September 21, 2003 Last Sunday ay kinausap namin ni Daddy John ko sina Ma'am Rachel at Sir James. Inamin namin sa kanila na may relasyon kami. Tama nga ang mga kasamahan namin. Naintindihan nina Ma'am at Sir ang sitwasyon namin pero syempre may mga bilin sila sa amin na mostly work related naman. Saka sabi nga nila, maging mas open daw kami sa kanila kasi nga pamilya kami dito sa isla. Kahit na ok na sa mga kasamahan namin at sa mga amo namin, hindi pa din nawawala yung pangamba ko na malaman sa amin. Sa side naman kasi ni Daddy John ko wala namang magiging problema dahil binata siya. Pero sa side ko, hay naku, very complicated na ayoko na munang isipin yon. Live one day at a time, sabi nga ni Daddy John ko. Saka na daw namin problemahin ang mga bagay bagay pag andyan na. Live. Pray. W

