Pag-out ko ng 5pm ay bumili ako ng mga rekado para sa lulutuin kong spaghetti. Bumili din ako ng ice cream. Tatlong pint size para tig-iisa sina Ate Amy, Ate Susan at kina Ma’am. Isang half gallon naman ay para sa amin ni Daddy John ko. Tinanong pa nga ako nina Ate kung ano daw ba ang okasyon? Sabi ko, wala lang. Gusto ko lang po kakong kumain ng ice cream at magluto ng spaghetti. Nakangiti lang na nakatingin si John sa amin. Hindi siya nakisali sa usapan namin. Oh well, alam kong hindi ko naman na siya masusurprise kasi nakita naman niya yung mga binili ko. Pero may iba akong surprise na inihanda para sa kanya. Mas bonggang pasabog. Di ba sabi nga niya hindi ako nagpapatalo kaya dapat may surprise din ako para sa kanya ngayong monthsary namin. Before 6:30pm ay nakaluto na ako

