It's Sunday and 10am pa lang andito na ako sa ospital. Hindi ako nakadalaw kahapon kay Aicel dahil nagdate kami ni Boyfriend Edward ko kaya I decided na maagang pumunta ngayon saka magsisimba din kasi kami ni Edward mamayang 5pm. Susunduin na lang niya ako ulit dito sa ospital. Dinatnan ko sa room ni Aicel si Pareng Dexter. Wala si Nurse Aina today dahil restday niya from 6pm ng Saturday until 6pm ng Sunday kaya mamaya pa ang balik niya. Dahil nakaupo sa sofa si Pareng Dexter habang nanonood ng TV, sa silya sa tabi ng kama ni Aicel ako umupo. Napansin kong iba ang ngiti ni Ice. Naisip ko na excited na siya sigurong mag-Thursday na. "Kumusta pakiramdam mo, Ice?" Bungad ko sa kanya. "Mabuti naman, Tin. Medyo masakit lang ang likod ko. Siguro dahil sa kakahiga." Tugon naman ni Ice na

