka natatakot din siya na magrebelde ang mga anak niya pag naghiwalay sila ni Dexter. "Huwag kang mag alala, Ice. Hindi ka papabayaan ni Lord. Gagawa at gagawa siya ng paraan. Hahanap tayo ng paraan." Makalipas ang ilang minuto ay iyon ang nagawa kong sabihin sa kaibigan ko. "Oo, Tin. Patuloy akong magtitiwala sa kanya." Magkahawak kami ng kamay. "Andito lang ako lagi para sayo, Ice." Sabay pisil sa kamay niya. Sa pamamagitan man lang nun ay maparamdam ko kay Ice na hindi siya magiisang harapin ang pagsubok na to. Kasama niya ako. Magiging kaagapay niya ako. "Maraming salamat, Tin." Umiiyak pa ding saad ni Ice. Hinayaan ko siyang umiyak. Ako naman ay tahimik ding lumuluha. Mayamaya ay may kinuha siyang manipis na paper box na banig ang design sa bag niya. "Tin, kaya nga din nga pala ako pumunta dito para ipatago sayo to." Sabay abot sa akin ng paper box. "Ano to, Ice?" Tanong ko habang tinitignan ang box na hawak ko. "Taguan ko yan ng mga memorabilia ko nung nag abroad ako. Andyan ang journal ko. Nakasulat diyan yung mga importanteng nangyari sa akin sa abroad. Kung gusto mong basahin, OK lang sa akin. Kung sakali man na may mangyari sa akin, pakitago mo na lang yan or pakisunog mo na lang. Hindi pwedeng mapunta yan sa pamilya ko." Bilin ni Ice. "Sige, Ice, ako na ang bahala dito." Paninigurado ko sa kanya. "Maraming salamat, Tin. If ever na basahin mo, I ask for your understanding and not your judgment." Sabay yakap ulit sa akin ni Ice. "Whatever it is, Ice, I am your friend. Walang makakapagpabago nun." Pag aassure ko kay Ice.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
43.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.8K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook